Paglisan ng walang paalam

13 8 0
                                    

"Panaginip"

Marahas kong tinatahak ang daan patungo sa nakasanayan ko ng daan papuntang eskwalahan.  Tanaw na tanaw ko na ang malaking bakod at mga taong nagbabantay sa kung sino mang malelate.  Dire diretso ako sa room namin para batiin sila ng "Goodmorning guys" Umupo na ako sa upuan ko dahil pansin kong wala pa ang ilan kong mga classmate.  Namiss ko tuloy mga bangayan naman tuwing umaga.  Tapos yung mga tawa na halos cause of death na nila.

"Bakit kaya antagal nila" sambit ko sa sarili ko.  Mabuti na lamang at meron na si Mia, may kakwentuhan na ako.

"Uyy ang aga mo ah,  himala" wika niya sabay sundot sa tagiliran ko.  Hindi ko din kasi alam kung bakit ang aga ko ngayon,  feel ko kasi magiging memorable at unforgettable yung day ngayon kasi ilang weeks na lang bakasyon na.

"Wala lang maaga lang ako natulog kaya maaga din nagising,  tsaka ilang weeks na lang kasi gusto ko sulitin lahat ng oras kasama kayo. " sagot ko naman.

Ilang minuto din kaming nag-usap ni Mia at sa wakas nagsidatingan na din ang mga demonyo kong classmate de joke lang mahal na mahal ko mga yan kahit pa sobrang ingay at gulo kapag meron sila.

"Uyy guys di daw aattend first subject teacher natin, arat kantahan" sigaw nu Ren-Ren.

Nagsimula na ang tugtugan,  sinabayan na din ng tawanan at sayawan.  Dinig na dinig ang mga boses sa bawat sulok ng silid.  Pero natulala ako bigla.  Natulala ako dahil alam kong ito yung mamimiss ko ng sobra.  Ito yung bagay na mahirap kong tatanggapin at ileletgo balang araw. 

Ilang weeks na lang,  tatahimik na ang school, wala ng mag eexcuse tuwing discussion para umihi pero diretso din naman sa canteen.   Wala ng makukuhanan ng ID dahil late.  Wala ng magrereview at magkokopyahan pag quiz.  Wala ng busy ay badtrip kapag PT.  Wala ng picture taking kapag uwian.  Madami pala akong memories na panghahawakan,  sigurado mahirap din to bitawan.

"Eri okay ka lang? " tanong ng katabi kong si Ela.  Isa din siya sa taong lubos kong minahal at kausap kapag bored na bored na akong nakikinig sa lessons.  Tandang tanda ko pa nga dati halos nagkakahiyaan pa kami pero ngayon mga wala ng hiya.

"Uyy anjan si Momshie" sambit ni Carl. Momshie kasi tawag namin sa adviser naming kyut at sobrang mahal na mahal namin.  Kesho lagi kaming napapagalitan at napapaiyak namin siya minsan.

"Goodmorning Maam" sabay sabay naming sabi. Ngiti niya ang bumungad sa amin kaya naman natitiyak namin na good news ang ipapaalam niya.

"Okay class for now di tayo magdidiscuss, I just want you all to cherish this day and make this one of the most memorable day of your life." bigla akong nadismaya di naman sa gusto ko maglesson na lang sana pero, nalungkot lang ako dahil talagang malapit na ang graduation.

Nagstay lang si Maam sa room habang kami naman may kanya-kanyang group na. Chismis dito,  chismis doon.  Cellphone dito,  cellphone doon.  Nanjan sisingit si ateng photographer para macapture every moments.  For sure madami na namang stolen pics na masesend sa gc nito.

"Uyy nood na lang tayo ng movies" suhestiyon naman ni Dale. Kahit kailan talaga yun eh panay movies,  sa school ko lang pala natutunang manood ng horror yung horror ngayon, mamaya ganun ulit.  Minsan nga naiimagine ko yung dugo sa pagkain ko.  Gross 🤢.

Bago pa man kami manood dumating naman ang second subject teacher namin kaya nabulilyaso ang plano.

"Bring out 1/2 sheet of paper may ipapagawa ako" wika ni Sir Richter. 

"Sir quiz?"

"Sir di pwede 1/4?"

"Sir pwede erasures?"

"Sir ilang items? "

Yan ang mga tanong na lagi mong maririnig kapag magpapalabas sila ng papel. Pasimple lang akong dumudukot sa bag ko kasi kakabili ko lang kanina,  ayoko namang ma one shot lang.

"Uyy Eri pahingi naman oh,  wag na madamot lapit na nga last day eh" wika ni John. 

No choice ayun nilabas ko na lang lahat, yung 80 leaves naging 35 leaves, hanep eh no.  Magdala na lang sana ako ng sangkaterbang papel.

May pinagawa lang naman palang simpleng activity si Sir before mag end ang school year.  Bakit ba kasi ang advanced nila,  2 weeks pa naman kasi before end ah.  Bakit ba parang bukas wala ng pasok.  Haist nakakalungkot naman neto.

Natapos na din ang 2 subjects namin at lunch break na,  balik loob muna kami sa dati naming kainan.  Pasimple kong sinusulyapan ang bawat tao sa harapan at gilid ko.  Mamimiss ko tung mga to,  mamimiss kong may kasalo ako sa hapag kapag kakain.  Sa bahay kasi solo mode lang ako.  Minsan nga mas gusto ko na lang dito sa school,  mas masaya.  Dito halos umiikot mundo ko eh.

"Masyado na bang maanghang ang pagkain at halos umiyak ka na jan?" wika sakin ni Jam.  Di ko pala namalayan na sa malalim kong pag-iisip ay naiyak na ako.  Kahit kelan talaga napaka iyakin ko.

"Wala iniisip ko lang crush ko" sagot ko naman.

Balik na ulit kami sa room,  nadatnan ko ang ilan na nakahiga sa sahig at ang ilan naman ay busy kakadaldal. 

Bakit ba pakiramdam ko ang lungkot ngayon.

"Anjan na si Maam" bulyaw ng classmate ko,  ambilis ng oras isang subject na lang tapos uwian na.

Madami kaming ginawa sa mga oras na yun,  naglaro kami pero parang binabalikan lang namin lahat ng lessons.  Buti nanalo kaming team 1 dahil magagaling ang mga kasama ko sa pag sagot ng tanong.

Puro tawanan lang kami nung si Rico na ang nasa harap at pilit inaalala ang lahat dahil sa hiya at kaba "Hakdog ang sinagot niya" mas umingay naman ang paligid dahil dun.  Muntikan na din kaming mapagalitan ng principal dahil sa tawa namin.

Natapos na ang lahat ng subjects, pauwi na din ako kasama ang ilan sa mga kaklase ko.  Napahinto muna kami sa isang store para magmeryenda,  medyo nakagawian na din kasi na ganito.  Hindi kakain para makatipid tapos mamaya kakain din hahahaha.

Mag-isa na naman akong umuwi ng bahay diretso ako sa kwarto at humiga na, pilit na inaalala ang lahat ng pangyayari. Ilang oras lang ay nagising ako sa sigaw ni Mama. 

"Ano tirik na ang araw di ka pa gigising jan? " napakunot naman ako ng noo,  tirik na daw ang araw. Abat ang haba nmaan ng tulog ko kahapon.  Bumangon ako saglit para tignan kung umaga na talaga. 

"Ma bakit late niyo na ako ginising? " pagrereklamo ko.  Jusko malelate na ako neto.  Agad-agad akong tumayo para maligo at kumain pero pinigilan ako ni mama.

"Anong late ginising bakit san kana naman ba gagala? " tanong niya na labis kong pinagtatakahan.

"Syempre sa school" sagot ko naman niyugyog naman ako ni Mama.

"Ano bang pinagsasabi mo wala na kaying pasok" sigaw niya.  Bigla akong kinabahan.  So lahat ng nangyari kahapon panaginip lang?  So tapos na yung last day?  Wala man lang paalam sa kanila? Ganun na lang yung ending?  Ang unfair naman na!.

"Pero pumasok po ako kahapon" dagdag ko baka nakalimutan niya lang.

"Anong pumasok eh maghapon lang nakahilata dito tapos pagkarating ko tulog kana ni hindi ka kumain,  nung last thursday pa ang last day niyo.  Ikaw ba'y nagdadrugs at kung ano ano ang nasa isip? " wika ni mama.

Bumalik ulit ako sa kwarto at inilabas na lahat ng iyak na kanina ko pa kinikimkim.  Bakit nmana ganun?  Akala ko 2 weeks pa?  Bat tapos na? Masakit pala lumisan ng walang paalam?  Panaginip lang pala lahat nun,  sana pala di nalang ako nagising. Pati pala sa panaginip nagbibigya ng signs na wala ng pasok.  Na hindi ko na ulit sila mayayakap,  makakasama, makakasama sa pagtawa at pagkanta.  Ang sakit naman na.  Huli na pala ang lahat

One Shot StoryOnde histórias criam vida. Descubra agora