The Failed Blind Date

8K 265 4
                                    




NANG MAGKITA niya si Tristan ay hindi inaasahang naroroon din pala sina Zion at Travis. "Good to see you again man," bati ni Travis.

"Anong meron?" Tanong sa mga ito. Kaya mapilit si Tristan kanina nang kausap ito.

Tumawa si Zion. Batid na niya ang ibig sabihin ng tawang iyon. "Hey...don't tell me.." aniya nang mapagtantong they set him a blind date again.

"We're serious when we said, hahanapan ka namin ng gf. Ito na iyon.." ani ni Travis.

"Hindi ko kailangan ng kupidong mukhang demonyo." Sabad dito.

Tumawa ang tatlo. "Sa gwapo kong ito. Mukhang demonyo pala ang tingin mo ha.." ngisi ni Travis. "Huwag kang mag-alala dahil swak na swak si Selena sa'yo." Saad nito.

Napapailing na lamang siya sabay ngiti nang maalala si Giezl. Ngiting hindi nakaligtas sa mapang-usisang tingin ni Tristan. "Aba! Nangingiti siya dude. Mukhang ngayon lang siya sumang-ayon." Wika naman ni Tristan.

"Stop it guys. I don't need your help. Mukhang nakita ko na siya." Aniya sa mga ito. Tila nanlaki ang mga tainga ng mga ito ng marinig ang sinabi niya.

"You mean, may nakita kang babaeng natipuhan mo?" Susog ni Zion.

"Yup.." aniya sabay kuha ng beer sa bucket.

"Saan?" Agad na sabad ni Travis.

"Sa kuwarto ko kanina." Aniya habang naalala ang hitsura ni Giezl nang makita siya sa labas ng toilet ng penthouse.

"Whaaaaattt!" Gulat na tanong ng tatlo. Halos lumingon sa kanilang apat ang lahat ng taong naroroon sa lakas ng boses ng mga kaibigan.

"Sa kuwarto mo...ohhhhh..." agad na bawi ni Travis.

"Hep! Walang nangyari okay. Ang tataba ng utak ninyo basta babae ang pag-uusapan. Hindi ko rin alam kung bakit siya naroroon eh alam ko receptionist siya ng hotel." Saad niya sa mga ito.

"Ohhhhh..." muling turan ng mga ito.

"Pero mukhang nabihag niya ang pihikan mong puso.." saad na bawi ni Zion.

"Mukhang mapapa-check in kami sa hotel mo bukas dude. Wala bang discount diyan.." hirit ni Tristan sabay tungga ng beer na hawak.

"Kung ikaw wala..." tawang turan rito.

"Ah ganoon! Okay lang naman, bakit magkano ba ang hotel mo at bibilhin ko. Para doon ko ibahay lahat ng babae ko." Yabang na turan nito pero alam nilang biruan lang nila iyon. "Pero seriously, mukhang gusto naming makilala ang babaeng iyan. Baka diyosa sa kagandahan dahil nagising niya ang natutulog mong pagnanasa.." tawang saad nito.

Puro talaga kalokohan ang mga ito kaya tuloy hindi makapaglagi ng matagal sa Amerika dahil nami-miss ang mga ito.

"Mukhang I will do undercover boss too.." saad niya.

Napatingil ang tatlo sa sinabi niya. "Para sa girl?" Tanong ni Zion.

Umiling siya. "Well, sort off pero gusto ko lang malaman ang opinyon at saloobin ng ibang employee ko. Kung gusto ba nila ang policy ng hotel o hindi. Atleast malaman ko, the business is doing well. Wala masyadong problema pero-." Putol na turan.

"Pero may nakita ka sa babaeng iyon at tila nakiramdam ka at mukhang nagseself doubt ka sa mga policy na ikaw mismo ang gumawa.." pagtutuloy ni Tristan.

Natahimik si Zach dahil tumpak ang sinabi ni Tristan. Nang makita ang mukha niya ay humagalpak ito ng tawa. "I know right.." anito.

Pero agad ding sumeryoso. "Well, naisip ko na rin iyan. And start formulating an strategy to enter my own business.." anito.

"Hey guys.." tinig ng isang babae na nagpalingon sa kanilang lahat at bumasag sa sumi-seryosong usapan nila.

"Oh Selena, nice to see you here." Agad ni Travis. "Oh well, Selena, si Zach. Kaibigan namin." Pakilala nito sa kaniya.

"Oh hi..." bati rito. Matamis ang ngiti ng babae sa kaniya. Well, maganda at mukhang galing rin sa prominenting pamilya pero di niya tipo.

"Aheemmmm..you want something to drink Selena.." agaw ni Travis.

"I'm good thanks. By the way, kasama ko mga friends ko. Nandoon sila.." anito. Paglingon ay may tatlo ring babae. Napapailing si Zach. Mukhang nagback fire ang plano ng barkada sa kaniya. Biruin bang nagdala rin pala ng kaibigan ito para partner silang apat.

Nagpigil siyang matawa sa hitsura ng mga kaibigan habang nakatingin sa tatlong kumaway na babae. "Ah okay. Ganoon ba?" Ang turan ni Travis na hindi malalaman ang gagawin. "Thats good..thats good! Buti at may mga kasama ka pala. Naalala kasi namin, may lakad kami bukas. Kaya kailangan na naming umalis. Di ba guys?" Tanong sa kanila.

Agad na sumang-ayon sina Tristan at Zion. "Sorry Selena. We'll caught up next time.." mabilis na iwas ni Travis. Paglabas nila sa bar na iyon ay hindi maiwasang matawa si Zion.

"Ang bilis ng karma mo dude.." diga nito kay Travis.

"Hey, its your idea too.." gagad naman dito.

"See, di niyo rin type iyong mga kasama kaya sa tingin niyo. Tipo ko rin ba si Selena?" Saad sa mga ito. Natigilan ang mga ito.

"Okay fine, from now on ay walang retuhan para walang sisihan." Sabad ni Tristan.

"Cool.." aniya saka sila naglakad sa pinakamalapit na convenient store. Buti at wala masyadong nakakakakilala sa kanila. Very private sila sa personal life nila. Ilang beses silang kinontak ng ilang lifestyle magazine para sa kanilang magazine cover pero ilang beses din silang tumanggi dahil batid nilang kapag nalathala ang pagmumukha nila sa anumang magazine ay puputaktihin sila ng babae, madurugas, manggagantso o anu pang masasamang loob.

Kaya kahit papaano ay nakakalakad pa rin sila ng parang ordinaryong tao na walang hassle. Pagpasok sa convenient store ay napangiti silang apat. Mabilis na tinungo ang freezer at kumuha ng tig-isang ice cream. "Saan makakarating ang bente mo?" Ani ni Zion.

"Conetto na!" Sabad naman ni Travis na tila bata. Tawanan silang apat. Naalala nila noong grade school sila. Nag-iipon na silang apat at kapag nagtitipid sila ay sa convenient store ang tambayan nila hanggang sa high school kaya hindi kataka-takang teenager pa lamang sila ay may malaking ipon na sila sa banko.

May mangilan-ilang napapatingin sa kanila lalo ng kababihan pero hindi nila pinapansin hanggang sa lahat sila ay napatingin sa babaeng papasok. Tila ba may magneto ang babae at lahat sila ay napatingin rito at napatigil sa kani-kanilang ginagawa.

-

UNDERCOVER BOSS: ZACH The Hotel MagnetWhere stories live. Discover now