I love her, but loving her is toxic.

“Hoy! Lutang ka na naman. JuicekoLord ayan na ba ang nagagawa ng pag-ibig sa mga kabataan ngayon?!” Napabalikwas ako matapos marinig ang nakakarinding sigaw ni Dannielle sa tenga ko.

“Pakshet ka Dannielle!”

“Pakshet ka den! Mukha ka kayang tukmol, hindi bagay sayo magpaka-emo noh! Emongoloid pwede pa!” Sabay halakhak, peste!

Tumayo ako sa kinauupuan ko at akmang aalis na, tinalikuran ko si Dannielle. Tsk.

“Hooooy! San ka pupunta?! Joke lang naman Bebs e!”

 

 

Ang kulit lang talaga, paano ako makakapag-isip ng maayos kung lagi siyang andyan, kinukulit ako.

“Alam mo ang mabigat, gumagaang pagbinibitawan. Pero kailangan parin ng tamang lugar at timing  bago mo bitawan yung bagay na yon. Kasi malay mo, hindi mo napansin yung pagbabagsakan mo pala katapat paa mo, Tanga ka na, ikaw pa nasaktan!”

Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita nang ilang hakbang palang yung layo ko sa kanya. Putcha kahit ang labo at ang korny ng sinabi niya, feeling ko natamaan parin ako e.

Andami mong kuda, hanapin nalang natin sila baka kumakain na yung mga yon.” Sabi ko nalang, nandito kasi kami sa classroom ko at lunch break na. Actually kanina pang 5 mins. Nag-start yung time ng lunch pero dahil nga sa lutang ako hindi ko na naalintana yung oras. Baka nga kung hindi pa dumating si Bebs baka time na nandito parin ako sa classroom.

Naramdaman ko ang pagpulupot ni Dannielle sa braso ko, tumingin ako sa kanya. Nakita ko siyang seryosong tinitignan ako.

Alam mong hindi naman masamang magmahal diba? Basta alam mo sa sarili mong wala kang natatapakang ibang tao at masaya ka sa mga ginagawa mo. Pero please lang kung magmamahal ka huwag ka naman masyadong maging martir. Sige maraming tao ang tanga sa pag-ibig, pero kung magpapakatanga ka siguraduhin mo lang na tamang tao yang sinasayangan mo ng oras dahil lang sa pagpapakatanga mo. Sana she is worth the shot.”

 

 

Habang nakatingin ako sa kanya at namamangha, dahil minsan lang siya ganito magseryoso, bigla siyang ngumiti at sinundot ako sa tagiliran.

“Nagiging walking wisdom ako, tara na nga!” Matapos niyang sabihin iyon, hinila na niya ako.

Nang nakarating kami sa canteen, nakita namin sila na nakapila palang. Dahil wala namang tao masyado sa likod nila sumunod na kami sa pila. Habang pumipili ng ulam si Zai at Nikki nakita kong nasa likod nila si Hannah, biglang kumalabog yung puso ko.

Damn, kailan ba to matatapos? Lagi-lagi nalang. Habang papalapit kami mas lalo lang akong kinakabahan, parang nahihirapan na nga si Dannielle sa paghila sa akin e.

“Ano ka ba Bebs?! Feeling mo hindi nakakangalay hilahin ka?” Naiinis na sabi sa akin ni Dannielle, nahihirapan na kasi siyang hilahin ako. Feeling ko kasi naka-glue na yung mga paa ko sa sahig at ayoko nang umalis sa kinatatayuan ko, lalo na’t alam kong magkakalapit na naman kaming dalawa.

Sa wakas nakapila narin kami, hilahila parin ako ni Bebs, pero nung makarating kami sa pila bigla niya akong tinulak at muntik ko pang mabunggo si Hannah, tumingin ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin, nag-peace sign naman siya pabalik.

“Teka lang bibili lang ako ng tubig, Orderan mo muna ako ng grilled pork, bayaran mo muna, babayaran ko rin sayo yan, papabarya lang ako.” Sabi niya sabay kindat sa akin, Tss. Habang sa peripheral vision ko nakita ko si Hannah na nakatingin sa amin, pagkaalis ni Bebs biglang siyang nagsalita.

 

“Ah, Gelo pwedeng paabot ng spoon and fork?” ngumiti siya, at sino ba naman ako para hindi siya sundin? Ngiti palang niya parang nahy-hypnotize na ako.

“Su-Sure.” Inabot ko yung lalagyan ng utensils at kumuha ng tig-isang pares ng kutsara’t tinidor, kahit hindi niya halata kinuha ko yung parehas kami ng design ng utensils. Inabot ko na sa kanya, nang kunin niya na nagdikit yung mga kamay namin, umiwas agad ako ng tingin dahil alam kong namumula na yung tenga ko.

Damn. Yun lang pero ang lakas ng epekto 

“Thanks!” Kahit parang wala lang sa kanya, kahit hindi niya napansin, okay lang atleast kaya kong lumapit sa kanya ng ganito.

I guess I’ll just settle with this set-up

---------------------

WB Oh no! 0.0

FlippedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon