Ang Amo ( The Boss ) Part 14

6.2K 190 5
                                    

Part 14

Alexander's POV

Sa mga sumunod na mga araw ay naging abala ang buong company sa mga bago naming alak. Bukod kasi sa wine ay nadagdagan pa ng ibat-ibang klase ng alak ang ginawa namin na sunod sa pangalang Lexan. Nariyan ang Lexan Vodka, Lexan Champagne at Lexan Beer na ikalawa sa Lexan Wine sa pinakamabenta dahil sa ito ang may mababang presyo sa mga alak namin.

Sa aming dalawa naman ni Kevin ay mas lalo naming nakilala ang isat-isa, isang car company pala ang pagmamay-ari ng pamilya nito, no wonder at laging iba-iba ang minamaneho niyang sasakyan.

Nandito ako ngayon sa labas ng office at katatapos lamang ng napakaraming trabaho hinihintay ko si Mang Jim para maihatid niya ako sa resto kung saan magkikita kami ni babe. Oo nga pala ngayon ang unang monthsary namin bilang mag-boyfriend.

...

Ilang minuto lang ang byahe at nasa harap na kami ng resto. Pagkababa ng kotse ay dumiretso na ako sa loob at ginabayan agad ako ng waiter sa pinareserve na seat ni babe para sa amin. Maya-maya pa nga ay nakita ko ng papunta sa akin ang taong na-miss ko ng sobra dahil isang linggo rin kaming hindi nagkita dahil sa pareho kaming abala sa kanya-kanya naming trabaho.

Paglapit nito ay tumayo ako at kaagad ko itong yinakap ng mahigpit.

"I miss you." Bulong ko rito.

"Oh wala man lang bang i love you." Sagot naman nito.

"I love you."

"I love you too." At hinalikan ako nito sa labi ngunit smack lang. Ayoko rin naman na gumawa kami ng eksena, oo proud akong gay ako pero inilalagay ko lang sa lugar kung saan pwede naming gawin ang ginagawa ng magkasintahan. Mamaya na lang namin iyon itutuloy kapag kaming dalawa na lamang ha ha ha.

Pagkaupo namin ay kaagad na kaming umorder. Tulad ng inaasahan ay marami na naman itong inorder at ayaw rin nito na hati kami sa pagbayad kahit na anong pilit ko na hati na lang kami. Habang kumakain ay napag-usapan namin ang mga ginawa namin sa nakalipas na ilang araw. Kagaya ko busy rin ito sa company nila lalo na at siya na mismo ang namamahala.

"Babe do you have plans tomorrow." Tanong nito.

"Wala naman, linggo bukas kaya magsisimba lang kami ni pinsan. Bakit mo natanong?"

"Ganoon ba, sa bahay ka nalang matulog para sabay tayong makapunta ng simbahan bukas."

"Hindi ba nakakahiya sa mga parents mo?"

"Syempre naman hindi, sa totoo lang si Papa nga mismo ang nag-suggest na imbitahan ka one day para daw makilala na nila ang magiging soon to be son in law nila."

"Ikaw ang bahala."

"Does it mean pumapayag ka?"

"Oo basta hindi tayo tabi matutulog ok ba iyon?"

"Babe naman, ngayon na nga lang tayo nagkasama ulit tapos hindi pa tayo tabi matutulog akala ko ba namiss mo ko?"

"O sige kung ayaw mo sa bahay na lang ako matutulog."

"Fine, kung iyon ang gusto mo." Talo nitong sabi.

Matapos nga naming kumain ay lumabas na rin kami ng resto, tinawagan ko na rin si Mang Jimmy para sabihing umuwi na ito. Tinawagan ko rin si Anne para ipaalam na kina babe ako matutulog ngayong gabi.

Pinaandar na nga ni Kevin ang sasakyan at nagbyahe na kami pauwi sa kanilang bahay. First time kong makikita ang bahay nito sa syudad na sigurado akong hindi lang ito bahay ngunit isang masyon dahil alam ko naman na maimpluwensya ang mga magulang nito. Habang nasa byahe ay kinakabahan ako, kahit pa alam ko na tanggap nila ang anak nila sa kasarian niya at na may karelasyon ito hindi ko maiwasan na kabahan pa rin.

Ang Amo at ang DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon