"PACRUSHBACK SIR"

86 11 2
                                    

Pacrushback Sir

Mataman kong tinititigan ang English teacher namin, tila siya isang anghel na bumagsak sa lupa. Napaka perpekto ng ngiti niya isama mo na rin ang malalim niyang dimples; ang mapuputi niyang mga ngipin na dinaig pa ang kalinisan ng puti kong uniporme. Ang kisig niyang tignan, nabihag niya ang puso ko kahit na first day of school pa lang.

Hindi ko namalayang tinawag pala niya ako, kaya pala parang nabingi ang mga tenga ko dahil sa ritmo at musikang dulot ng boses nito. Napatalon naman sa tuwa ang puso ko at tila nais nitong makawala ngunit hindi ko pinayagan sapagkat anumang oras ay aatakihin na ako sa puso. Mainit, mahirap huminga masyadong romantiko ang eksena.

"Miss Garcia are you listening? " wika ng papalapit kong prinsipe. Nais ko siyang ngitian ngunit ayokong mapahiya sa harap ng maraming tao, kaya naman agad akong nagsalita.

"Sorry Sir medyo problemado lang," sambit ko at pilit na ngumiti sa kanya. Paano ko nga ba sasabihin ang nadarama ng aking puso. Ako'y di hamak na isang estudyante niya lamang, at siya'y aking butihing kamahal-mahal na adviser.

Saksi ang aking mga kamag-aral kung paano ko kagusto si Sir Fuentes, saksi ang aking bolpen kung gaano ako kagigil kapag kinakausap niya ang iba, saksi ang aking upuan kung pano ako mag-ayos ng upo kapag lalapit siya, at higit sa lahat, saksi ang sikat ng araw sa tindi ng pag-ibig ko sa kanya.

Kung maaari nga lang ay hindi na magdismissal pa para lagi ko siyang nakikita. Walang oras na hindi ko siya tinititigan, dinaig ko pa ang manika dahil minsan na lang ako kumukurap. Sariwang-sariwa pa ang mga matatamis niyang salita na sinabi sa akin nito lamang umagang naglilinis ako. "Goodmorning Princess" ika niya sa akin, ni hindi ko na nga matapos-tapos ang nililinisan ko no'n ng marinig ko ang mga iyon.

"Huy Princess nananaginip ka na naman Time na oh, tara na sa canteen. Tama na ang pagpapantasya mo kay Sir," wika ng katabi kong si Marie

Tumango na lamang ako dahil sa kaunting pagkainis. Hindi ko rin alam kung bakit ba ayaw nila akong suportahan sa kagustuhan ko. Mali bang magkagusto? Huhu, oo na maling magustuhan ko ang mismong guro ko, pero may magagawa pa ba ako?.

Basta kapag hindi ko na napigilan ang sarili ko sasabihin ko lahat kay Sir. Hindi naman niya siguro ako iiwasan kasi duhhh student niya ako, pero sa totoo lang kinakababan ako.

Lumipas ang mga araw at ganoon pa rin ang takbo ng istorya ng romantiko naming pag-iibigan, may mga araw na nagkwekwentuhan kami ngunit tungkol sa mga diskursiyon at leksyon kasama ang aking mga kaklase. Kung maaari nga lang sana ay utusan at pakiusapan ko na lang silang lumiban kahit sa isang araw lamang para masolo ko si Sir babe.

"Princess, please collect all their payments for the Intramurals fee. Punta ka sa office room ko this 12 noon okay? " Pag-uutos ng minamahal kong guro, wala pa sa alas singko nang tumango ako. Hindi ko dapat pinaghihintay ng matagal ang aking mapapangasawa, sabihin niyo nang assuming ako pero wala na akong magagawa. Puso ko na ang mismong nagsabi na mahalin ko siya. Sabi nga nila masarap gawin ang bawal, masarap gustuhin kahit bawal.

"Guys listen, babe said I need to collect all your payments now kaya dapat full paid na kayong lahat ngayon!" I said in a full authority, yeah ganto ako mag-utos sa kanila. Alipin ko sila, pero alipin ako ng asawa ko.

"Sus gusto mo lang makapagpacute kay sir eh"

"Gusto mo lang naman magpapansin kay Sir Fuentes"

"Nako girl wag masyado assuming ha, bala ka kapag nasaktan ka jan"

Yan ang mga gasgas ng linyang naririnig ko mula sa kanila, hanggang kailan ba nila ipapamukha sa akin na di ako pinapansin ni Sir, na di niya ako gusto?!

One Shot StoryWhere stories live. Discover now