"Tss.... Hindi niyo kasi ako ginising kaya napahamak tuloy ako Kay Miss. Garcia. Tapos nalutang pa ako Kay Miss. Kanter."

"Sarap kasi ng tulog mo kanina Kay Miss. Garcia. Humihilik ka pa nga eh hahahhhaha." Natatawang sagot naman ni Sam na natawa naman si Jane. kahit kailan tong dalawa na to.

"bwisit kayo!" Binilisan ko naman paglakad ko papunta sa canteen, at umupo kaagad sa lagi naming inuupuan.

"Oi wag ka na magalit, sasusunod gigisingin ka na namin. Mamaya kasi si Axel pinapaniginipan mo eh. Masira pa namin panaginip mo heheheh." Sabi Jane. Bwisit talaga pinaalala pa eh. Nginusuan ko naman sila.

"Oi Sige na way ka na magalit." Sabi pa ni Sam habang tinutusok tusok yung bewang ko.

"Oo Sige na Basta libre niyo lunch ko." Ngumiti naman sila.

"Yun Lang pala katapat mo eh, kahit kailan pagkain Lang katapat mo. Hahahha" sabi ni Sam at umalis na silang dalawa. pagkalipas ng ilang saglit ay bumalik na sila na May dalang pagkain. Kaya't nag umpisa narin kami sa pagkakain.

"Oo nga pala Ela, ano ba kasi yung iniisip mo kanina nung klase ni Miss. kanter?" Nagtatakang tanong ni Jane.

"Ay Wala yun." Nagsisinungaling
Sagot ko.

"Wehhhh." Sabi nilang dalawa.

"Oo nga wala." Pag uulit ko.

"Si Axel siguro." Pagtutuksong sabi ni Sam.

"Hindi Ah."

"Ows" Sabi ni Jane.

"By the way." Pag iiba ko ng Topic. "Kilala niyo ba si Kiara?" Nagtaas ng kilay naman silang dalawa.

"Kiara Florez?" Tanong ni Sam

"Oo yata basta Senior high rin ata."

"Ahhh... Oo yun yung sinasabe nilang bago na pinaka maganda sa May Stem." Kwento ni Jane

"Andami nga daw may Crush dun ehhh ang Ganda daw kasi, kaso Hindi ko pa nakikita ng personal yun." Sabi naman ni Sam. Nanlumo naman ako. Baka tama nga iniisip ko Crush siya ni Axel. >_< lord naman oh andami ko ng ginawa para Kay Axel bat Hindi man Lang niya makita ito. Bakit sa iba pa siya napamahal. Ano ba ang wala sakin na nahanap niya dun sa kiara na yun.

"Oh bakit parang nanlumo ka?" Tanong ni Sam

"Hoy Ela! okay ka Lang?" Tanong naman Jane

"Hindi, kasi yun yung babaeng sinasabi ni Axel na 'Close Friend' niya." Nalulungkot na kwento ko.

"Ayun na nga eh. 'Close Friend' pustahan tayo nililigawan niya na yan." Sabi ni Sam na maslalong nagpalungkot sakin.

"Sabi na nga namin sayo mag move on ka na dun, andaming lalake na Gwapo na May gusto sayo dito oh. Bat Hindi mo kasi subukan." Sabi ni Jane

"Anong Move on? Hindi naman naging 'Sila' eh." Sabi naman ni Sam

"Nakakasakit ka na ah!" Sabi ko naman Kay Sam

"Ok Lang yan Ela Malay mo magkaibigan Lang talaga sila." Sabi ni Jane na sinusubukan akong pasayahin.

"Edi Kung Hindi ka sure tanong mo Kay Axel."

"Ha! Ayoko nga!" Nagaayaw na sagot ko Kay Sam

"Edi tignan mo nalang Kung pano trato nila sa isat isa para masure mo." Suggest naman ni Jane

"Oo nga." Pagsasangayon ni Sam

"Sige Sige, alam ko na ang Gagawin ko." Sagot ko naman na napataka naman sila. Susundan ko mamaya sila Axel sa Mall.

"Ano yun?" Tanong nila

"Wala, wala, basta ako na bahala. Bilisan niyo na sa pag kakain malapit na mag time mamaya malate pa tayo." Binilisan nanamin at dumeretsyo na sa room nagtuloy tuloy ang klase. At Nung dumating ang uwian ay pumunta ako kaagad malapit sa gate, para antayin pag dating ni Axel at kiara. Pagkalipas ng ilang saglit ay dumating na sila. Grabe totoo nga sabi nila Ang GANDA ni kiara, pang artista ang Ganda, lakas ng dating at Grabe ang kutis parang ka kutis ng sangol. Sa madaling salita wala akong laban sa Ganda niya.

Nakita ko naman silang nag taxi papaalis, kaya't nag taxi narin ako at sabi ko ay sundan yung kina Axel. Nang dumating na kami sa mall ay kita ko na papasok na sila Axel kaya sinundan ko sila.

Habang sinusundan sila sinisigurado ko na Hindi nila ako makikita, kaya mag tatago ako sa mga tabi tabi at Kung Saan Saan pa. Pinagmasdan ko naman sila na papunta sa isang Icecream Stand. Kita ko pa Kung Paano tinanong ni Axel Kay Kiara Kung ano gusto niya. Kitang kita ko pa Kung gaano kalaki ang Smile ni Axel na kahit ako ay Hindi ko pa siya ganoon nakita kasaya. Kaya nanlumo na ako. Layuan ko nalang kaya siya.

First love pero first Heartbreak rin bwisit yan. Nang mag umpisa maglakad sina Axel ay sumunod parin ako. Huminto sila sa isang tabi ay kita ko pa Kung paano nilahad ni axel ang kamay niya Kay kiara na kinuha naman nito. Nalungkot ako maslalo kasi sure na ako na May gusto sila sa isat isa, napatingin nalang ako sa Sahig ng biglang.

"Anong ginagawa mo Dito!?" Nagulat ako ng May mag salita kaya inangat ko kaagad paningin ko at si Axel iyon.

"Umm." Hindi ako makasagot. Nako Patay na ako nito. Eh halos meters rin layo ko sakanila ah pano siya napunta dito sa harapan ko.

"Sinusundan mo kami no?" Inis na sabi tanong niya. 

"Hindi ahhh." Pagsisinungaling ko. Nako huli na ako. Ano ba pwede kong sabihin mamaya maslalo ako Hindi pansinin ni Axel nito.

"Edi anong ginagawa mo dito?!!" Galit parang sabi nito habang nakatingin sakin ng masama. Aamin na Sana ako ng May biglang umakbay sakin.

"Kasama ko siya." Biglang Sabi nito pagtingin ko sa umakbay sakin ay laking gulat ko ng si.....

TO BE CONTINUED...
(THANK YOU FOR READING MY STORY, I HOPE YOU CONTINUE TO SUPPORT IT )
VOTE
COMMENT
SHARE

I'm done chasing youOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz