Chapter 24: Wrong

31.5K 1.2K 227
                                    

Chapter 24

Namilog ang mata ko nang mapansin kong nakahiga ako sa kama ni Grey. Nilibot ko naman ang tingin sa paligid pero hindi ko siya nakita.

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ko para tingnan ang oras at nahampas ko ang noo ko kasi umaga na.

Ang naalala ko kagabi ay nakaub-ob ako sa gilid ng kama niya habang hawak niya pa rin ang kamay ko. Talagang hindi siya bumitaw kahit na mahimbing na ang tulog niya.

Mabilis akong bumangon at inayos ang kama niya. Mabuti na lang sabado ngayon kasi kung hindi ay siguradong absent ako.

Hinanap ko si Grey sa living room pero hindi ko siya nakita. Hindi ko alam kung nilalagnat pa siya pero sana gumaling na siya.

Nilapitan ko ang istante niya na punong-puno ng award. Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan ang litrato niya. Katabi nito ang award na natanggap niya bilang artista.

Napapikit ako nang may maamoy akong mabangong pagkain

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napapikit ako nang may maamoy akong mabangong pagkain. Dinala ako ng paa ko sa kusina at do'n ko natagpuan si Grey na busy sa pagluluto.

Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang tinitikman ang niluluto niya. Kulay pink ang suot niyang apron pero kahit na ganun ay napaka gwapo niya parin na tingnan.

Tumikhim ako kaya napalingon siya sa 'kin. Natigilan ako nang masilayan ko ang ngiti sa labi niya.

"Good morning!"  bati niya.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at umupo sa upuan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya.

Mukhang magaling na siya kasi nakakapagluto na siya.

"Pupunta ba rito ang kaibigan ko?"

Siguro kaya siya nagluluto dahil pupunta rito ang kaibigan ko. Kaya rin siguro ang ganda ng gising niya kasi muli niyang makakasama ang girlfriend niya.

"Nope."

Kumunot naman ang noo ko sa sinagot niya. Kung hindi pupunta rito ang kaibigan ko? Bakit ang ganda ng gising niya?

Naglakad siya papalapit sa 'kin habang dala niya ang tray kung saan nakalagay ang mga niluto niya. Pinatong niya 'yon sa nasa harapan kong mesa.

"Aalis na ako para hindi nakakahiya sa bisita mo."

Tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong balikat para pigilan ako na tumayo.

"Let's eat."

Umupo na siya sa nasa harapan kong upuan habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. Gusto ko siyang suntukin kasi mas lalo akong naiinlove sa ngiti niya.

Nakamasid lang ako sa kanya habang pinagsasandukan niya ako ng pagkain. Humahalimuyak sa ilong ko ang amoy ng niluto niyang sinigang.

Napahawak ako sa tiyan ko kasi nakakaramdam na ako ng gutom. Naalala ko na hindi nga pala ako kumain kagabi.

Fake Girlfriend of Mr. Famous (Completed)Where stories live. Discover now