Case 5

1.2K 73 83
                                    

Ito na po yung dedication mo. ♥ :) Salamat sa pagba'basa kahit ganto lang to! Hahaha! Salamat sa tyaga! :D 

Mirari Eliana's bean bag nasa Media Section po. ♥ :)

------------------------------------------------------------------------------------------------

Mirari Eliana's POV

Whooo! Nakakahiya talaga! Ikaw naman kasi Mirari eh! Ano bang masamang hangin ang na langhap mo? Pabango nya! Ang bango kaya nya!  

"Tumigil na nga kayo!"   Mahinang sabi ko sa sarili ko. Napatingin naman sya sakin ng saglit lamang at binalik na ulit sa daan kaya tumingin din ako sa kanya at bumuntong hininga.  

"Ckola?"   Tawag ko sa kanya.  

Hindi siya sumagot kaya nag patuloy ako sa sasabihin ko.

"Daan muna tayo sa condo ko."   Tiningnan nya ko saglit.  

"May kukunin ako."   Sagot ko. Nag isip muna sya bago tumango naman din sya pagkaraan. Hindi na din ako nagtaka kung bakit alam na nya kung san ang condo ko, I'm sure sinabi ni dad sa kanya ng ilipat nila ang gamit namin sa bahay namin.  

Wow! NAMIN talaga Mirari? Uuuuy! Ikaw ah!   Pang aasar ng isip ko. 

Nasa harap na kami ng building. Ng bubuksan ko na yung pinto ko, nagsalita sya.  

"I'm coming with you."   Sabi nya kaya napatingin agad ako sa kanya.  

"No, wag na. Dito ka na lang. Mabilis lang ako."   Pero parang wala syang narinig at nauna pang lumabas sakin. Napailing na lang ako. At pinagbuksan nya ko ng pintuan kasi hindi pa din ako nalabas. Inabot nya susi sa vallet. Lahat sila pinagtitinginan kami. Kulang na nga lang mabali ang mga leeg nila dahil sa habol tingin nilang ginagawa samin.  

"Ang kulit mo din eh no?! Sabi na kasing wag na sumama eh!"   Angil ko sa kanya.  

"Ano bang problema mo?"   Mahinang nyang tanong.  

"Ikaw!"   Medyo napalakas na sabi ko kaya mas lalong dumami ang mga nakatingin samin.  

"Good evening po Ms.Cojuangco."   Bati nung elevator boy at binati ko din sya.

Nabigla naman ako ng hapitin ni Ckola yung bewang ko at hinila ako palapit sa kanya. Napaangat tuloy ako ng tingin at ng tingnan ko sya poker face lang!  

"Thank you."   Sabi ko sa elevator boy ng marating na namin ang floor ng condo ko.

♥♥♥☀♥♥♥☀

"Five five five five."   Sabi ko sa kanya habang pinipindot yung password sa condo ko.  

Wala naman masama kung malaman nya diba? Kasal naman kami. Wow! Kasal kami ng mala Adonis na to! Hahaha!   Masayang sabi ng isip ko.  

"Lazy."   Bulong nya pero sapat na para marinig ko.  

"Wag kang papasok sa bahay KO!"   Sabi ko at sinaraduhan sya ng pinto. Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ang bean bag ko. Malaking upuan sya na ubod lambot, minsan hindi ko namamalayan dito na ko nakakatulog at magagalit si yaya Sita kasi baka daw mamaya sa carpeted floor na ko makatulog ng tuluyan eh masama daw yun. Ewan kung bakit. Kaya laging bukas ang pintuan ko kapag naupo ako sa bean bag para gigisingin na lang ako ni yaya. And speaking of yaya, wala na sya dito kaya walang ng tao sa condo ko, bumalik ulit sya mansion nila daddy.

Marrying the Attorney ( ON GOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon