Den: makinig kayo sa akin... Wala akong gusto duon sa alyssa na iyon! Sabi ninyo nga malaki ang utang na loob natin sa kanya lalo na ako kaya gusto ko lang makabawi... (depensa niya sa sarili niya)

Marco, Marissa, Anna at Paul: sabi mo eh!! (sabay sabay na sabi ng mga ito)

----

nakahain na ang pagkain para sa tanghalian pero hindi pa kumakain ang pamilya nila den den dahil inaantay nila si aly..

Panay naman ang tingin ni den sa labas ng bintana kung saan makikita ang tapat ng bahay nila aly... tinitignan niya kung may lalabas duon...

Sige naman ang palitan ng mga tingin ng mga kasama niya sa bahay... alam niya ang mga tinginan na iyon kaya lalo naman siyang naiinis kay aly...

Padabog siyang tumayo at lumabas ng bahay nila parang alam na ng mga kasama niya sa bahay kung saan ang punta niya...

Den: alyssa patay ka talaga sa akin pag wala ka dito sa bahay mo para makikain na naman sa ibang bahay... (bulong niya sa sarili niya)

Paul: nakow lagot na naman si alyssa... kuya, ate nakakatakot pala yan si Dennise magalit parang amazona na... nanunugod ng kasintahan eh hahaha...

Marissa: ngayon ko lang din nakitang ganyan ang batang yan eh... (malumanay na sabi niya)

Halos sabay sabay silang napatayo nang madinig nila ang kalabog mula sa katapat na bahay...

BOG! BOG! BOG! (malakas na katok ni den sa bahay ni aly)

Den: alyssa!!! (malakas din na tawag niya dito kasabay nang malakas niyang pagkatok sa pintuan ng bahay nila alyssa, wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga tao duon sa lugar nila)

Nagulat pa siya ng makita niya si aly na gulo gulo ang buhok at pupungas pungas ng buksan ang pintuan ng bahay nila...

Aly: ano ba Dennise!! gigibain mo ba ang bahay namin?!

Den: paano po kanina pa kami nakahain at ikaw na lang ang inaantay namin!!! hindi kami makakain dahil inaantay ka namin!!! hindi mo ba alam na masamang pinag-aantay ang pagkain?!? (mahabang litanya niya sa kaharap niya, pero ngayon lang niya napansin na hawak hawak nito ang balakang nito)

Oh napaano yan at bakit hawak hawak mo? (tanong niya kay aly)

Aly: paano nagulat ako sa katok mo, naalimpungatan ako nahulog tuloy ako sa sahig!!! (inis na sabi niya kay den)

Den: ang cute niya (napadilat siya sa naisip niya, umiwas siya ng tingin kay aly bago nagsalita ulit) buti nga sa iyo!! ngayon maghilamos ka na at magsuklay at kakain na tayo!! bilisan mo at nagugutom na ako!! (saka siya tumalikod para pumunta na ng bahay nila)

Lalaki 1: naku valdez, nakakuha ka na ng katapat!! hindi na ikaw ang pinaka siga dito sa atin!! may mas sisiga pa pala sa iyo hahaha (Tukso niya kay aly)

Lalaki 2: mukhang bahag ang buntot mo duon ha... (nakangisi pa ito sa kanya)

Lalaki 3: pero dibale pag ganyan naman kaganda ang mang a-under sa akin okay na okay yun diba valdez?

Aly: tse!! magsi tahimik nga kayo kundi malilintikan kayo sa akin!!! Ang aga aga wala kayong ginawa kundi mag tsismisan!! mga GAGO kayo!! (padabog niyang sinara ang pintuan at pumasok sa banyo para maghilamos at mag toothbrush. nagsuklay din siya ng buhok at nag palit ng damit)

Aly: (napapailing na lang siya) hay aly, yan ba talaga ang gusto mo? lagi ka na lang bugbog sarado tapos sinisigaw sigawan ka lang sa kalye... (tanong niya sa sarili niya)

Pero napapangiti siya ng maisip niya ang nangyari kanina... gusto niyang maniwala na nagseselos talaga si den kay Cha kaya siya nagwawala kanina...

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon