A Boss Mission

8K 251 3
                                    



"WOOOOOHHHH...bakit ganiyan kayo makatingin ha?" Bawi ni Tristan nang makabawi ito mula sa pagkakatahimik ng pumasok ang isang babae.

"Maganda siya dude, lapitan mo na!" Yakag ni Travis dito.

"Akala ko ba walang retuhan?" Anito at napatigil si Travis. Lahat sila ay nakatingin lamang sa babae na tila may hinahanap at nang hindi mahanap ang hinahanap ay umalis din agad.

"Wow! Hindi man lang tumingin sa kaguwapuhan mo 'tol!" Ang buska ni Zion kay Tristan.

Tumawa rin ang huli hanggang sa humaling ang lahat kay Zach. "Oh bakit ganiyan kayo makatingin sa akin?" Gagad sa mga ito.

"Wala lang, naninibago lang." ani ni Travis.

Napangiti si Zach. "Hello! Pagod ako dude, kung hindi sa pakiusap nitong ulol na ito. Tulog na sana ako. May pa-blind date, blind date pa kayong nalalaman." Aniya sa mga ito.

"Sorry na guys.." ang tinig ni Zion. "My idea.." anito na sinigundahan naman ni Travis.

"ANAK NG TUKWA naman oo, nasaan na ba iyong ID ko.." inis ni Giezl sa sarili habang abala sa paggalugad ng bag niya.

Maayos na maayos ang pustura pero dahil sa inis sa hindi mahanap na ID ay napabusangot tuloy siya. "Ano ba? Nasaan ka na hindi ako makakapasok niyan eh.." inis niya. Wala pa ang mga kaibigan kaya wala rin siyang makasabay.

"Nasaan na ba kasi!" Banas na turan na sa ganoon siya nang biglang may bumunggo sa kaniya.

"Anak ng—!" Gilalas na mas lalong nagpainis sa kaniya.

"Sorry miss," wika ng baritonong tinig ng lalaki.

Agad na pinag-aralan ang mukha ng lalaki. "Guwapo, clean cut, tila bagong ahit din ang balbas at bigote nito. Matangkad ito sa pangkaraniwang Pinoy ngunit nakitang may hawak na tools sa plumbing.

"Next po sir baka gusto mong tumingin sa dinaranan mo!" Banas na turan rito.

"Sorry po talaga.." hingi ni Zach ng sorry sa babae. Kagagaling lang siya sa plumbing station ng hotel nila nang masilip ang babaeng tila hindi mapakali. Agad na tinignan ang relos. Maaga ito sa time ng palitan. Naaalala ang sinabi ng HR department nila. Masipag daw ito, siguro ay masunurin din. Batid na niyang bakit aligaga ito. Wala itong ID at hindi maka-access para sa kanilang employee locker.

Pero mas lalo siyang napangiti sa sarili nang kahit banas ito at inis ay maganda pa rin. Batid mo pa rin ang paggalang sa anumang uri ng taong nakakasalamuha nito. Hindi kasi naikatwa sa kaniya ang pagsuyod ng tingin nito sa kaniya at nakitang hawak pero nagawa pa rin siyang tawaging sir kahit ang iba kapag nakitang mas mababang uri ng trabaho sila meron ay sini-sino na.


Nang makitang papunta ang plumber man sa kanilang employee locker ay mabilis na sinitsitan ito.

"Psssst! Pssssast! Sir, mama, saglit!" Habol rito.

Napangiti sabay tigil si Zach.

"Bakit Gi—Ma'am.." aniya. Muntik pa talaga siyang mahuli nito. Alumpihit na lumapit ito sa kaniya.

Sa employee locker ka pupunta di ba? Pwede pasabay, sorry nawala ko ang ID ko eh.." anito.

Napatigil si Zach nang makitang ngumiti ito. Mas maganda pa kay Christine Reyes ito nang lumabas ang biloy nito.

"Oh well....ahhhh uhmmm.." tikhim niya upang palitan ang pananalita niya. Nakalimutan niyang siya si Zach na plumber man.

"Sige ba?" Yakag dito.

"Ahemmmmm...hemmmmm.." tikhim din nito na panggagaya sa kaniya. "Ah Giezl nga pala.." anito.

Lumingon si Zach saka ngumiti. "Zacharias.." aniya sabay lahad sa palad niya.

"Okay Zacky, nice to meet you," aniya rito saka kumaway nang makapasok na sila.

"Nice to meet you too Giezl." Saad sa babae na papalayo na. Todo ang ngiti niya nang tuluyang nakapasok sa mundo ng babaeng bumihag sa kaniyang pansin.

Ilang kinse minutos ang lumipas at humahagos na dumating sina Reyn at Felize. "Oh shooccckzz! Grave ang ang jinit at lalo na ang traffic! Girl ano?" Untag ni Felize sa kaniya.

"Don't worry, na-punch ko kayo on time." Sabad sa dalawa.

"Oy! Ayon ohhhh...atleast bawi sa pag-emote emote kahapon. Ohhh..siya, ihelera ang beauty." Agaw naman ni Reyn saka sila nagtabing tatlo.

Nang maya-maya ay pabungad ang kanilang supervisor na si Miss Menirva. "Umayos girl. Paparating si Super...supersungit.." mahinang sambit ni Reyn.

"Miss Dela Cruz. ID mo, nahulog mo. Buti at napulot ni boss at dinala sa HR." Striktong wika nito.

"Ohhhh shooockzzz!" Gilalas niya. Naalala niyang nalapag niya iyon sa may lababo nang maglinis siya sa penthouse.

"Oh...ano iyon girl?" Tanong ni Felize.

"Di ba nagpart time ako kahapon. Pinalinis sa akin ang penthouse kasi dumating daw ang anak ng may-ari. Wala naman siya nang dumating ako tapos noong tapos na ako sa toilet at papalabas ng banyo. Nakita ko ang isang lalaking hubad—!" Putol ng tumili si Reyn.

"Hubad as in hubo't hubad.." kinikilig na tanong nito.

"Hindi!" Singhal dito. "Hubad baro lang. Nakita ko lang naman ang mga abs nitoooo..." aniya.

"Ahhhhh..." tilu ulit ni Reyn habang si Felize ay tila kinikilig.

"Tapos.." agap ni Felize.

"Iyon ang macho niya.." aniya.

"Ayyyyy ikaw na Giezl...ganito lang ang drama mo noong tanghali. Hayop ka Randee, makikita mo ipagpapalit kita sa mas guwapo, mas mayaman at mas....mas...mas.. yummy sa'yo.." anito na ginaya ang sinabi niya.

Binatukan ito ni Felize. "Di ba ang sinumang babanggit sa pangalang iyan ay manlilibre at hindi yummy ang sinabi niya..masarap.." gatong pa ni Felize.

"Wooooppppsss...sarey na! Okay libre lunch today pero today lang at diyan lang sa karinderya." Ani ni Reyn.

"Oh teka Giezl. Ano totoo bang guwapo ang nag-iisang anak ni boss?" Excited na tanong ni Felize. Napangiwi siya doon. Hindi kasi niya napagmasdan ang mukha ng lalaki dahil nahihiya siya.

"Hindi ko masyado na-sight girl. Nahiya ako eh. Biruin mo. Hawak ko ang cleaning materials at sa kabila ay garbage sacks. Shoooccckkk.." aniya sa mga ito.

"Oh my..." maya-maya ay tili ni Reyn. "Oh my God. Sabi ko na nga bang dito ko makikita si the one." Saad nito at sabay sila ni Felize na napatigin sa tinitignan nito.

Napatigil din siya ng makita si Zacky kasama ang ilang kasama nito. "Ang yummy kahit medyo madungis ang suot.." ani ng kaibigang si Reyn na mukhang natipuhan si Zacky.

"Alin sa apat. Iyong pandak o iyong mataba?" Tanong ni Felize. Binatukan ito ni Reyn.

"Gaga! Iyong guwapong bago. Iyong may bitbit ng materials..." anito na ang arte-arte.

"Si Zacky?" Bulalas ni Giezl. Sabayang lingon ng mga kaibigan sa kaniya. "Oh bakit ganiyan kayo makatingin sa akin. Oh well, nakilala ko siya kanina. As you see, kabibigay lang ni super-sungit este supervisor ang ID ko. Hindi ako makapasok at saktong papasok si Zacky kaya kami nagkakilala." Paliwanag sa mga ito.

Tumawa si Felize. "Ano bakz, sorry ka na lang. ang the one na inaaakal mo ay may nakauna na." Tawa ni Felize rito.

"Oh siya, pagbibigyan ko tutal eh broken hearted.." anito. "Sorry, paano na iyong sabi niyang ipagpapalit niya si—." Pigil nito na sabihin ang pangalan ng ex ni Giezl.

"Okay, sabihin mo at isang linggo mo kaming ililibre." Banta rito.

Nagtawanan silang tatlo.

UNDERCOVER BOSS: ZACH The Hotel MagnetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon