"Tapos, alam din namin na may date si Hanz with that girlaloosh noong mag-shopping tayo for your clothes. Inutusan din namin si Genesis na hindi pumunta sa bakeshop para tulungan ka at nakipag-cooperate na si Hanz nalang ang pumunta doon. Mas better kasing may time kayo together."

"And---."

"Sandali lang lahat ng iyon ay plano ninyo?"

"Of course, nakatadhana na kayo ni Hanz pero naisip namin na tulungan si destiny na mas magkalapit pa kayo. And we think nagwork naman so please huwag ka ng magalit sa amin, promise, sa wedding mo ay mas malaking cake ang i-ba-bake ko." Malakas siyang napabuntong-hininga at natawa sa pinaggagawa ng mga ito.

Kaya pala masyadong coincidence ang lahat, pakana pala ng mga ito ang mga iyon. Masyado ng late para magalit pa siya at saka ipagpapasalamat din niya sa mga ito ang lahat ng nangyari dahil kahit hindi maganda ang naunang kinalabasan ng pagsasama nila ni Hanz sa mga instances na iyon ay naging stepping stone naman niya iyon para mas lalong ma-realized ang tunay na nararamdaman para sa binata.

"Make sure masarap ang cake na iyon."

"One hundred percent sure!" nagthumbs up pa si Yumi at napangisi rin ang mga kasama nila. Mukhang siya lang ang walang alam sa plano... siya lang ba?

"Sandali lang, alam ba ni Hanz 'to?"

"Of course not, kami lang ang may alam. Walang alam ang mga lalaking kapitbahay natin dahil alam mo naman na hindi alam ng mga iyon ang magtago ng secrets."

"Pati din ikaw Dorothy?"

"Matagal na naming alam na may something si Hanz sa iyo. Masyado ka lang dense before kaya hindi mo makita-kita."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Sino ba ang matinong babae na mag-iisip na may gusto sa kanya ang isang lalaki kung palagi siyang inaasar?"

Ngumisi ang kaibigan. "Writer ka girl, alam mong way iyon ng mga guys to catch the attention of the woman they like and it's very applicable in real life situation. Just like yours."

Nag-isang linya ang kanyang mga labi dahil naisip niyang baka ganoon talaga kapag natatakot kang magmahal, hindi mo makikita at mapapansin ang nakapaligid sa iyo dahil masyado kang abala sa pag-aalaga ng puso mo.

"HINDI ka ba sasali, Jada?" Untag sa kanya ng Mama ni Hanz na kasama niya sa mesa. Nasa reception na sila ng kasal at kasama niya sa mesa ang mga magulang ni Hanz, nakiusap kasi ang lalaki sa kanya na samahan at Mama nito. Magkakilala na sila ng Mama ni Hanz dahil ilang beses na siya nitong dinala sa mga dinners sa bahay nito.

Ngumiti siya sa ginang. "Dito nalang po ako, Tita." Aniyang tinitingnan ang buong paligid. "Marami na pong mga girls na naghihintay na makuha ang bouquet and for sure po matutuwa ka po sa mawiwitness niyo later." Natawa siya ng makita ang mga kaibigan na pasimpleng nagtutulakan para makuha ang pinakamagandang pwesto sa pagsalo ng bulaklak ng bride. Sa totoo lang ay gusto din niyang makisali sa mga nagkukumpulang mga babaeng kapitbahay at ilang mga bisita kaya lang ay may nasagap siyang mga balita na may pagbibigyan na si Margareth ng bulaklak nito. Drama nalang ang gagawin nito para mas masaya ang event, though sigurado siyang may magrereklamo mamaya.

"Ladies and gentlemen, the most awaited moment of this event is finally here. Sino kaya ang maswerteng babaeng makakasalo ng pinakaaasam-asam na bouquet?"

"Ako!" sabay-sabay na sigaw ng mga nasa center na gigil na gigil na.

"Well, supposedly we are going to have a mini game for this but the bride wants it simple dahil may palagay siyang may magkakasakitan." Natawa ang ibang mga bisita nila sa sinabi nito. Maging siya ay may palagay na ganoon ang mangyayari.

Black Magic: Write (COMPLETED)Where stories live. Discover now