23. Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib

Magsimula sa umpisa
                                    

Kung kay Devin ay pitik sa noo ang nakuha niya, si Trish ay buong palad ang itinampal sa kanyang noo.

"Ah — aray naman!"

"Alam mo, kung talagang may gusto lang ako sa'yo, magagalit na 'ko. Nakakainsulto kang babae ka. Alam mo ba kung gaano karami ang nangangarap na mahalikan ng bibig na 'to? Tapos ikaw — " Isa pa muling tampal ang ginawa nito " — kinalimutan mo lang!" singhal nito bagamat hindi naman totoong galit.

Inis na hinimas-himas ni Brie ang nasaktang noo. "Ba't ba ang sasadista niyo! Saka, anong magagawa ko kung nakalimutan ko nga?"

"Well, whatever. That's beside the point." Iwinasiwas ni Trish ang kamay upang ibahin ang usapan. "Alam mo kung anong dapat mong ginagawa ngayon? Dapat, sundan mo na si Lorraine. Selos na selos na 'yong tao. Tanga ka ba?"

"Makatanga naman 'to," tila nainsultong turan ni Brie, "saka, 'yon... magseselos? Nunca. Second nature na talaga ang katarayan at pagiging sumpungin no'n."

"Alam mo, tanga kang talaga," ani Devin, "hindi lang 'yon... manhid ka pa. Todo-effort na nga ang ginagawa ni Trish para mapakita 'yon sa'yo, pero ang laki mong bulag. Huwag nang isali ang pagiging duwag mo." Pinakadiinan ni Devin ang mga salita na tila nanggigil sa kaibigan. Napailing ito.

"Exactly," sang-ayon naman ni Trish. Tinampal naman nito sa braso si Brie. "Tinutulungan na kita pero ang slow mo pa rin. Ano, uupo ka na lang diyan?" tanong pa, "sundan mo na si Lorraine, para naman mailabas niyo na ang pinakatago-tago niyong nararamdaman sa isa't isa," pagtataboy nito.

Biglang nagseryoso ang mukha ni Brie. Imbes na sundin ang sinabi ni Trish ay humarap na lang muli sa pagkain. "Hindi ko gagawin 'yan. Sabi ko na sa inyo, 'di ba... Hindi kami puwede," diin niya at kumain nang muli.

Nagkatinginan sina Trish at Devin.

"Untugin na kaya natin 'to?" si Trish.

Umiling si Devin. "Hayaan mo siyang magmatigas. Balang-araw, magigising din 'yan. Makikita na lang natin 'yang umiiyak sa sulok. Ayaw kasing makinig. Kumain na lang tayo," tila inis na wika.

Napatingin muli si Trish kay Brie. Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito. Hindi naman yata niya hahayaang masayang lang ang effort niya. "You knew all along that she likes you, don't you?" panghuhuli niya rito.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon