~Chapter 37~

954 32 1
                                    

CAMILLE'S POV

Lumipas ang mga araw na kasama ko si Zaine sa bahay.

Anim na buwan na din ang tyan ko kaya di hamak na malaki na talaga ang ito, nahihirapan akong kunin ang mga bagay na nahuhulog ko mula sa sahig, pumupunta naman sila Mika at Natasha dito paminsan minsan na may dalang prutas.

Nasa kusina lang ako ngayon habang naghuhugas ng pinggan, si Zaine naman ay abala sa kwarto niya, nung una naging awkward kami sa isa't isa pero habang tumatagal naman ay kinakaya ko namang makasama siya sa bahay, kinaya ko namang pansinin siya at tignan siya diretso sa mga mata niya.

"Asawa ko kumain kana?"tanong ni Zaine

Tumatagal kami dito sa bahay ay masyado na siyang naging sweet sa akin di ko alam anong nakain niya araw-araw bat siya nagkakaganyan, sinasabihan ko naman siya nung una na pigilan niyang sabihan ako ng ganyan pero ang tigas talaga ng ulo, wala naman akong magagawa kaya sinasabayan ko nalang siya minsan dahil ayokong makipagaway pero lumalabas talaga ang bad side ko kaya napapagalitan ko siya.

"Oo tapos na asawa ko, ikaw kumain kana?"sabi ko nalang

"Hindi pa nga e, suboan mo ko please"panglalambing niya

"Kung suboan kita ng kamao ko?ok ba yun sayo ASAWA KO!"diin kung sabi sa kaniya

"Nakalimutan ko matanda na pala ako, kaya ko na pala"sabi niya sabay kamot ng ulo

Napatawa lang ako ng mahina.

Kumuha naman siya ng plato niya at ako naman nasa sala lang nanunuod ng tv.

"May pupuntahan kaba?"tanong ko sa kaniya

"Wala naman bakit?"sabi niya

"Bilhan mo ko ng mangga na walang liso tapos yung durian na walang tinik"sabi ko

"Ano?may ganun ba dito?"nagtataka niyang tanong

"Oo meron yan kaya sige na umalis kana dito bilhan muna ako ng ganun " sabi ko

"Saan ko naman makikita yun?"tanong ulit niya

"Sa dagat sige nga sumisid ka sa dagat tapos hanapin mo ang mga prutas na yun may mahahanap kaba dun?malamang sa palengke jusko naman!"sabi ko

"Sige na nga, gagawin ko na nga kung hindi lang kita mahal " sabi niya

Pagkatapos nun ay tumahimik nalang ako buti naman at di na siya nagsalita pa. Mga ilang minuto lang bago siya nagpaalam sa akin.

"Asawa ko aalis nako:)bibilhin kuna ang hinihingi mo"sabi pa niya

"Sige na umalis kana"sabi ko

Nakita ko namang tumawa siya ng kunti tsaka umalis. Iwan ko ba dun minsan para din yung timang e, tumatawa lang mag-isa wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Ang kinakatakotan ko baka sa gitna ng gabi bigla-bigla nalang siyang tatawa jusko nakakatakot pa naman yun.

ZAINE'S POV

Pagkatapos kung umalis sa bahay ay bumisita muna ako sa hell, kakamustahin ko ang anim na unggoy doon, nung nabalitaan nilang nandito na daw ako sa Cavite ay agad naman silang lumipat malapit sa amin.

Nung nakapasok nako nakita ko silang lahat na abalang abala.

"Anong nangyayari dito?bakit ang busy niyo?"tanong ko sa kanila

"Nilibang lang namin yung sarili namin duze"sabi ni Seth

"Kamusta na nga pala kayo?"tanong ko

"Ok lang naman kami dito:)"sabi naman ni Zero sabay ngiti ng napakalapad

The Bad Girl Meets The GangstersWhere stories live. Discover now