"Itatawag ko sayo lahat pangalan na gusto ko. At bakit gusto mo talagang brand ng softdrinks ang nickname mo? Marami pa kong baon na pangalan para sayo."

"Then I'll call you Porky Pig . . . for the rest of our lives. Okay lang sayo Porky Pig? Gusto mo dalawang klase ng hayop ang tawag sayo?"

"Yeah halata ko nga, ikaw naman si Monkey Pig. Never know you had this kind of side." Iritado kong sabi. Bukod sa mapang asar siya meron din palang kakulitan sa katawan ang Greek God na may buhat huhat sakin ngayon. Masama talagang magkasama kami, nahahawa na talaga siya sakin. "Tumigil ka na . . . Ckola. Riri is way and far more better than Porky Pig. Paano na lang kapag nasa isang seryosong sitwasyon tayo tapos bigla bigla mo kong tatawagin ng ganun?"

Hindi ko siya sumagot pero dama ko ang kaunting pag yugyog ng balikat niya. Pinagtatawanan na naman ako ng unggoy na to!

Unggoy. Unggoy na nag uumapaw sa kagwapuhan.

Nakalabas na pala kami sa guest room dahil narinig ko ang pag sarado nito.

"San mo ko papatulugin? Sa sofa?"

"No. Sa kwarto natin. Sa kama natin."

"Shhh. Keep your voice low. Baka magising ako." Reklamo ko.

Totoo naman kasi baka mawala ang antok ko.

Bakit naman kasi ang haba ng pagitan ng guest room sa master's bedroom? Para tuloy kaming may hallway dito sa bahay.

"You'll sleep on our bed." Sexy ng voice!

"Ayoko. Galit ako sayo, nakalimutan mo na ba?" I know lumalabas na naman ang pagka bata ko. But this is a part of me na hindi ko mababago.

Nakapikit pa din ako at feeling ko sobrang layo talaga ng nilalakad namin. But that's okay kasi karga karga naman ako ng Monkey Pig ko. Paalala lang hindi siya si Tarzan okay? Siya si Monkey Pig.

"How can I forget? Kanina lang nangyari." Ang husky ng voice niya! OhMyGee!

"I'm sorry." Kahit naka pikit ako alam ko na sincere siya dahil ramdam ko sa boses niya.

"You're forgiven. Let's not just talk about it anymore---"

"Alam mong hindi ako papayag na hindi malaman---"

"Then apology denied. Bring me back to my room."

Bumuntong hininga siya at alam kong papayag siya at alam ko din na sa dadating na mga araw tatanungin niya ko pero mabuti na yung maunsyami ngayon kesa malaman niya agad. Mas maigi ng hindi muna niya malaman.

"Pinapatawad ka na nga hihirit ka pa."

"I just care about you. That's all. You matter to me kaya importante na malaman ko ang nangyari sayo."

Kinikilig ako. Midnight kilig. Kaya mahal na mahal kita softdrinks eh!

"Alam ko. Kasi kapag Dyosa na katulad ko, nagmamatter sa isang tao. Tapos ang usapan."

Matter talaga ako. I occupy space in your heart Ckola. Tama ba ko? Sabi sayo gagawin ko lahat mahalin mo lang ako.

Harot.

"Fine."

"Labas naman sa ilong yang sagot mo."

"You know why."

Napangiti ako dahil nagwagi ako sa ngayon laban kay Nickolas Sean.

Nakatulog na ko ulit bago ko pa marinig ang pag bukas ng pintuan.

Marrying the Attorney ( ON GOING )Where stories live. Discover now