"Wala akong paki! Akin na 'yung kwintas d'yan sa bulsa mo." napakunot siya ng noo at itinaas ang kwintas mula sa bulsa niya.

"Ito ba? Siguro syota mo 'yung ninakawanan namin? Mag kano ba ang bili mo dito ha? kasi kong ako sayo mag isip-isip kana kung ano ang mas mahalaga sayo." ngimusi siya.

"'Tong kwintas o 'yang buhay mo?" Agad niyang hinugot ang kuysilyo sa tagiliran niya at hindi ko inaasahan 'yun kaya nahiwa niya ang braso ko.

"Ano? Mag isip kana bata!" Nag sisitawanan ang mga kasama niya.

"D'yan mo ibuhos ang galit mo sa syota mo," sabi pa ng isa niyang kasama, pumaikot sila sa'kin at ako naman hawak ang braso ko na ayaw tumigil sa pagdudugo.

Dinilaan ko 'to at nag iba na ang kulay ng mata ko. Napangiti ako dahil sa nakita kong ekpresyon nila, puro takot ang makikita mo sa mga mata nila.

"Gag* cosplayer ata ang isang 'yan." tatawa-tawang sabi ng mukhang baliw nilang kasama.

"Gag* ka! Baka iyan 'yung napapabalitang bampira!," sabi naman nung isa.

"Mga tang* kung siya man iyon, anim tayo isa lang siya." nakangiteng sabi nung lalaking humiwa sa braso ko.

"Mga bobo! Kaya ko kayong ubusin," sabi ko sabay ngiti sa kanila at nagsimula na ang laban.

Sinugod nila ako ng mga dala nilang sandata at agad ko naman naiiwasan, isa isa kong inubos ang mga dugo nila at ang pinakahinuli ko ay ang lalaking nag paiyak kay Fiolee.

Natapos kong higupin ang dugo ng kasama niya, nakatulala siya sa'kin habang ako busog na busog na at pinunasan ko ang bibig ko gamit ang isa kong kamay.

Nakatitig siya sa'kin at nangangatog sa takot. Nag salita ako.

"Papapiliin kita, Anong mas mahalaga? 'yung kwintas ko o 'yung buhay mo?" Nangangatog niyang hinugot ang kwintas at ibinato sa paanan ko.

"HA-Hayop k-ka! Hali-limaw!" Tumakbo siya ng napakabilis pero na abutan ko siya at hinawakan siya sa leeg, masyado na kong nabusog kaya hinayaan ko na lang ang isa kong kamay na pilipitin ang leeg niya.

Napangite ako dahil nagkalat ang dugo ay bangkay sa semento ng iskinitang 'to. Dapat lang sa kanila ito kahit sabihin pa na'tin may mga pamilya sila ay hindi tama ang mga ginagawa nila.

"Nabawasan din ang mga insekto sa lugar na 'to." at pinagpag ko ang dalawa kong kamay sabay pulot nung kwintas.

Tinignan ko ang braso ko na patuloy na nagdudugo, medyo mahapdi siya pero gagaling din ito. Umuwi na ko sa bahay at nagpahinga.

Tulog na lahat ng tao kaya ginamot ko na lang ang sarili ko saka ako na tulog.

FIOLEE POV

Nakakainiis hanggang ngayon ngayon hindi pa rin ako makamove on sa nangyari kahapon, nang hihinayang talaga ako dahil hindi ko nahabol 'yung mga lalaki at naunahan ako ng takot.

'Yan tuloy na wala 'yung kwintas. .

Naiiyak na naman ako, gustong gusto ko talaga iyon at isa pa wala ng katulad 'yun dahil andoon 'yung unang memories namin ni Marshall, bigay sa'kin 'yung nung lalaking mahal ko nung graduation at isa pa couple necklace namin 'yun.

Nakakainis talaga sana talaga hindi na ko pumunta sa park, sana hindi na ko umalis sa tabi ni Marshall kahit pa na nadala siya sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

Kahapon habang nag papa-picture 'yung mga babae sa kaniya kinakalbit ko siya ng kinakalbit pero hindi niya ko pinansin. Nakatingin nga sa'kin 'yung mga babae na parang sinasabi na 'kapal naman ng babae na 'to or sino ba 'tong babae na 'to?' Parang sa kanila si Marshall! Kung pwede ko lang ipag sigawan na akin 'yung lalaki pinagkakaguluhan nila kahapon eh.

Nakakainis talaga.

*tok tok*

"Pasok." napabuntong hininga ako, wala na 'yung kwintas ko.

"Fiolee okay ka lang?" Umupo siya sa tabi ko tapos ginugulo niya 'yung buhok ko.

"Tigilan mo nga 'yan Marshall." hindi siya naimik at feeling ko may ginagawa siya sa batok ko.

"Ano ba 'yan? Sabing tumigil ka eh." nakakabadtrip naman 'to eh masyadong epal.

Hindi ko siya nililingon at nakatingin lang ako sa labas ng bintana.

"Fiolee." inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya na gulat ako, humarang siya sa tinitignan ko.

"Nakakalipad ka?" Tanong ko dahil naka baliktad siya.

"Oo." maikli niyang sagot at bumalik sa pagkakaupo niya sa tabi ko.

"Kelan ko pa talagang lumipad at humarap sayo para mapansin mo?" Nakasimangot siya at nakanguso.

"Sorry wala lang ako sa mood." napabuntong hininga ako, kasi 'yung kwintas talaga eh.

"Ah ganun ba," sabi niya tapos sinimulan niya na namang likutin ang batok ko. Anong problema nito.

"Toyo ka no Marshall." hinampas ko ang braso niya at napangiwe agad siya. Hinawakan niya 'to at hinimas.

"Sorry-sorry na saktan ka agad?" Hinila niya 'yung long sleeve niya na parang may tinatakpan.

"Ang lakas kaya ng hampas mo," sabi niya at itinago ang kanang braso niya. Hmmm bakit kaya?

"Sorry," sabi ko na lang.

"Tignan mo 'yung dibdib mo." na gulat ako sa sinabi niya. Ano daw tignan ko ang dibdib ko? Alam ko naman na hindi 'to kalakihan pero grabe naman siya!

"Manyak mo!" sabi ko at sabay irap sa kaniya. Napatawa siya sabay nguso sa'kin at tinuturo niya talaga 'yung dibdib ko kaya na mula ako.

Grabe ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Ayoko pa gawin ang mga bagay na 'yun! Kahapon lang kami nag date at nung nakaraan lang kami naging mag On tapos ganun agad?

"Marshall lumabas ka ng kwarto!" Napakamot siya ng ulo at tumayo na.

"Sige na nga kala ko magiging masaya ka eh." lumabas siya ng kwarto ko ng nakasimangot.

Pag kasara niya na curious ako, napatingin tuloy ako sa dibdib ko at nakita ko andoon na 'yung kwintas! Suot ko na siya!

Kaya pala may kung ano siyang ginagawa sa batok ko eh kasi kinakabit niya 'yung kwintas ko.

Napaiyak ako ito nga 'yun, ito 'yung kwintas ko, nakita ko siyang may halatang napatid na part pero parang pinagdugtong na lang ulit para maayos, so ito nga 'yun kasi napatid 'to ng nanakaw 'to kahapon.

Napatakbo ako papunta sa kwarto ni Marshall at hindi na kumatok.

"Oh ba---." hindi ko na siya pinatapos at niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang higpit na kung pwede eh ma-suffocate na siya.

"Marshall salamat." tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kaniya.

"Walang ano man Fiolee basta para sayo." tinapik niya ang ulo ko.

"Marshall."

"Oh bakit?" Yumuko ako kasi tingin ko namumula ako.

"I love you." mabilis akong tumakbo papalabas ng kwarto niya at nagkulong sa kwarto ko.

Hiyang hiya na ko samga pinaggagawa ko.

TO BE CONTINUED

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now