~Chapter 52: Final Chapter~

1.4K 42 2
                                    

Maraming araw ang nagdaan at itong araw nato ang hinihintay ko. Nasa iisang kwarto kami ni Mika, Natasha at iba pa. Hinihintay ko nalang na e make up ang mukha ko. Madami pa kasi sila kaya tinatiyagaan ko nalang ang paghihintay. Pababalik-balik din sa kwarto namin si Zaille. Ang likot-likot niya kasama si Cleoford. Excited na ako. Ilang araw kuna din pinaghandaan ang araw nato. At itong araw nato ay ang kasal ko.

"Kalma kalang Camille everything will be alright" pagpapagaan ng loob na sabi ni Natasha sakin

"I hope so" sabi ko naman

Excited na akong maglakad sa simbahan habang suot-suot ang wedding gown. Di ko mapakalma ang sarili ko. Sobrang excited ko talaga.

"Mom" tawag ni Zaille sakin

"Yes baby?ano yun?" tanong ko

"Dad is so handsome" pabulong na sabi niya sakin

At dahil sa sinabi niya ang naiisip ko ngayon ay ang mukha ni Zaine. Bigla nalang akong nalungkot.

"Bakit ka malungkot mommy?" tanong niya

"Wala baby may iniisip lang si mommy" sabi ko

"Don't be sad mom. You must be happy because finally your getting married" sabi ng anak ko sakin

Kung makapagsalita itong anak ko parang binata na.

"I will baby" sabi ko sa anak ko tsaka hinalikan siya sa pisngi

Pagkatapos nun ay bumalik na siya sa kwarto nila. Iniisip ko pano kung dumating si Zaine?ititigil ko ba ang kasal ko at sasama sa kaniya? Sa palagay ko hindi. Satisfied nako dito. Gusto kuna to.

ZAINE'S POV

"Duze hindi mo ba pupuntahan si Camille?" tanong ni Zero sakin

"Bat ko naman siya pupuntahan?masaya na yung tao wag na nating distorbohin" sabi ko ang tapang-tapang ko sa harap nila pero yung totoo nahihirapan nako

"Ikakasal na siya Duze!Wala ka man lang gagawin?hindi mo ba siya pipigilan?" tanong ni Troy

"Pipigilan? Wala sa isip ko yun Troy. Yun yung araw na tanging hinihiling at hinihintay niya sa buong buhay niya tapos pipigilan kulang?" sabi ko

Nakita ko namang napabuntong hininga sila. Naka attire silang bumisita sakin dito. Halatang ngayong araw na ito magaganap ang kasal ni Camille.

"Mas mabuti pang manahimik nalang tayo kesa makakasira pa tayo ng ibang tao" sabi ko pa

Gustohin ko mang puntahan siya at patunayan ang pagibig ko sa kaniya hindi ko parin magawang tumakas dito. Hindi ko parin magawa ang gusto kung gawin. May kasalanan akong hinaharap kahit hindi naman talaga ako ang may gawa. 

"Sabi nila kung mahal mo ipaglalaban mo pero bakit di mo kayang ipaglaban ang nararamdaman mo para kay Camille Duze?" may kahulugang sabi ni Zero sakin

Bakit nga ba hindi ko pinaglaban?

"Hindi ko siya pinaglaban dahil kung ipaglaban ko pa ang nararamdaman ko para sa kaniya alam ko namang ako rin ang masasaktan, alam ko rin namang ako rin ang mahihirapan" sabi ko

"Pano kung mali ang iniisip mo?pano kung mahal ka pala ni Camille?pano kung hinihintay kalang niyang kumilos sa pagibig ninyong dalawa?" sabi ni Troy

"Malabong mangyari ang iniisip mo Troy. Kung mahal niya ako di niya gagawin sakin to. Kung tunay na mahal niya ako papakingan niya ang side ko. At kung mahal niya ako di niya kayang makita akong nasasaktan kagaya nito" sabi ko

"Mababago naman ang lahat Duze e" sabi ni Zero

"Sabihin mo nga sakin Zero pano?WALA NG MAGBABAGO" may pagka diin na sabi ko sa kaniya

The Bad Girl Meets The GangstersWhere stories live. Discover now