"Ikaw!" duro naman nito sa kanya, "bigla mo na lang akong hinablot ng yakap kagabi, at ayaw mo 'kong bitawan!"

Napakurap-kurap naman si Brie. Tila inosente ang mukha. "Ako? Kailan ko ginawa 'yon? Wala akong maalala," she stated cluelessly.

"Walang maalala..." gagad nitong hindi naniniwala. Dumampot ito ng unan at inihampas sa kanya. "Manyak!" At nagmadali na itong bumaba ng kama.

"Man... Manyak? Ako, manyak? Hoy, excuse me! Ni hindi ko pinangarap 'yon!" Nag-anyo na rin siyang babangon, ngunit biglang natigil nang sumigid na naman ang kirot sa sentido niya. "Aray..." daing niyang napasapo muli.

"Mukha mo. Una pa lang talaga, manyak ka na!" Inirapan siya nito. Naghalungkat ito sa dalang bag at kumuha ng sepilyo at toothpaste.  Sinamahan na rin nito ng tuwalya at pambihis. Pagkatapos ay dumeretso na sa banyo.

Hawak-hawak pa rin ni Brie ang ulo. Hinilot-hilot iyon at bahagyang napapangiwi. Nakaupo na siya sa kama. "Hoy, hindi ako manyak! Pagbintangan mo na 'ko ng kahit ano, 'wag lang 'yon!" sigaw naman niya sa nakabukas na pinto ng CR.

"Manyak na tomboy!" ganting-sigaw pa nito at ibinalibag pasara ang pinto.

"Aba't   —   balahura talaga ang bibig ng babaeng 'yon," turan niya sa sarili. "Tomboy? Puwede bang lesbian nalang?" Hindi alam ni Brie kung bakit, pero naririndi siya sa salitang tomboy. Hindi naman niya ikinakahiya ang seksuwalidad, pero ayaw niyang tinatawag na ganoon. Marami na kasing nakakabit na masasamang kahulugan sa salitang iyon. Mas katanggap-tanggap pa sa kanya ang salitang lesbian. "Ba't kasi kailangang may mga label pa? 'Di ba puwedeng 'nagmamahal' lang? Sheesh..."

Pinilit na niyang tumayo. Lumapit siya sa nakakabit na water dispenser sa gilid at uminom. Medyo naginhawaan din siya pagkatapos. "Hay... Kailangan ko ng kape." Ibinaba na niya ang baso sa lamesitang naroon. Naisipan na niyang lumabas. "Naiihi ako."

Bumalik muli siya sa direksyon ng banyo at kumatok. "Lagring, matagal ka pa ba? Naiihi ako eh!"

"Do'n ka sa labas! Naliligo ako!" may kalakasang sigaw nito mula sa loob.

Bahagya pang napapiksi si Brie. "Ang taray-taray talaga ng babaeng 'to," mahina niyang turan sa sarili at napailing.

Nagpantalon muna siya bago lumabas ng cottage house.

Nadaanan niya ang bar at nakitang may mangilan-ngilan na ring mga kasamahan ang naroon.

"Oy, Brie! Tara, almusal tayo!" aya ng isa sa mga ito.

"Sige, mamaya! CR lang," aniya at nagtuloy na sa public toilet.

Matapos mairaos ang sarili ay nagbalik na siya sa bar.

"Okay 'to, ah. Nag-s-serve din sila ng breakfast?" manghang tanong niya.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon