Part 5

7.9K 243 8
                                    

NAGHIHINTAY SA tabi ng convenience store na iyon si Ada habang pinapanood ang pakikipag-usap ni Rozen sa mga highway patrols na rumesponde nang bigla na lang bumaba sa highway na iyon ang chopper nila. Kanina pa nakaalis si Mark Ashly sakay ng chopper kaya ngayon ay si Rozen na lang ang nakikipagbuno sa mga pulis. Mukhang naayos na ang kaguluhan dahil bumalik na sa dati ang daloy ng trapiko na pansamantalang naantala.

Nilapitan na siya ni Rozen. "Okay ka na?"

Tumango lang siya ngunit nararamdaman pa rin niya ang impact ng pagsakay niya sa chopper sa unang pagkakataon. Hindi pa rin niya magawang gumalaw ng maayos. Nanghihina pa rin ang mga tuhod niya. Saglit na pumasok ng convenience store si Rozen at pagbalik nito ay may dala na itong papercup na may lamang umuusok na kape.

"Pampanerbiyos," wika pa nito nang iabot iyon sa kanya. "Pagtiyagaan mo na. Wala silang brewed coffee dito."

"S-salamat."

Subalit kahit ang paghawak sa papercup ay hindi niya magawa ng matino. Her hands just couldn't stop shaking. Hinawakan ni Rozen ang isa pa niyang kamay at pinagsalikop iyon sa katawan ng papercup, with his own hands enveloping hers. Napatingin siya rito.

"You can thank me later." Hinubad nito ang suot na americana at inilatag iyon sa sementadong harapan ng convenience store. "Dito ka na maupo. Puno ang mga tables nila sa loob. Wala na tayong mapupuwestuhan doon."

Inalalayan pa siya nitong makaupo nang maayos saka ito sumalampak na rin sa tabi niya. Their arms brushed as well as their bodies. Pero kung naging aware man siya sa pakiramdam na iyon, tila wala namang anomang napupuna ang lalaki habang nakatanaw ito sa mga nagdaraang sasakyan sa harap nila.

"Nakatawag na ako ng susundo sa atin," wika nito mayamaya. "Hintayin na lang natin. Darating na rin siguro iyon."

Tumango lang uli siya kahit hindi naman siya nito tinatanong at tahimik na sinimsim ang kape. Hindi niya sigurado kung ang init na hatid ng kape ang unti-unting nakakapagpakalma sa kanya. O ang kaalamang inaalagaan siya ngayon ng taong nakilala niyang may pinakamasamang ugali sa mundo. Lihim niyang sinulyapan ang lalaki sa kanyang tabi. He looked so calm and distant. Oh, well, nauna na nitong ipinamukha sa kanya na hinding-hindi kailanman magbabago ang pakikitungo nito sa kanya bilang isang ordinaryong empleyado ng Stallion Riding Club.

Pero...nagawa pa rin nitong damayan siya nang mangailangan siya ng tulong.

"Sa susunod," mayamaya'y wika nito nang hindi siya nililingon. "Kung may bagay kang gustong gawin, gawin mo. Hindi iyong hihintayin mo pang masalang ka sa sitwasyon saka ka magre-react. Isipin mong maraming tao kang maaaring maistorbo sa ugali mong iyan. Katulad ng nangyari kanina. kung sinabi mo lang na takot ka palang sumakay sa chopper—"

"Hindi naman ako takot sa chopper. Takot lang ako sa...matataas na lugar."

Saglit itong natahimik. "Dapat nagsabi ka pa rin."

"Sorry."

"Nangyari na iyon, ano pa ang magagawa natin." Tiningnan nito ang relong pambisig saka marahang umiling. "I'm so late for my meeting now."

"Sorry."

"Ubusin mo na iyang kape mo." May dinukot ito sa bulsa ng slacks nito. Isang mamon. Ibinigay uli nito iyon sa kanya. "O. Makakatulong din ito para makalma ang mga nerves mo."

Bigla niyang naalala ang problema nito sa tiyan. "Hindi na, salamat na lang. Ikaw dapat ang kumakain. Hindi ka pa yata nag-aagahan."

"I don't eat these stuffs."

"E, bakit mo binili iyan?"

"Bakit ba ang dami mong tanong? Kunin mo na lang ito at kumain ka na lang diyan."

Stallion #34: ROZEN ALDEGUERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon