Ang Amo ( The Boss ) Part 3

12.2K 313 3
                                    

Part 3 Alexander's Past

Nandito ako ngayon sa harap ng puntod ng aking mahal na ina. Pagkatapos kong ayusin ang bulaklak na white lilies na paborito nito nung siya'y nabubuhay pa ay nag-sindi rin ako ng kandila. "Kumusta ka ma, alam mo hanggang ngayon hindi pa ako sana'y na wala kana. Bakit kailangang ikaw pa bakit hindi na lang 'sya ang nawala, siya naman ang may kasalanan kung bakit kayo naaksidente.

Flashback

"Anong gusto mong regalo sa birthday mo baby." Tanong nito sa 'kin. "Ma! stop calling me baby magsi-sixteen na 'ko, next year nga magka-college na 'ko eh." Tampo kong sabi.  "Ikaw naman nag-lalambing lang ako eh, o sige promise pag college kana di na baby itatawag ko sayo ok ba yon." Sabay gulo nito sa aking buhok. "Ma! 'yung buhok ko! kaayos ko palang ginulo mo na naman." Ganyan kakulit at kalambing ang mom ko, pero ang inaasahan kong masayang birthday ay kabaligtaran pala ng mangyayari.

"Senorito may tawag po para sa inyo." Ang sabi ng maid namin noon. "He.. Hello ako po si Alex bakit po kayo napatawag." Sa mga oras na 'yon hindi ko alam kung bakit sobra ang kaba na nararamdaman ko. "Hello Alex This is Doctor Robles nandito ngayon sa St. Lukes Hospital ang mga magulang mo, naaksidente ang kotseng sinasakyan nila at nasa malubhang kalagayan ang mga ito.." Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ng doctor at dali-dali 'kong pinuntahan ang nasabing hospital, sa mga panahong 'yon marunong na akong magmaneho ng sasakyan.

Pagdating sa hospital kaagad kong tinanong kung nasaan ang mga magulang ko. "Ms. nasaan ang kwarto ng mga Gomez, Alexander Gomez anak nila ako." "Sa second floor room 7." Pagkatapos sabihin ng receptionist ang kwarto ng mga magulang ko, kaagad ko ng tinungo ito.

Habang naghihintay ako tinawagan ko si yaya para sabihin ang nangyari, ilang oras din akong naghintay at lumabas na nga ang doctor.

"Doc kamusta po ang mga magulang ko?" "Ikaw ba ang anak ng mga pasyente?" Tanong nito. "Opo doc." "Stable na ang Dad mo minor injuries lang ang natamo nito, pero ang mom mo under observation pa rin dahil sa dami ng tinamo nito sa aksidente." Mahabang paliwanag nito "Paano maiwan na muna kita." Pagka-alis ng doctor dumating na rin si Yaya kasama nito si Anne at si Mang Jimmy.

"Kumusta na ang lagay nina tito't tita." Tanong ni Anne." "Ok na si dad stable na daw sabi ni doc pero si mom under observation parin daw." Malungkot na sagot ko rito. "May mga pulis na rin na nag-iimbestiga at tinatanong na rin ang mga saksi tungkol sa nangyaring aksidente." Sagot naman ni mang Jim. Lumapit na rin sa akin si yaya "Hayaan mo hijo magiging ayos din ang lahat. Sabi nito pagkatapos ay niyakap ako.

Pagbalik ng doctor pinayagan na kaming puntahan si Dad sa kwarto nito. "Kumusta dad anong nararamdaman mo?" "Masakit ang katawan ko pero hindi naman ako nabalian ang sabi ni doc." "Ang mom mo kumusta 'sya." Tanong nito. "Under observation pa rin daw." "Halika nga dito son." Paglapit ko kay dad ay bigla ako nitong yinakap. "So.. Sorry son dahil sa akin kaya naaksidente kami ng mom mo." "Dad 'wag mong sisihin ang sarili mo aksidente ang nangyari." "Sorry parin anak." Paulit-ulit nitong paghinngi ng sorry. "Magpahinga na po kayo para pag-gising ni mom sabay tayong makikita 'nya.

Nang makatulog na si dad naiwan si yaya para magbantay dito. Sinamahan naman ako ni Anne sa chapel para manalangin para sa pag-galing ni Mom. "Panginoon alam kong may katigasan ako ng ulo pero sana gumaling na si mom para makasama pa po namin 'sya, kahit 'yun na lamang po ang regalo 'nyo sa akin sa kaarawan ko ngayon." Dala siguro ng pagod hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising na lang ako ng gisingin ako ni Anne. "Lex gising na kailangan mong puntahan si tita." Dali-dali ko ngang tinungo ang kwarto kung saan naroon si mom. Pero pinalabas kami ng mga doktor at sinabing bawal daw kami roon. Kaya nagkasya na lamang kaming tumingin sa salaming bintana sa labas ng kwarto. Sa mga sandaling 'yon walang patid ang pagtulo ng luha sa aking mga mata naawa ako kay mom alam kong hirap na hirap 'sya. Dahil sa hindi ko na makayanan ang mga nangyayari tumakbo ako palabas ng ospital. "San ka pupunta lex?" Dinig ko pang sigaw ni pinsan habang tumatakbo ako palabas. Pagdating ko sa parking lot kaagad akong pumasok sa kotse at pinaharurot ko ito ng mabilis.

Habang nagmamaneho parang sirang plakang paulit-ulit sa isipan ko ang mga masasayang bagay na nangyari sa akin kasama ang mga magulang ko. Dahil sa bilis ng pagmamaneho ko, huli na ng makita kong may papalapit na sasakyan sa sinasakyan ko sinubukan ko pang iliko ang sinasakyan ko pero huli na dahil sa mabilis ding pagpapatakbo nito. At ang huling natatandaan ko ay ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula rito at ang pagtama ng malakas ng ulo ko sa sasakyan..

After three weeks

"Gising na 'sya"  Sigaw na dinig ko pagkamulat ng aking mga mata, iginala ko ang aking paningin sa kwarto at nalaman kong nasa ospital pala ako. Ilang sandali pa ay dumating ang doctor pagkatapos ay tinignan ako at kung anu-ano pang test ang ginawa sa akin. "Ok na 'sya ilang araw pa pwede na 'syang lumabas. "Anne nasaan sina Mom at Dad?" Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Anne at tumingin ito sa doktor pero sandali lang at sumagot din ito. "Alam mo naman busy ang mga iyon sa trabaho pero kanina lang nandito sila, sayang nga eh hindi ka nila nakitang magising." Dahil sa narinig ng doktor bigla itong nagtanong. "Pwede bang sagutin mo lahat ng itatanong ko para malaman ko kung okay ka na talaga. Tumango lang ako. "Anong pangalan mo?" Unang tanong nito. "Alexander Gomez. "Ilang taon kana"  "15 magsi-sixteen." Sa sagot kong 'yon nagtinginan na naman si Anne at si doc. "Ano ang pangalan ng mga magulang mo?" "Alberto at Patricia Gomez." "Ok last question na lang bakit nandito ka ngayon sa ospital." "???" "Uulitin ko bakit ka nsa ospital ngayon?" Kahit na anong isip ko hindi ko alam kung bakit nasa ospital ako parang sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. "Aah! ang sakit ng ulo ko doc!" "Tama na muna 'wag ka munang mag-isip magpahinga ka na lang muna. Sabi ni doc sa akin at pagkatapos lumabas na ito, nagpaalam din na lumabas si pinsan at bibili lang daw ng pagkain sa labas.

Author's note

Grabe ayaw ko talaga sa ganitong mga eksena pero kailangan eh. May karugtong pa ito at nagsisimula palang tayo. Kaya pls do votes and comments.

Ang Amo at ang DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon