Nailing na natawa siya sa sinabi ni Hanz, tumayo ito pero nakatitig pa rin sa kanya. Open na sa public ang panliligaw nito sa kanya kaya nabakuran na niya ito mula sa mga babaeng kapitbahay. Ang problema nalang ay kapag nasa labas sila o kaya ay may mga outsiders na nakakakita sa lalaki, masyadong gwapo si Hanz para hindi mapansin at masyadong malakas ang sex appeal nito para hindi nito mabighani ang mga babaeng bisita tulad nalang ngayon.

Pagtayo nito ay may narinig siyang mga babaeng mahinang nagtitilian at sa gilid ng kanyang mga mata ay halatang si Hanz ang naging apple of the eye ng mga ito. She can't blame them though, but he's already taken... by her.

"Hanz."

"Yes?"

"May dumi ka dito." turo niya sa pisngi nito. Agad nitong tinanggal ang sinabi niyang dumi. "Hindi mo naman natanggal, halika dito." yumuko ito sa kanya at dahil gawa-gawa lang niya iyon at wala talagang dumi kaya pagkalapit na pagkalapit nito sa kanya ay mabilis niyang ginawaran ng halik ang mga labi nito. Mabilis lang iyon pero iyong kabog sa dibdib niya ay sa tingin niya ay sa susunod na buwan pa mababalik sa normal. Halata ang gulat sa mga mata ng lalaki, gulat... pagtataka at tuwa.

"You... you kissed me." Nakatulalang ani nito.

"Punta ka na doon, hinihintay ka na ng groom." Wala itong nagawa ng itulak niya ito papunta sa altar, nakatingin lang ito sa kanya at parang babaeng ninakawan ng halik. Natawa siya lalo pa at muntik na itong matumba.

"I saw that." Pasimpleng ngumiti siya kay Dorothy na tumabi sa kanya. "Oh my God, sinagot mo na?"

"Mamaya." Aniya sa kaibigan. "HUwag kang tumili baka malaman niya."

"Pambihira naunahan mo pa ako." Natatawang ani ni Czarina. "Saan na kaya ang Mister Right ko?"

"Ang sweet, nakakaasar." Kahit na nagrereklamo si Kc ay halatang masaya ito sa kanya. "Finally, mukhang magbubunga na rin ang pagtitiyaga ng kapitbahay nating si Johannes Salamandres. May his bachelor soul may rest in peace forever."

"Support lang kami sa iyo girl and by the way, I like how you make bakod to your man. Those ladies should know their places." Si Yumi na kakakasal lang din kay Howard. At maswerteng nabuntis agad, sabi nga nito, ready na ang egg cell nitong ma-fertilized. Luckily, honeymoon baby ang agad na nakuha nito. Si Pamela ay sa katapusan ng taon dahil mas gusto nitong ikasal ng December.

"Dapat si Vanessa ang sunod na ikasal, matagal ng single ang pinsan na iyan ni Margareth." Sabay silang napatingin sa maid-of-honor ng kasal at sunod-sunod na tumango.

"May plano ako girls." Suhestiyon ni Yumi.

"Bawal kang mag-roller coaster, buntis ka."

"Gaga hindi iyon. May nakita akong bagong mukha dito, mukhang bagay sila ni Vanessa. I-pair kaya natin sila."

"Ikaw talaga Yumi kung anu-ano na naman iyang iniisip mo, baka mapahamak si Vanessa diyan patay tayo." Ani ni Pamela.

"Gumana nga iyong plano natin kay Hanz at kay Jada---." Nagsalubong ang dalawang kilay niya at napatitig kay Yumi.

"ANong plano?" tanong niya.

"Ay, wala iyon."

"Yumi."

"Alright, since nag-work naman iyong plan kaya sasabihin na rin namin. May plan kaming i-pair kayo ni Hanz dahil feel talaga namin ang lakas ng chemistry niyong dalawa. Kaya minsan ay kinikidnap namin si Leo at dinadala sa bahay ni Hanz. Para magstay si Leo doon ay pinapakain namin siya hanggang sa masanay siyang pumunta sa bahay ni Hanz dahil may pagkain doon."

Napaawang ang kanyang mga labi sa ipinagtapat ng mga kasama, hindi niya akalain na magagawa ng mga ito ang bagay na iyon. At mas lalong hindi niya alam kung matutuwa or magagalit sa ginawa ng mga ito.

Black Magic: Write (COMPLETED)Where stories live. Discover now