13 : Five Feet Apart

Start from the beginning
                                    

" You might meet with him today, Elle. He's in the hospital right now. Sa katunayan ay hindi pa siya umuuwi simula ng itakbo ng kapatid mong lalaki si Isabelle" Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa sinabi sa akin ni Jared. He is workaholic Elle. What do you expect of him.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa hospital. Gayan noon ay ganoon parin ang itsura ng ospital. Walang pinagbago, maganda at maayos parin ang structura ng buildings nila.

Ipinarada muna ni Jared ang kaniyang sasakyan kung kaya naman ay hinintay ko muna siya saglit. It took him almost five minutes to park his car on a private parking space before we both head of inside. Alam kong ang daang tinatahak namin ay ang daan papunta sa mga Intensive Care Units. Isabelle's room is situated on the tenth room from the right wing. It's a private room. May nakasulat na private room sa may pintuan.

Nang buksan ni Jared ang pintuan ay nakita ko agad ang aking kapatid. Nakahiga sa may kama at walang malay. May sarisaring IV lines at tubo ang nakakabit sa kaniya. She is also hooked to a cardiac monitor. Umiyak ang aking puso pagkakita ko sa aking kapatid. Kung may mas sasakit pa kaysa sa pag-iwan ko sa kanila ay ang madatnan siyang nakahiga sa isang hospital bed at walang malay.

" Isa, andito na si ate" Iyak kong wika. Sa may gilid naman ay nakita ko si Liam na pilit itinatago ang mga luha. Kusa akong lumapit sa aking kapatid at niyakap siya ng mahigpit.

" Magpahinga ka na Liam. Alam kong pagod ka na. Ako naman ang magbabantay kay Isabelle" Wika ko kay Liam. Tumingin ako kay Jared na mukhang gustong magpaalam saglit dahil kanina pa nagriring ang phone niya.

" I need to leave for awhile Elle. May emergency sa ER, babalik din lang ako pagkatapos." Paalam niya.

" Sige. Mukhang naabala pa kita" Sagot ko. He's busy. I should have known that.

" It's okay. Nothing to worry" Tumingin muna siya kay Liam bago umalis.

Pagod ako galing biyahe dahil wala pa akong masyadong magandang tulog. Hindi ako makatulog ng maayos sa eroplano dahil sa kaiisip sa kondisyon ni Isabelle. The thought of loosing her kills me. Halos ayokong isipin iyon. I make myself believe that everything's going to be fine and okay.

Nakaidlip ako saglit ngunit nagising rin ng marinig ko ang pagpasok ng nurse. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo.

" Good morning ma'am, I am Jessica, I am the nurse incharge of Ms. Isabelle Marquez. Kayo po ba iyung ate ni Ms. Marquez, ma'am Yelena?" Magalang na tanong ng nurse sa akin. Mabilis akong tumango.

" Oo, ako nga iyon" I confirmed.

" Nagrorounds na po si Doc. Vince, ma'am Yelena. Baka mamaya maya ng konti po ay papasok na siya dito." Wika sa akin ng nurse. Matinding kaba ang bumalot sa akin pagkarinig ko ng pangalan ni Vince. Dapat ay balewala lang sa akin na marinig ang pangalan ni Vince ngunit kabaliktaran nito ang nararamdaman ko. His name gave me that intense feeling of something that I cannot even explain.

Agad akong napatingin kay Liam na siyang nakatingin din pala sa reaksyon ko.

Oh god! Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon.

" Ma'am andito na po si Doc" Saad sa akin nung nurse. Kasabay nun ang pagpasok ni Vince. After almost a year, I saw him.

And it made me realize that physical appearance do really change over time. He grew some beard. His hair is a little bit longer. He's wearing a very expensive eye glasses but still he looks like the Vince I have known a year ago. His eyes bore onto mine for a couple of seconds before extending his hand.

" Doctor Vince Axel Montenegro, I am the doctor of your sister, Ms. Yelena Marquez" The way he pronounced my name was something I don't really understand.

Tinanggap ko ang kaniyang pakikipagkamayan na naging dahilan ng pagramdam ko ng kakaibang sensasyon sa buo kong katawan. Did he feel that too? Naramdaman din ba niya ang naramdaman ko?

" I would like to talk to you in private, Ms. Yelena." That got me off guard.

Private?

Why private?

" It's for the patient's case" He added. Napatingin ako sa kaniya ngunit wala akong ibang makita kundi kaseryosohan sa mga mata niya. Right, it's for Isabelle's case. Don't think of other reasons.

Pumayag ako sa gusto niya at lumabas muna kami saglit sa kuwarto ng kapatid ko upang mapag-usapan ang kondisyon nito.

We were both in the hallway walking and I was waiting for him to start talking but he didn't.

Bakante ang mga kuwarto sa hallway na dinadaanan namin kung kayat dito ang pinili niya.

" Ano ang kondisyon ng kapatid ko, Doctor Montenegro?" Ako na ang unang nagsalita dahil mukhang wala ata siyang balak magsalita.

" She has a tumor in her brain. She's due for operation" Saglit akong natigilan sa sinabi niya.

Operation?

Oh goodness

" How much would that cost?" I asked. Alam ko namang wala akong malaking halaga na naipon dahil isang taon pa lamang akong nagtatrabaho sa Japan at alam kong mahal ang magpa-opera.

" It will cost almost a million, Ms. Marquez" He stated like a million is just a penny to him.

" Kaila-kailangan ko bang magbayad bago masimulan ang operasyon ng kapatid ko?" Saan ako kukuha ng ganon kalaking halaga. I don't have that much right now.

" Yes, no operation will be done unless it's paid. Iba pa ang doctor's fee" He muttered mercilessly.

If this is how he stakes out his revenge on me then he must not include my sister.

" Doctor Montenegro, kung dahil ito sa ginawa ko sa 'yo noon ay sana huwag mong idamay pa ang kapatid ko" I almost pleaded.

" This is not about that, Ms. Marquez. Dahil iba ang bayad ng mga ginawa mo sa akin." Ramdam ko ang galit sa boses niya.

Ano bang gusto niyang gawin ko? Say sorry?

Kung iyun ang kailangan upang gawin niya ang operasyon ng kapatid ko, lulunukin ko na ang pride ko.

" I'm sorry, Vince. I'm sorry for leaving you. I'm sorry for hurting your feelings back then" Ako na ang humingi ng tawad sa kaniya. But that didn't make any effect on him at all.

" You're not sorry, Ms. Marquez. Because if you are sorry, then you would have taken me back." He said before leaving me speechless.

Damn you! Vince Axel Montenegro! Kahit kailan hindi ka parin nagbabago!

-----

Night Encounters (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now