Chapter 39 ♣ Explain

Depuis le début
                                    

Yung puso ko. Kumakabog na naman. Ano ba sa tingin nya ang sinasabi nya? Nababaliw na ba sya? Di ko talaga ma-gets ang lalaking 'to eh.

"P-pero.."

"Walang pero-pero. Hindi ko ie-explain sayo kung bakit kailangan mong gawin yung mga sinabi ko. That's my condition. And soon, you will find out why I'm doing this."

Wow lang eh 'no? Nagiging bipolar na nga ako dahil sa gagong lalaking 'to. Dapat galit ako pero ano? Kalmado ako ngayon. Dapat galit din ako sa kanya dahil sinaktan nya ako pero ano ako? Nagpapahalik sa kanya. Damn it. I don't know why do I need to be this way! Natatanga na yata ako eh.

Nakipagtagisan ako ng tingin kay Luke. "Sino ka ba sa akala mo? Ha? Baka nakakalimutan mong ikaw ang lalaking nanakit sa damdamin ko! Ikaw ang lalaking nanloko saken! Ikaw ang lalaking nangago sa'ken! Pakshit ka, Palermo! Ikaw ang kahuli-hulihang lalaki na gugustuhin kong sundin."

Halatang nagulat sya. Dahil na din sa pagtaas ng boses ko. Why? Wala ba akong karapatang magalit? Hindi porket nananatili pa rin ako sa kompanya nya ay okay na saken lahat ng nangyari sa pagitan namin.

Kaya nga naimbento ang pagpapanggap eh! Dahil may mga pagkakataon na kahit gusto mong ipakitang nasasaktan ka, kelangan mong magpanggap na okay ka. Damn! Damn him to death!

"Charisse.."

Dinuro ko sya. "Kaya utang na loob, Palermo! Wag na wag mo akong didiktahan sa kung anong dapat kong gawin. Damn your conditions! Saksak mo sa baga mo!"

Hinawakan nya ako sa braso pero nagpumiglas ako. "Mas mabuti na sigurong ang bestfriend ko ang kausapin ko tungkol sa paglayo sayo. Mukha kaseng wala akong mapapala sayo. Wala ka talagang kwenta, Palermo. Isa kang dakilang gago!" Sigaw ko saka tinalikuran sya.

Parang tumaas ang adrenaline rush ko sa inis. Makikiusap ako ng maayos tapos kung anu-anong sasabihin nya? May pakondi-kondisyon pang nalalaman ha? Gago ba sya? Ano ako, tuta? Sunud-sunuran? Hell. Wag nya akong igagawa sa mga pokemons nya na napapasunod nya sa mga gusto nya.

"CHARISSE!" Sigaw nya nang mahawakan ang braso ko at iniharap ako sa kanya.

Makakalabas na sana ako ng kusina. Putek naman! "Ano ba?!" Singhal ko.

"I'm serious."

"Bakit, mukha ba akong nakikipagbiruan ha? Bitiwan mo ako!"

"No."

"Bibitawan mo ako o maghi-hysterical ako dito?"

Binitawan nya ako. Itsura nya, parang sumusuko. He sighed then tumungo at napahilamos sa mukha nya. He looks stressed.

"Ito na siguro ang huling pagkakataon na kakausapin kita about private or personal matters. Sana pagdating sa kompanya, we'll be back to normal. Boss-employee conversation."

Parang hindi sya sang-ayon sa sinabi ko. Bakit? May magagawa ba sya? Ayoko na syang makausap maliban lang kung tungkol sa trabaho.

"Aalis na ako." Paalam ko.

"I love you."

Napatigil ako sa sinabi nya. Bahagya kong kinalma ang sarili ko pero hindi ko magawa. Tiningnan ko ulit sya at hinarap.

*slapped*

"Hindi ako laruan, Palermo kaya wag mong paglaruan ang damdamin ko! Wag mong ginagawang normal na salita ang 'I love you' dahil wala kang karapatan! Wala lang karapatan dahil manloloko ka! Ang pagsasabi ng I love you, maaaring makasakit o makapagpasaya ng damdamin ng isang tao. Pero kung galing sayo? Letse ka, masakit!" Hinihingal na sabi ko kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi ko.

"It's not what you think, Charisse!"

"Tigilan mo ako sa ka-gaguhan mo Palermo! Hindi nakakatuwa." Sabi ko sabay walk-out. Sa pagkakataong ito, hindi ko na sya nilingon pa at pinakinggan. Mabilis akong lumabas ng mansyon nila at pumara ng taxi.

Letseng luha kase 'to! Eto na naman ako, nasasaktan. Sa ilang araw na pagta-trabaho ko sa kompanya, di ko naman iniisip itong masakit na part saken na na-damage na ni Palermo eh. Ngayon lang nauungkat. Bwisit sya! Sa ginagawa nya lalong tumataas ang level ng hatred na nararamdaman ko para sa kanya.

Hindi lang halata. Akala lang nya normal ako sa tuwing nasa kompanya ako, na okay ako? But shit! I'm not really okay! Ni walang nagcomfort sa'ken nung time na nalaman kong niloloko nya lang ako. Kaya nga tiniis ko nalang at pilit na isinasantabi! Tapos anong gagawin nya? Letse talaga sya!

"Ma'am saan po tayo?"

"Bar." Sagot ko. Sa ilang taon kong nabubuhay sa mundong ito, ngayong lang yata ang magba-bar dahil nasasaktan ako.

Ilang saglit lamang ay nakarating ako sa bar. Nagbayad ako sa driver saka bumaba. Pumasok agad ako sa loob. Naupo ako sa stool sa bar counter.

"Brandy." Sabi ko sa bartender. Nag-serve naman agad sya ng alak sa harap ko. Isang bote ng brandy at shot glass.

Nagsimula akong uminom. I was a bitch before pero 'di naman ako lasenggera. Kapag nga sinasama ako ni Luke dito dati, shake lang iniinom ko. Ah, letse! Si Luke na naman naisip ko! Kelan ba sya mawawala sa isip ko? Pwede bang burahin ko nalang sya? Tipong magkaka-amnesia ako tapos lahat lang ng tungkol kay Luke "Gago" Palermo lang ang makakalimutan ko. Kase kahit nararamdaman ko para sa kanya, gusto ko ng maalis at mabura eh.

Nagpatuloy ako sa pag-inom. Wala akong pakialam sa mga tao sa paligid ko. Basta ang gusto ko lang ay makalimot kahit papaano.

"Charisse."

Shit! Don't tell me, nandito sya? Nasundan nya ako? Dahan dahan akong lumingon at tama, he's here. Ang bilis naman nya?

"Bakit ka nandito?!"

"Sinundan ko ang taxi na sinakyan mo. Mag-usap tayo ng maayos."

"Mag-usap? Para saan, Palermo? Wala tayong dapat pag-usapan. So please? Leave me alone."

Nasa mukha nya ang pag-aalala pero bakit? Bakit sya mag-aalala? Hindi bagay sa kanya. Psh.

"Charisse, tama na ang pag-inom. Stop this. Baka mapano ka."

"Stop acting like you care, Palermo!"

"Fvck, Charisse! I care! If you only knew! Shit!"

Ang luha ko, nagsimula na namang pumatak. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. "You just can't break my heart and then say you still care about me. Damn you, Palermo."

"Charisse, no.."

"Sana simula palang sinabi mo ng sasaktan mo lang ako, e'di sana nakapag-prepare ako 'di ba? E'di sana hindi ako nahulog sayo. E'di sana hindi ako nanggagalaiti sa galit sayo ngayon!"

Tumungo sya. "I will explain everything. Sa tamang panahon. Charisse.."

"I hate myself for loving a casanova like you."

"Fvck." Para syang 'di mapakali. Na para bang may gusto syang sabihin pero pinipigilan nya ang sarili nya.

"Umalis ka na. Gusto kong mapag-isa." Sagot ko.

"Hindi ako aalis dito."

Nakipagtagisan ako ng titig sa kanya saka huminga ng malalim. "Then fine, ako ang aalis." Mabilis akong kumuha ng pera sa wallet ko at nilapag yun sa counter. Tumayo na ako at tinungo ang exit ng bar.

"Charisse, let's talk!" Sigaw ni Luke habang humahabol sa'ken.

Pero tulad kanina, di k sya nilingon at mabilis na pumara ng taxi. Mabuti nalang at maraming taxi dito. Hindi ko tiningnan si Luke. Ayokong makita ang pagmumukha nya ngayong gabi dahil masakit. Masakit talagang isipin 'yung mga ginawa nya noon.

Gusto kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. But shit! It's hard to tell my mind to stop loving him when my heart still does.

Casanova's Love GameOù les histoires vivent. Découvrez maintenant