"Where's mom and dad?" Tanong ko nang maabutan ko si Dustin na nanonood ng cartoons sa sala. As usual yakap na naman niya ang isang bote ng stick-o. Buti pa siya mukhang good mood.

"Tumawag sila, natutuwa sila sa byahe kaya naisipan nilang mag-extend!" Kaya pala masaya ang mokong, buti pa siya.

Umupo ako sa tabi niya at sinubukang kumuha ng stick-o pero dali-dali niya itong tinakpan habang nakangiwi.

"Dusty wag kang madamot! Isa lang naman eh!" Bulyaw ko pero umiling-iling lang siya.

"Sabi ni Kirk akin lang to!" Giit ni Dustin at nakuha pang dumila.

Naiinis man, hindi ko parin napigilang magtaka. Binigyan siya ni Kirk ng pagkain?

"Tama ba ang rinig ko? Si Kirk ang nagbigay niyan?" Tanong ko at taas noo namag tumango-tango si Dustin na para bang isang batang tuwang-tuwa.

"Madami pa siyang binigay na snack pero akin lang yon!" Pagmamalaki pa niya kaya napakagat na lamang ako sa labi ko dahil sa inis. Patay gutom talaga ang kapatid kong to. Ano kayang pumasok sa isip ng Kirk na yon?

Napabuntong-hininga ako nang may maalala ako, si Ponzi.

Sa lagay ni Tessa, imposibleng magsinungaling siya.

Ebidensya. Kailangan ko yon.

"Problemado ka?" Tanong ni Dustin at inabot sakin ang isang stick-o.

"Can I just ask you a favor?"

Tumingala si Dustin sa kisame at pabirong nag-isip-isip.

"Dustin I'm serious." Giit ko kaya tumawa lang siya at humarap sakin.

"Ano? Kung may kinalaman sa math, pass ako." Aniya.

"Its about Ponzi..." Pagdahan-dahan ko.

"Anong tungkol kay Zipon? Nagets mo yun Tammy? Zipon! hahahaha"

"I want you to stay away from him." Bulalas ko kaya bigla siyang natigil sa pagtawa at nakunot ang noo.

"Ano? Ba't naman?" Nagulat siya.

"Just lay low for awhile." Pakiusap ko.

Napasinghal si Dustin, mukhang galit na, "Tammy ayoko kay Calix para sayo pero ni minsan ba sinabihan kitang layuan mo siya?"

"But Dustin--"

"Pwede ba Tammy? Kung may problema ka sa mga kaibigan ko, wag mo akong idadamay. Masaya ako sa mga kaibigan ko." Sabi pa niya at nilakasan ang volume sa pinapanood. Hindi ko alam anong gagawin kaya umakyat na lamang ako sa kwarto ko.

*****

Its 2 am and I still cant sleep. Hindi ako pinapatulog ng pag-aalala ko para kay Dustin. Hindi ako pinapatulog ng mga tanong ko tungkol kay Ponzi.

Gaano nga ba namin kakilala si Ponzi?

Kung tutuusin hindi ko pa nakikilala ang mga magulang niya. Ni katiting na kwento tungkol sa kanya, wala. Ang alam ko lang, pasimuno siya sa mga kalokohan at kabulastugan. Baliw, naluwagan ng turnilyo sa utak, may toyo, balahura, pero mamatay tao? ni minsan hindi yan pumasok sa isip ko.

The girl who cried murderजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें