"Ha?"

"Give our father a chance, tumira ka muna sa bahay nina Mama at Papa. Sabihin natin na mas malapit iyon sa office ng Amore Gazette at kailangan mo munang sanayin ang sarili mo sa work."

"Pero-."

"Mas magiging happy si Mama kapag ginawa niya iyon." Her sister's convincing look is too much for her to handle. "One week or two weeks, subok lang Jada." Maybe her sister is right at maybe staying with her parents can be an excuse for her not to see Hanz. Baka nga kapag hindi niya nakikita ang huli ay bumaba ang lebel ng nararamdaman niya, it's a good theory and maybe she can put it into a test.

"I'll do that, I think you are right."

"Of course, I'm right." Pumalakpak ito. "At dahil pumayag ka at dahil alam mong pinaglilihian kita kaya papayag ka rin sa permanent make-over mo."

"Tey-teyka, anong make-over? Lilipat lang ako sa bahay nina Mama."

"You will be working at Amore Gazette, that's a fashion magazine little sister. At ayokong hindi ka magiging sobrang pretty kapag nandoon ka na. you need to be the queen of Amore Gazette." Tumabingi ang kanyang ngiti sa sinabi nito pero sabi nga ni Janine ay pinaglilihian siya nito kaya wala siyang choice. Ayaw niyang lumabas ang pamangkin niya na maging kasing weird ng tita nito.

"WALA ng tao diyan." Nagulat si Hanz sa sinabi ni Genesis. Ilang araw na siyang pabalik-balik sa bahay ni Jada at nagbabakasakaling makausap ito pero hindi niya ito naaabutan. Palaging walang tao samantalang kahit na naghyhybernate ito kapag nagsusulat ay mapapansin pa rin ng dumadaan na may tao. Ilang araw na rin niyang hindi nakikita si Leo.

"Saan siya nagpunta?"

"That I don't know." Mas lalo siyang nafrustrate sa ideyang umalis ito at walang may alam kahit na sino kung saan ito nagpunta. "Oh, I like that look. Huwag kang gagalaw." Kinuhanan siya ng kaibigan ng picture gamit ang cellphone nito.

"What are you doing?" iritadong tanong niya. He's been like this since that day! He's a mess and he can't blame anyone about it.

"I've never seen you look like this. Heartbroken, restless, frustrated and suicidal. Ipa-pa-frame ko ito and I'll gift this to you in your wedding day." Mas lalong nainis siya sa mundo dahil sa sinabi ni Genesis. Kung hindi siguro niya ito kaibigan malamang ay nakaisa na ito sa kanya. "Just kidding, Hanz." Inakbayan siya nito. "Kung hindi ka kasi gago at saksakan ng torpe eh di sana hindi ka na nagmomoment dito."

"Nagsalita ang hindi?"

"Matagal mo ng gusto si Jada, college palang tayo ay halatang may pagtingin ka na sa kanya. Kung hindi mo nalaman mula sa akin na magkapitbahay kami ay matagal ka ng nakalipad sa states, sinayang mo ang isang magandang offer para lang maging kapitbahay mo siya. At nang makita mo naman siya ay kung hindi mo siya iniinis ay lantaran mong pinapakita sa kanya na kabi-kabila ang side chicks mo. Dude, walang babaeng matino na hindi ka tatakbuhan sa pinaggagawa mo."

"I know I'm such a-."

"Jejemon." Ngumisi ito sa kanya. "Nangyari na ang nangyari, kung ayaw mong matawag na jerk ay gawin mo na ang dapat mong gawin at huwag mo nang sayangin ang oras mo at lalo naman ang oras niya. Sapat na ang pamemeste mo sa buhay niya at ang pagkidnap mo kay Leo paminsan-minsan."

Napatingin siya sa bahay ni Jada, tama si Genesis kailangan na niyang kumilos. Masyado na talaga niyang sinasayang ang oras niya.

"Kapag ako naman ang nasa lagay mo ngayon Hanz, pakisampal din sa akin ang sinabi ko sa iyo. I think I need that in few more months."

Black Magic: Write (COMPLETED)Where stories live. Discover now