CHAPTER ELEVEN

5.1K 116 7
                                    


MALUNGKOT na nakatanaw sa labas si Ciarra. Lampas-lampasan ang tingin niya sa mga estudyante sa labas ng café. Pasado alas-singko na ng hapon. Kapagkaganoong oras, nagsisimula nang dumagsa ang mga customer. Dahilan para laging  nasa high level ang energy niya. Magiliw siya sa lahat ng nagpupunta sa café , talagang todo asikaso siya sa mga ito. Pero sa mga sandaling iyon ay hindi nababawasan ang bigat na nararamdaman niya. Naroon lang siya sa sulok na bahagi ng café, matamlay at  wala sa loob na pinaiikot niya ang cell phone sa ibabaw ng mesa. Hindi man niya gustong aminin, eh, may inaasam-asam siyang makita.

How she wished na muling sumulpot ang taong iyon. Pero  siya na rin ang nagsabi sa sariling malabo nang mangyari na magpakita pa sa kanya si Miguel. Posibleng tinablan na ito sa mga sinabi niya.

Patunay na wala nang missed calls sa kanyang cell phone. Hindi na rin ito nagtangkang tumawag sa kanilang landline phone. Mukhang nagsawa na rin si Miguel at natauhang wala itong mapapala at aasahan pa sa kanya.

Tama, wala talaga itong aasahan sa kanya. Matagal na silang tapos!

Eh, bakit ka ngayon umaasam na magpapakita pa siya sa iyo, Ciarra Avancena? kastigo ng maliit na tinig sa loob ng isipan niya.

Napahinga siya nang malalim. Pilit niyang itinataboy sa isip si Miguel.

Life must go on...

Nang biglang tumunog ang cell phone niya. Pakiramdam  niya ay lumundag ang kanyang puso sa matinding kaba. Kaagad niyang sinagot. "Hello..."

"Hello... Cy..."

Muli siyang nanamlay nang makilala ang boses. "Hi, Justin. Kumusta ka na?"

"I'm okay. Ikaw?"

"Okay lang din." Wala na siyang maisip na sasabihin dito. Narinig niyang nagbuntong-hininga ito. "Kumusta si Mo—Tita Claire?"

"I did it, Cy. Nagawa ko nang ipagtapat kay mommy ang totoo. The reason behind kung bakit nagpasya akong huwag nang ituloy ang ating  kasal . I told my mom that you don't deserve me. Hindi kita kayang pasayahin... paligayahin .You are special, Ciarra and you deserve someone..   much better than me. I'm so sorry, Cy. Alam ko... you will hate me for doing this to you. Sana... sana mapatawad mo ako."

"Nauunawaan kita, Justin.  Ang ginawa mo ay para na rin sa kabutihan nating dalawa. Sa totoo lang wala akong makapang galit sa puso ko para sa iyo."

"Oh, Cy. Salamat, Cy. Salamat. One of these days, dadalawin ko si Tita Claire. I owe your mom an explanation. May dapat akong ihingi ng patawad sa kanya."

"Alam na ni Nanay. Nakapag-usap na kami. At bukas pa rin ang aming tahanan sa 'yo, Justin. At may kailangan din akong ibalik sa 'yo, 'yong singsing."

"Just keep it, Cy. Sa kabila ng lahat, matatanggap mo pa rin ba akong maging kaibigan?"

"Bakit naman hindi?" sinserong sagot niya. "'Asan nga pala si Ian?"

"He's in Cebu. Kasama ko ngayon si Mommy, nandito kami sa airport, susundan namin si Ian."

"Well, goodluck, Justin."

"Wish you all the best, Ciarra..."

Wala na sa linya si Justin, kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng kanyang dibdib.  Inilabas niya mula sa kanyang wallet ang engagement ring.  Pinakatitigan niya iyon habang hindi maiwasang magbuntong-hininga. Mahigit isang linggo na niyang hinubad sa daliri ang singsing. Kahit sinasabi ni Justin na huwag nang ibalik ang singsing ay gugustuhin pa  rin niyang isauli iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I LOVE YOU, DON'T CRY (Published under Dream Love #11 book imprint)Where stories live. Discover now