Blaire is only 25. She's still young. Hello? Kahit nga siya hindi pa kasal sa pinsan ni Blaire na si Martin. Isa pa, Exequiel's only turning 30. Bata pa iyon in male's age 'no.

            Statistically speaking, according to Rebecca Lake's article (2019), for Americans, only 29% of Americans age 18-34 were married in 2018, compared to 59% in 1978. The number of people choosing to live together without being married is also increasing. In 2018, 15% of adults age 25-34 lived with an unmarried partner, up from 12% in 2008. In other words, men and women aren't necessarily in a rush to put a ring on it.

            Pa'no naman sa Pilipinas?

            According to the most recent report published by the Philippines Statistics Authority (PSA) in 2017, the median age for grooms is 29 years old and for brides is 27 years old. Median lang 'yan.

            PSA also added that the number of couples walking down the aisle has dwindled and there was a 3.6% decrease in marriages between 2014 and 2015. More "alarmingly", the number of registered marriages has gone down by 20.1% in the span of a decade.

            There is a decrease in weddings and a rise in annulment cases sa Pilipinas!

            Kaya hindi talaga maintindihan ni Jessica kung anong pumasok sa utak ng mga nagpupumilit kay Exequiel na magpakasal na. Ang sarap lang isigaw ng "Ok Boomers!"

            "Also, why isn't he doing anything to get her back? Blaire loves him so much," dinig ni Jessica na sabi ni Misty sa kanya. Napalingon siya sa sekretarya ni Exequiel dahil mas nainis siya sa narinig.

            "Bakit nga ba walang ginagawa 'yang ugok na 'yan?" asar na tanong ni Jessica.

            "Hindi ko rin alam eh. Maski ako naiinis sa kanya. Ang tali-talino nga 'tas ang galing-galing sa negosyo, 'pag dating naman kay Blaire natitimang," asar na sagot ni Misty.

            "Asar na asar sa boss?" natatawang tanong ni Jessica kay Misty.

            "Eh kasi naman, it's obvious that he wants her back so badly. Obvious din naman na mahal na mahal ni Blaire si Boss. Ba't hindi sundan ni Boss sa Moscow 'di ba? Huge romantic gesture gano'n," sagot ni Misty.

            "Hay naku, intindihin na lang siguro natin. Maybe he's scared of what might happen. Gano'n din naman kasi ang mga lalaki minsan kaya minsan dapat talaga babae ang gumagalaw," biglang dinig nila Jessica at Misty na sabi ni Reneth na bigla na lang sumulpot.

            "What are you doing here?" gulat na tanong ni Jessica.

            "Gusto ko lang i-check si Exequiel. I'm sure Blaire would want to know how he is," simpleng sagot ni Reneth.

            "Tell her that Exequiel's fine and handling things well," bigla namang sabi ni Oliver, ang matalik na kaibigan ni Exequiel, na bigla ring sumulpot mula sa kung saan. Napakalamig ng aura nito.

            "What do you mean?" nakakunot ang noong tanong ni Reneth kay Oliver. "Look, Mister, hindi kita kilala pero I just want you to know that hindi ako magsisinungaling sa kaibigan ko. Exequiel, obviously, is not fine."

            "Oliver Lazaga, one of Exequiel's good friends," walang emosyong pakilala ni Oliver kay Reneth.

            "One of Exequiel's cold and evil friends," dagdag ni Jessica.

            "Jessica," wala pa ring emosyong bati ni Oliver kay Jessica.

            "Pare-pareho kayong mga demonyong nasa lupa," sagot ni Jessica kay Oliver.

The Waiting GameWhere stories live. Discover now