GHOST-O KITA

38 10 0
                                    

GHOST-O KITA

Mom told me to stay at our family house within 3 days and I can invite all my friends, so I take this oppurtunity para makapag bonding naman kami ng mga kaibigan ko. 

Leanne,  Arrhenius,  Myler,  Ferlin and Shane agree with my proposal so ready na ang lahat,  nakapag grocery na din kami ng mga kakailanganin like snacks,  drinks and so on.

Nandito kami ngayon sa Family house namin malapit sa dagat.  Our first agenda here is to enjoy the beach,  since malapit nga lang.  Napagdesisyunan din naming mag open forum mamayang gabi and to make a bonfire kasi dream talaga namin iyun. 

Arrhenius and Myler were too busy collecting some woods na magagamit namin later since sila lang naman ang lalaking kasama namin.  Well at first mom didn't agree na magtatawag ako ng boys pero ng iexplain ko sa kanya na kailangan namin ng body guards just in case something might happen, pumayag naman siya.

Sina Leanne, Ferlin and Shane naman ay nagpapalit na ng kanilang swimsuit dahil kanina pa sila atat na atat maligo sa dagat eh 4 a.m kami nakarating alangan namang lusungin na lang namin agad ang nagyeyelong tubig dahil sa sobrang lamig neto.

Ako naman nandito sa backyard dahil gusto kong bisitahin ang mga tanim nila Lola dito, karamihan sa mga ito ay tuyo na at hindi na mapakikinabangan pa.  Pero may ilan din namang maaari pang isurvive, kayat hinanap ko ang timba at nag-igib ng tubig para diligan ang mga ito.

"Tssk,  asan na ba yung tabo dito" I said to myself dahil kanina pa ako paikot-ikot pero hindi ko talaga makita kong nasaan yun.

Kamuntikan ko ng mabitawan ang hawak-hawak kong timba ng biglang may narinig akong bagay na nahulog at laking gulat ko ng makitang iyun ang tabong inahanap ko.

Nanatili lang akong nakatayo roon, almost 5 minutes kong tinititigan at prinoproseso sa aking utak ang lahat ng pangyayaring ito.  Siguro may pusang nag-eexplore dito o kaya namang nagtatago-taguan ang mga kampon ng mga daga.

Tinapos ko na lang ang kailangan kong tapusin at ng makapunta na rin ako sa bahay para makapagluto ng pananghalian.

My eyes diverted towards the big tree and suddenly I reminisce some memory in the past. 

Flashback

"Uyy amin na nga yang laruan ko, bakla ka ba?  Bakit ba iyan ang nilalaro mo? " wika ko sa childhood friend kong si Jeremy.

"Kasi ito nilalaro mo" wika naman nito.

"Bakit ba kasi gustong-gusto mo akong bwisitin ha?! " inis kong sabi sa kanya pero nginitian niya lang ako.

"Kasi kanina pa kita kinakausap, pero di mo man lang ako pansinin dahil lang jan sa laruan mo." malamyang sagot nito.

Ganito lagi ang bangayan namin ni Jeremy, siya lang kasa-kasama ko lagi dito sa Family house namin since dito din kami tumira for almost 15 years.  Lumipat lang naman kami sa Manila kasi dun na nag-aaral si Kuya and napilitan na din akong mag-aral doon. 

15 years din kaming naging friend ni Jeremy kaso sabi nga nila lahat pansamantala lang, nagdecide si Mommy na sa Manila na kami titira, halos madurog ang puso ko nun kasi di ko kayang iwan si Jeremy.  Siya lang kasi ang closest at special friend ko at ako lang din ang tanging kanlungan niya sa tuwing may problema siya. 

"Miah may gusto sana akong aminin sayo, sana hindi ka magalit. " sabi niya.

"Ano yun? " nakangiti kong sambit kahit na medyo kinakabahan ako sa kung ano man ang sasabihin niya.

"We've been together since elementary,  ikaw ang nag-iisang taong nandiyan kapag malungkot ako,  kapag gulong-gulo ako at sa tuwing nasasaktan ako.  Ikaw ang nagsilbing liwanag sa madilim kong mundo,  ang nag-iisang dilag na siyang hinahangaan at pinupuri ko.  Simula pa noon nagugustuhan na kita, minsan nga hiniling ko din na sana gustuhin mo ako.  Hindi lang isang kaibigan kundi mas higit pa dun. Kase Miah gusto kita at sa sobrang gusto ko sayo, Minahal na kita,  Mahal kita Miah.  Mahal na mahal hindi ko alam kung pano ako babangon na wala ka na sa tabi ko,  na wala ka ng kausap ko pero kakayanin ko basta't alam kong babalikan mo rin ako." hindi ko inasahan ang mga bawat salitang lumalabas sa bibig niya. 

One Shot StoryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz