Nakakainis kasi talaga ako

40 5 0
                                    

5th of June, 2019
××××××××

Para sa 'yong nainis sa akin,

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin 'yong nangyari. Ayokong gumawa ng anumang bagay na ikaiinis mo, kaya nag-iingat ako.
Ayokong maramdaman mo na hindi tayo okay kasi sa totoo lang, wala namang kaso sa akin 'yon.

Siguro, natauhan lang ako. May natutunan ako mula sa nangyari.
Pero iniisip ko talaga, kung di ko ba nabasa 'yon may pag-asa kayang sabihin mo sa akin ang tungkol doon?

Siguro, oo. Pero baka matagal pa bago mangyari 'yon.

Pero sa totoo lang... hindi ko talaga alam ang gagawin ko...

Sorry kasi nainis ka,
Sorry kasi ganoon ako, e.
Nakakainis talaga.

Siguro... ang di ko lang talaga matanggap...
Iyong puwede mo naman akong diretsahin pero di mo ginawa.
Hindi ako nanunumbat, nagsasabi lang ako.

Isa rin kasi talaga sa ayaw ko ay iyong may naiinis sa akin.
Kung naiinis ka man, sabihin mo. Ilang beses ko 'yang pinaalala sa inyo. Magsabi lang kayo kung naiinis na kayo, baka kasi sobra na pala ako.

Pero, wala e.
'Yon ang nangyari, nangyari na...

Salamat.

Pero pasensiya na, sinungaling ako e.
Nasaktan ako at hindi siya maalis sa isip ko...

Bakit nga ba umabot sa ganoon?
Okay naman tayo, e.
Okay tayo.
Pero siguro nga, misunderstanding ang rason.
Okay naman tayo, e.

Diba?

LettersWhere stories live. Discover now