054

77 0 0
                                        


________________

"Chenle! Buksan niyo yung pinto, hindi nakakatuwa!"

"Jisung!"

Katok ako ng katok sa pinto, pero ayaw talaga nilang buksan. Pinagtripan nila akong dalawa at kinulong dito sa loob ng kwarto nina Jeno. Guest room nila. Iba talaga pag mayaman ang pamilya.

Ang alam ko dito natutulog si Ten oppa sa kwarto na to.

Kakaiba naman itong kwarto na to. Pwede malock sa labas.

"Kuya!! Pabukas!"

"Mark!"

"Jeno!"

"Haechan"

Nakakainis wala pa saakin ang phone ko dahil kinuha ni Haechan.

Ang dilim naman dito. Buksan ko nga yung ilaw. Kinapa kapa ko yung gilid ng pinto hanggang sa naramdaman ko na yung switch ng ilaw. Pagkabukas ko ng ilaw, hinarap ko yung kama at nagulat sa nakita ko.

"Nabanggit mo lahat, pero ako hindi?" Sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Tinitigan niya lang ako. Grabe ang gwapo talaga. Kaso naka poker face siya.

Sumagot ka muna Huang Rena!

"Akala ko kasi kaming pito lang nandito, hindi ko alam na nandito ka pala" sabi ko sabay tingin sa paligid.

"Hindi ka ba titingin saakin?"

Teka yung puso ko. Tumingin ka nga naman Rena! May Future Jowa ka pang nalalaman. Bakit kasi nagpaturo ako kay Haechan.

"Hindi mo ba talaga titignan yung Future Jowa mo?"

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumayo siya at naglakad papunta saakin.

Nanigas ako nung nasa harapan ko na siya at tumingin lalo sa gilid ko.

"Ayaw mo talaga?"

Mas lalo akong nanigas ng hawakan niya ang pisngi ko at dahan dahan niyang hinarap sa kanya.

Shet. Ang gwapo.

Titig na titig siya sa mga mata ko at halos mahimatay na ako sa kanyang intense na pagtitig.

"T-tapos ka na ba m-mag s-space?" Nauutal kong sambit.

Marahan siyang tumango at ngumiti.

"Yes, Future jowa. Di ko na ata kaya na wag kang pansinin"

And yes it made me blush real time.

Natawa siya at kinurot ang psingi ko.

Dahan dahan niyang nilapit pa yung mukha ko sa mukha niya

Teka eto na ata!

Marahan niya akong hinalikan sa noo at sa ilong

Nang biglang bumukas ang pintuan

"Nagka a- Hoy Na Jaemin!"

Pwersahan kaming pinaglayo ng kuya ko

Nakita ko na nagtatawanan at tinutukso nila si Jaemin dahil sa nangyari.

"Bakit may paghalik halik na nagaganap!?" Pasigaw na tanong ng kuya ko habang masamang nakatingin kay Jaemin.

Lumapit ako kay Jaemin at niyakap siya sa gilid, at inakbayan naman niya ako.

Mas lalong nagalit si Kuya sa itsura namin ngayon at sumugod na naman pero nilayo agad nila Mark oppa.

"Chill Renjun! Pumayag ka na ikulong sila dito diba, dapat alam mo na may ganyan na mangyayari" inalog alog ni Haechan si Renjun habang sinabi yon.

"Selos si Jeno hyung! Layo ka daw Rena dahil kay Jeno hyung lang daw si Jaemin!" Natatawang sabi ni Chenle

Nagkulitan na yung anim, dahil sinasakal na ni kuya Renjun si Haechan, kung bakit pa daw siya pumayag. Pilit naman pinaghihiwalay ni Jeno at Mark yung dalawa. Sina Chenle at Jisung naman mas lalo pang dinadagdagan ang galit ni Kuya at kung ano ano pa ang sinasabi.

Nagulat ako nung may naramdaman akong basa sa pisngi ko at malambot.

Namula na naman ako at natawa siya tsaka may binulong

"Happy Valentines, Future Jowa" napangiti ako ng malapad at binati din siya.

"Happy Valentines too, Future Jowa"

"May handaan nga pala si Jaehyun hyung! Tara na at baka maubusan tayo" pinagtutulak ni Mark palabas yung lima para na din maiwan kami.

"Keep it PG guys, sumunod ka na lang Jaemin kung pupunta ka. Kasi dadalhin ko sila don" Pagkasabi ni Mark oppa non sinarado na niya yung pinto.

Humarap ako kay Jaemin at naka tingin siya saakin.

"Tayo na ba Future Jowa?" Tanong niya. Umiling ako at ngumiwi.

"Hindi mo pa nga ako nililigawan tsaka ayoko ngayon, araw ng mga bitter! Bukas na lang" natawa siya sa sinabi ko.

"Ikaw kaya yung nangliligaw. Sige bukas" niyakap niya ako ng mahigpit.

Command | JaeminWhere stories live. Discover now