Chapter 29: Drown

Start from the beginning
                                    

Pagbukas ko ng pinto ay natulos ako sa kinatatayuan ko. Ellie was there sitting in the sofa.

Naramdaman ko ang pagpasok ni Ram at gaya ko ay natulos din ito sa kinatatayuan.

"Anak, mabuti at nandyan ka na. Si Ellie hinahanap ka. " Ram's mom said.

"Hi, Ram. Naisip kong dumalaw, dahil hindi naman tayo nakapag-usap ng matagal nung party. Umuwi ka na kasi kaagad." She said in a soft tone of voice.

Nainis ako bigla. Bakit kailangan pa nyang dumalaw ha?! Nakakainis! Wala naman silang pag-uusapan.

I look at Ram and he also looks at me.

"Uh, magbibihis muna ako." Sabi ko at dumeretso sa kwarto.

Pagkapasok ko sa kwarto ay isinara ko iyon kaagad at saka mabilis na nagbihis.

"Sino sya?" Iyon ang unang salitang lumabas sa bibig ni Ellie. Hindi ko hilig ang makinig sa usapan pero hindi ko maiwasang hindi ma-curious sa pinag-uusapan nila.

Bahagya kong binuksan ang pinto, ang kwarto kasi ni Ram na ito ay nasa tabi lang ng sala kaya maririnig ang usapan sa sala kung bubuksan ang pinto.

"Si Ace." Sagot ni Ram.

Hindi ko maiwasang hindi masaktan, inantay ko kasi ang part na sasabihin nyang girlfriend nya ako pero wala syang sinabi.

"S-She enter your room." Ellie said and it makes my blood boiled in anger.

Bakit alam niyang ito ang kwarto ni Ram? I cover  my mouth on the things that I imagine, have they ever be here in his room and cuddle? Or they do more than that? Oh gosh!

"Bisita sya, jan sya natutulog. Bakit ka  pala andito?" Tanong ni Ram.

"I missed you." Tatlong salitang binitiwan ni Ellie

Isinara ko na ang pinto at naglakad ako papunta sa kama at doon isinubsob ang mukha.

Ellie still likes him. I feel bad for myself. Alam kong may gusto pa si Ellie kay Ram, at kinakabahan ako dahil alam kong may kaunting pagmamahal pa si Ram kay Ellie. They were a lover back then. First love nila ang isa't-isa!

---

Wala akong sa mood ng magising ako, nakatulog pala ako ng tanghaling iyon
At nagising lamang ng maramdaman ko ang pagtapik ni Ram saakin.

"Hmn. Anong oras na, baka wala ka ng itulog mamayang gabi nyan." He said and chuckled.

Umayos ako ng pagkakaupo at saka sinuklay ang aking buhok gamit ang aking daliri.

"Umalis na ba si Ellie?" Bungad ko.

"Kanina pa. " sagot naman nya. Tumango lang ako at nag-iwas ng tinggin.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong nya sakin. Umiling naman ako.

"Hindi ka naman nag lunch?meryenda lang ang kinain mo kanina sa park." He said.

"Okay lang naman ako." Sagot ko.

"Alright. Lalabas na ako, baka gusto mo pang magpahinga." He said and look at me.

Bago pa sya makatayo ay niyakap ko na sya sa kanyang beywang. I rest my head on his chest.

"Dito ka muna." I stated.

"O-okay." He answered.

I could hear his heartbeat, it was fast and I smiled as I realise that I also have a big impact to him. Tumingala ako at nginitian sya.

"Ang lakas ng tibok ng puso mo. " natatawa kong wika.

"Tsk. Tara na, doon tayo sa likod, doon sa duyan." Aniya

Her Greatest DownfallWhere stories live. Discover now