Part 2

8.7K 272 27
                                    

"GOOD MORNING AND...goodbye." Nginitian lang ni Ada ang karelyebo niya bilang receptionist ng Guesthouse na si Ally. "How was your night?"

"Mukha mo. Huwag mo nga akong asarin kapag ganitong inaantok na ako."

Tumawa lang ito. "Hindi yata maganda ang umaga mo. Which I find very strange, samantalang ang daming magandang dahilan para magkaroon ka ng magandang araw. Tulad na lamang ng mga iyo."

Inginuso pa nito ang tatlong unipormadong Stallion Riding Club members na dumaan sa labas ng Guesthouse. Lalo lang siyang napasimangot. Kung alam lang nito ang mga nangyari ng nagdaang magdamag.

"Di bale, Ada, sa susunod na buwan, kukunin na ako ng boyfriend kong Austalian at magpapakasal na kami. Puwede ka ng mag-reyna sa mga dayshifters."

"Talaga? Magpapakasal ka na?" Napakunot ang kanyang noo. "I didn't know you have a boyfriend."

"Hindi ko lang ikinukuwento para walang magpapaalala sa akin na may boyfriend na ako at hindi na puwedeng magpantasya sa mga Stallion boys."

"Sira ka talaga."

"Pero siyempre, alam ko namang hanggang tanaw lang ako sa mga fafa na iyon. Kaya nga tinanggap ko ang alok na kasal ni Carl. Ikaw, wala ka bang balak mag-asawa?"

Tinanggal na niya ang scarf na nagsisilbing necktie ng kanyang uniporme. "Kung mag-aasawa ako, e di hindi na ako nakapagnasa sa nag-uumapaw na kaguwapuhan sa lugar na ito. Kaya hindi ko ipagpapalit ang priviledge na iyon para lang matali sa isang relasyong alam naman nating lahat na mauuwi rin sa hiwalayan kapag nagkasawaan na ang dalawang tao."

"Ano ka ba, Ada. Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Kung nagmamahalan ang dalawang tao, hinding-hindi sila magkakasawaan. Oo may mga pagkakataong hindi sila magkakaintindihan pero sa huli, sila pa rin dahil mahal nila ang isa't isa."

It was her turn to laugh. "Saan mo ba pinagdadampot iyang theory mo na iyan? Haller! Huwag mong sabihing hindi mo nakikita ang mga nangyayari sa mga mega-couple na naghihiwalay tulad nina Demi Moore at Bruce Willis, Sharon at Gabby, Brad Pitt and Angelina, Nadine and James—"

"Oo na, oo na. Panira ka talaga ng magandang ilusyon."

Ngumisi-ngisi lang siya saka kinusot ang namumungay na niyang mga mata. "Hay, ewan ko sa inyong mga lovestruck fools. Para kayong mga ewan. Sasabihing inlove na inlove tapos kaunting problema lang, maghihiwalay na. Sino bang niloloko nyo?" Napansin niyang nalulungkot na ang katrabaho kaya bago pa sya nito masipa sa asar ay nagpaalam na siya rito. "Opinyon ko lang naman iyon, Ally. Hindi naman necessarilly na tama iyon at dapat mong paniwalaan. It just happened na iyon ang pinaniniwalaan ko. Hay, tama ng sermon ito. Bubula na ang bibig ko nito, eh. I have to go. Goodluck sa pagbabantay sa mansyon natin."

Masyon ang tawag nilang mga empleyado roon sa Guesthouse, katuwaan lang nila. Pagkatapos magbihis ay nag-isip na siyang umuwi nang maalala niya ang nangyari kagabi.

"Okay na kaya siya...?" Mula sa kinaroroonan niya ay matatanaw ang ang Club Clinic. "Hay...I can't believe I'm doing this."

Dahil natagpuan na lang niya ang sarili na naglalakad patungo sa Clinic. Naabutan niya ang manager nila sa Stalliom Guesthouse na si Yoanna na nakikipaglambingan sa asawa nitong si Kester. Lihim na sana siyang paalis nang marinig niya ang boses ng manager niya.

"O, Ada, what are you doing here?"

"Eh..." Napilitan na rin siyang lumitaw sa pintuan ng klinika. "Wala naman, Mam. Napadaan lang..."

"Are you here for Rozen?" nakangiting tanong naman ng esposo nito. "He's right over there, still asleep."

"Tulog pa rin siya?" Hindi niya mapigilang mag-alala. "Ahm, k-kumusta naman ang lagay niya? Hindi naman siguro siya malala, di ba...?"

"Hindi siya lalala kung kakain siya ng tama. He's really a stubborn guy. Lagi na lang nagpapalipas ng gutom kaya hayan, may problema na siya ngayon sa sikmura."

"Sikmura? Hindi dahil sa...masangsang na amoy?"

"Masangsang na amoy?"

"Ah...wala, wala iyon. May ibang bagay lang akong naisip, he-he..."

"If you want to see Roz, puntahan mo na lang siya sa silid niya. Don't worry. He won't mind. Lalo na at ikaw ang tumawag ng tulong para sa kanya."

Ang balak lang talaga niya ay alamin ang kalagayan ni Rozen Aldeguer. Pero ngayong binigyan na siya ng go signal ni Kester mismo na puwede niyang makita ang lalaki ay sumige na rin siya.

"And while you're at it," nanunukso na ang mga ngiti ni Yoanna. "Why don't you give the beast a kiss? You know, pampagising."

"Ah, no, no. Importante pa ang buhay ko sa mundong ito. Kailangan pa ang maganda kong genes dito kaya..." Napansin niya ang ngiti ng mag-asawa. "No, no."

Tumawa lang ang mga ito.

"Roz needs someone like you, Ada," wika ni Kester. "Bakit hindi mo siya ligawan?"

"No, no." Tinalikuran na niya ang mga ito. "Mauna na ako sa inyo."

"Hindi mo na titingnan si Rozen?"

Natigilan siya. She knew she wanted to get out of the place as soon as possible. But there was also something that was keeping her from walking out on the strange man she came face to face last night. Nilingon niya ang mag-asawa na hindi pa rin mapuknat ang pagngiti.

Napabuntunghininga na lang si Ada "Sige, sisilipin ko lang siya sandali. Pero walang ibig sabihin iyon, ha? Concern lang ako kasi nga ako ang nakakita sa kanya kagabi at—"

"Ada, you can see him now."

Stallion #34: ROZEN ALDEGUERWhere stories live. Discover now