25

17.5K 403 61
                                    

Masusi kong tiningnan ang aking mukha sa salamin kung bakas pa ba roon ang emosyon na kanina ay muntik ng lumunod sa akin.

Sapat na siguro ang kunting lipstick sa aking labi upang magkaroon naman ng kulay ang aking mukha.

Ng makontento ay lumabas na ako. May trabahong naghihintay at hindi pwedeng bumali dahil lang may personal na issue. Kahit kaibigan ko si Leandro hindi parin magandang abusuhin ko iyon, baka ano pang sabihin ng ilan.

Ng tinungo ko ang aking lamesa ay agad na sumalubong sa aking ang pigura ni Vaughn na nakatayo malapit sa pintuan at sa lamesa ko rin.

Binalewala ko ang umuusbong na namang kaba at nagpatuloy sa pagbabay tungo sa aking destinasyon.

Si Leandro siguro ang hinihintay niya at baka may lakad sila. Papaano kaya sila nagkakilala? May negosyo bang namamagitan? Dahil sa pagkakaalam ko kay Vaughn hindi naman ito mahilig magsusuot sa mga liblib na lugar.

Pero sa bagay unti-unti na namang nakilala ang Monterico dahil tirahan ito ng mga mayayaman at millionaryo na gusto ng tahimik na buhay, malayo sa ingay at polusyon.

Dire-diretso ako sa aking upuan at hindi nilingon si Vaughn kahit nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagbago ng posisyon niya paharap sa akin.

Inabala ko ang aking sarili sa pagaayos ng mga dukomento, kahit halos lahat ng iyon ay naayos ko na kanina pa.

Iilang sandali pa ay tumigil ako sa pagaayos dahil kung magpapatuloy ako ay para akong tanga dahil sa pauli-ulit na ginagawa.

I look up with a rusty neck. As I meet Vaughn's gaze, I immediately shivered. I bitted my lips how my body reacted to his stare..just like how I used too before.

"May k-kailangan ka?" Kapos hininga kong tanong kay Vaughn na halos boung harap ng lamesa ko ay kinorner at inukopa ng presensiya niya.

Dagdag pa na nakaupo ako at nakatayo siya kaya mas lalong lumiit ang hangin papunta sa direksyon ko.

Vaughn shifted his weight ang licked hir lips preventing it to dry from words that are yet to come in his lips.

Marahan siyang yumuko hindi hinihiwalay sa akin ang tingin, lalong namang nagwala ang puso ko sa aking dibdib. Tatayo na sana ako di na makayanan ang panlalamon ng anino niya sa akin ng tumigil siya at itinukod ang dalawang kamay sa magkabilang parte ng lamesa.

"Oo."

"Ha?..Ah kay Leandro ba. Nasa loob siya diba." Tanong ko uli muntik ng kalimutan na may nauna pala akong tanong sa kanya.

"Nope. Ikaw ang kailangan ko. We need to talk." My jaw almost drop, hindi pa nakabawi sa pagkakamali kanina.

"We are talking right now." I bluttered out, far from sanity.

Eyes Vaughn turned more dark and fiery.

"No. Not this way. Not in this place. We need to talk privately."

"Ayoko. Busy ako at tulad ng sinabi ko kanina wala tayong dapat pagusapan." Nakipagtalastasan pa ako ng tingin kay Vaughn bago tila sumuko siya at umatras.

Kita ko pa ang pagtiim niya ng bagang bago umatras at naglakad papalayo.

At kahit nay hatid iyong kurot sa akin dibdib ay ipinagpasalamat ko na din iyon dahil tila nakahinga na ako ng maluwag.

Umiling ako at unti-unting pinakawalan ang hangin sa aking baga.Wala na siya Tary, kaya kumalma kana.

Ilang sandali pa at inabala ko na naman ang sarili sa pagaarange ng files. Parang tuloy akong tanga.

I was about to stand up and ask Leandro if he had something to do about killing my time. But as I turn to my right I saw Vaughn holding his head and almost lying on the floor. Fear immediately cosume me.

I hurriedly run and scoop his arms. He was groaning and writhing in the pain.

"Vaughn, ayos ka lang ba? Teka lang..t-tawag ako ng tulong." Akmang tatayo na ako ng pigilan niya ang braso ko.

"Wag. Dito kalang. Mawawala din to." Ilang sandali akong nakatunganga di alam ang gagawin habang dinadama niya ang sakit ng ulo.

Ang kamay ko naman ay nanginginig di alam kong hahawakan ko ba ang ulo niya o patuloy na alalayan siya

"I can't drive. Marunong ka bang magmaneho?"

"Oo, bakit?"

"Please drive me home. My medicine is there." Wala na akong nagawa ng ibigay niya sa akin ang susi ng sasakyan.

Ng makarating kami sa loob ng sasakyan ay agad akong nagmaneho.

Makaraan ang ilang minuto ay narating namin ang isang modern bungalow na bahay. Malawak ang bakuran nito sapat na ang makaparada ng tatlo o apat na sasakyan.

Dali-dali akong bumaba at inalalayan siya papalabas ng sasakyan pero ng hawakan ko ang ang braso niya ay agad niya iyong binawi at imbes braso ko ang hinaklit niya.

Perpekto siyang umasad sa sasakyan at naglakad na parang walang sakit ng ulo.

"T-Teka Vaughn! Masakit ang ulo mo diba? Teka bitiwan mo ako!" Pilit kong binawi ang braso pero masmalakas si Vaughn. Hindi naman gaano ka higpit iyon, pero sadyang parang bakal lang talaga ang kanyang kamay.

"Teka Vaughn! Ano ba!" Patuloy kong pagaapela ng papalapit na kami sa pintuan.

Hindi niya ako tinapunan ng tingin. Tiim lang siyang nakatingin sa harap. Ng mabuksan ang pintuan ay agad niya akong pinasok at pinakawalan.

Teka, mukahang  alam ko na ang mga nangyayari. Mukhang naisahan ako ng lalaking to ah.

Agad ko siyang hinarap at isiningkit ang mga mata.

"Magsabi ka nga nang totoo sa akin. Masakit ba talaga ang ulo mo o umaarte ka lang." Bakas sa paghinga ko ang inis.

"Masakit naman talaga ang ulo ko. Masakit kakahabol sayo at kung paano ka kausapin ng maayos." Isinukbit ko ang dalawang braso sa aking harapan.

"So, umaarte ka nga lang kanina?"

"Yeah----"Agad ko siya sinampal at di namalayan ang mga luhang naguunahan na kumawala sa aking mga mata.

"Yon! Yong lang ang rason mo! Hindi mo ba alam na pinag-alala mo ako ng husto! Paano kung totoo pala yon!?" Singhal ko.

"Ano? Sumagot ka!" Sigaw ko sa galit, tiim lang siyang nakatingin sa akin.

Ilang saglit kaming nagtitigan bago ko binawi ang tingin. Umiling ako at unti-unting pinalis ang tirang luha.

"Aalis na ako." Mahinang deklara ko at tinalikuran siya pero agad niyang naagapan ang braso ko.

"Don't go. Please stay." He swifted his direction ang let me face him, this time out distance were closer.

"You cared for me. The kiss we shared earlier was full of indepth emotion. You shove me away like we have something before. Tell me, Tary. Ano ba talaga kita noon? Nagkaroon ba tayo ng relasyon? Naging Girlfriend ba kita? Please..enlighten me." He pleaded under his struggling breath.

Agad kong iniwas ang tingin sa kanya hindi na kayang masaksihan pa ang pait sa kanyang mga mata.

Dahil pagnakita ko iyon ng mas matagal mas lalong tinutupok ang puso ko na naghihina at wasak na.

"Gusto mo ba talagang malaman kung ano tayo noon?" Tanong ko sa kanya na hindi parin sinasalubong ang kanyang mga mata.

He nodded.

"I was your mistress Vaughn. Your secret side affair. Naging parausan mo pag kailangan mo ng pangpainit dahil hindi pa pwede si Irrene. The kiss you said, you feel something, it is because we did beyond that."

Unti-unting lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin at tila batong nakatayo sa akin harapan. Sa pagkakataong ito siya na ang hindi makatingin sa akin. Habang ako ay libreng minamasdan ang reaksyon niya.

"No. No. I didn't make you like that." He stated in disbelief and horrored.

SecreTary Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon