Part 8

10.6K 284 57
                                    

NAGNGINGITNGIT NA si Ada. Kalalabas lang niya ng study room ni Rozen kung saan abalang-abala ito sa pakikipag-conference sa kung sino-sino. Dala na niya ang ipinaluto nitong pagkain at yayayain na sana niya itong magtanghalian na pero pinalabas lang siya nito. Mamaya na lang daw at marami pa itong ginagawa.

"Binabawi ko na ang una kong press release na okay lang na alagaan ko siya pansamantala!" Pinukpok niya ang barandilya ng hagdan. "Buwisit! Ang tagal-tagal kong nakatayo roon sa paghihintay na matapos siya dahil sinabi niyang 'sandali lang'. Mag-iisang oras na akong nakatayo roon tsaka niya sasabihing hindi siya kakain? Ah, peste! Mamatay ka sa gutom diyan!"

Sinipa naman niya ang silya roon. Napasinghap siya nang maramdaman ang sakit na iyon sa kanyang paa. Nadagdagan lang lalo tuloy ang ngitngit niya. Naupo na lang siya sa pobreng silya at hinilot ang nasaktang paa.

"What are you doing?" Si Rozen iyon, nakatayo na ito sa labas ng study room nito.

"Wala," padaskol niyang sagot. "Sinusubukan ko lang kung sino ang mas matatag. Ang silya mo o ang buto ng daliri ko sa paa."

"And well?"

"Mas matigas ang ulo ko kaysa sa buto ng daliri ko sa paa." Binuksan niya ang nakatakip na isang mangkok ng adobo at agad lumutang ang mabangong amoy niyon sa paligid. "Mukhang tapos ka ng makipag-tsismisan sa mga ka-phone pals mo. Kumain ka na bago pa iyan lumamig."

"Mamaya na. May hinihintay pa akong tawag."

"Ganito na lang. Bakit hindi ka na lang muna kumain habang hinihintay mo ang tawag na sinasabi mo? You'll be hitting two birds with one stone. O, di ba? English iyon kaya kumain ka na."

Naupo ito sa sofa at binuksan ang telebisyon. "Hindi pa ako nagugutom. Iwan mo na lang iyan sa kusina. Pupunta na lang ako doon kapag gusto ko ng kumain."

"Hindi puwede. Kailangan mo ng kumain ngayon." Bitbit ang tray ng pagkain, tumayo siya sa harap nito. "Doctor's order."

"You know, its never good when someone's blocking my tv."

"Rozen, kailangan mong kumain! Ano ka ba!"

"Rozen?" Now she got his attention. "What happened with the 'sir?"

"Do I have to? Wala na tayo sa SRC. Me calling you 'sir' only applies inside the Stallion Riding Club." Iniabot na niya rito ang tray. "Puwede ka na bang kumain ngayon?"

"No."

"Okay, I promise na tatawagin uli kita ng 'sir' kung kakain ka na."

"No."

"Okay, how about this. Tatawagan ko na ngayon si Reid at sasabihin kong tanggalin ka na sa listahan ng mga members ng SRC dahil hindi ka na babalik doon."

"You wouldn't do that."

"I have Reid's number."

"Reid don't give out his personal number."

"Oo nga. Pero hindi namna si Reid ang nagbigay sa akin." Matamis na ngiti ang ibinigay niya rito. "Kundi si Sir Jigger. Sweet nya, 'no?"

His mood seemed to have gotten worse. Pero mukhang napasuko na rin niya ito sa wakas dahil pinatay na nito ang telebisyon. Masaya na niyang inilapag uli sa mesita tray ng pagkain. Inayos pa niya ang maliit na bonsai plant na naroon.

"Para mas ganahan kang kumain." Ibinigay na niya rito ang kutsara at tinidor. "Here."

He took it halfheartedly. In doing so, lumagpas ang kamay nito sa kutsara kaya ang kamay niya ang nahawakan nito. Agad niyang naramdaman ang tila paggapang ng maliit na boltahe ng kuryente mula sa kanyang kamay patungo sa buo niyang sistema. Wala tuloy sa loob niyang napatingin siya rito. At hayun na naman ang pagrarambulan sa dibdib niya nang magtama ang kanilang mga mata. Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay.

Stallion #34: ROZEN ALDEGUERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon