Mabilis niyang pinunasan ang kanyang bibig. Nakakadiri! Naglaway na pala siya sa kanyang pagtulog. Subalit nang hindi makuntento ay nagtungo na siya sa banyo sa silid na iyon para maghimalos.

"Nakakahiya ka, Ada!" impit niyang tili sa sariling repleksyon sa salamin. "Nagpasabog ka na ng air pollution kagabi, ngayon naman naglalawa ang laway mo. At bakit sa lahat ng pagkakataong puro kahihiyan ang inaabot ko, laging ang lalaking iyon pa ang nagiging saksi? Pambihirang buhay 'to!"

Nakakahiya talaga! Wala na siyang magandang mukhang maihaharap pa kay Rozen. Kaya nagbilang siya ng ilang segundo bago nagpasyang lumabas ng banyo. Ng nakatakip ang kanyang bag sa mukha niya. Dire-diretso siyang nagtungo sa pinto para lang muling mapaurong pabalik nang biglang bumukas ang pinto at malakas iyong tumama humampas sa kanya.

"O, anong ginagawa mo riyan?" It was the lordly Reid Alleje. Kasama nitong nakatayo roon at nakamasid sa kanya sina Myco Gosiaco at Zell Zapanta. Pare-pareho lang ang reaksyon ng mga ito na nakamasid sa kanya at nagtataka kung bakit naroon siya sa sahig. Kung hindi lang nangungulit ang pananakit ng kanyang balikat nang tumama iyon sa bumukas na pinto, baka sinamba na niya ang mga lalaking nasa harap niya nang mga sandaling iyon. Because in their riding uniform, they all looked regally handsome, if there's such a word.

"Wala naman, Sir," sagot niyang nangingiwi na sa sakit ng pagkakatama sa balikat niya ng pinto. "Ano lang, ahm...naisipan ko hong mag-swimming. Alam nyo iyon?"

"Hindi."

Myco started to picked her up but someone had reached her first. Holding her arm firmly but gently, he helped her get up. Nagulat pa siya nang mapatingala siya sa kanyang tabi at makitang si Rozen ang naroon.

"Where's Kester?" tanong nito sa mga kapwa club members. "Gusto ko ng lumabas dito. Marami pa akong aasikasuhin."

"Tamang-tama," si Zell iyon. "Kailangan din nating mag-usap. Kumusta na nga pala ang political system ng Sta. Barbara? I heard its still a mess."

"Medyo lang. That's why I had to go back there now."

"Pero hindi ka pa magaling," singit niya. Parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan nang bumaling sa kanya ang tingin ng mga lalaki roon. Somehow, she felt like she was freezing at that moment. Kung bakit naman kasi sa dami ng members ng Stallion Riding Club, ang mga ilan sa mga pinaka-unapproachable pa ang kaharap niya ngayon. "A-ang ibig ko lang naman sabihin, baka kung ano ang mangyari sa iyo kapag lumabas ka agad ng Clinic."

"So, what are trying to say?" tanong ni Myco. "Pipigilan mo si Roz na umalis ng Stallion Riding Club?"

"Hindi sa ganon. Iniisip ko lang naman na dahil sa nangyari kagabi, parang delikado na lumayo siya rito ng walang mag-aalaga sa kanya."

"Mag-aalaga?" Kulang na lang ay sakalin siya ni Rozen sa sinabi niya. "And who are you to tell what's good or bad for me? You're not even a doctor."

"Siguro nga, Sir. Pero nakita ko ang nangyari sa iyo kagabi. I'm sorry kung sa tingin ninyo ay masyado akong nakikialam. Concerned lang naman ho ako sa kalagayan ninyo—"

"Well, I don't need your pity."

"Sir, wala naman akong sinasabing naaawa ako sa inyo. Concerned lang ho ako. Concerned. Nag-aalala. Alam nyo iyon?"

"Sa iba ka mag-alala. Hindi ko kailangan ng awa mo. I can take care of myself." Binitiwan na siya nito at bumalik na sa kama upang kunin ang mga gamit sa ibabaw ng nighstand.

Napakamot na lang siya ng kanyang ulo. Hindi rin makulit ang isang ito. Antipatiko na, mayabang pa. Kung ayaw mo ng concern ko, e di huwag! Sinong tinakot mo?

Stallion #34: ROZEN ALDEGUERDonde viven las historias. Descúbrelo ahora