Simula

3 0 0
                                    

Dahan dahan kung pinipikit ang mga mata ko habang dinadama ang hangin na humahaplos sa mga balat ko. Ramdam ko ang lamig sa bawat haplos ng hangin sa balat ko.

Dahan dahan kong idinilat ang mata ko at pinagmasdan ang paligid na madalas nating puntahan. Madilim ang kapaligiran na mas lalong nagpaganda sa bawat paligid, kumikinang ang mga ilaw sa bawat building. Naalala ko yung last na punta natin dito dapat pala sinulit ko na yung araw na yun kung alam ko lang na hindi na mauulet.

Pinikit ko ulet ang mga mata ko at dinama ang malamig na hangin na humaplos ulet sa mga balat ko, kasabay din nun na pag alala ko sa muka mo. Mga singkit mong mga mata, mga labi mong mapula, ilong mong hindi ganun ka tangos muka mong hindi makinis, muka mong inaayawan mo kase hindi clearskin na maraming pimples, mga pimple marks na yun yung dahilan ng pagkagusto ko sayo. yung buhok mong bagsak na napakahaba.

Inalala ko din yung nagkita tayo sa lagi nating pinupuntahan, habang naglalakad ka papalapit saakin pinagmamasdan kita nakasuot kanun na tshirt na blue at medyo maikling short na kulay brown, kumikinang din ang buhok mong napakahaba sa sobrang bagsak ng buhok mo nagmumuka kang babae.

Inalala ko din yung paglapit mo saakin naamoy ko yung sabon pampaligo mo hahahahaha halatang halata na naligo ka bago ka makipagkita saakin, samantala ako nun maaga ako naligo kaya alam ko sasarili ko naamoy pawis ako nun kaya nahiya akong lumapit.

Inalala kodin yung mga panahong lagi tayong nagchachat, kung paano tayo magkwentohan pagnagkikita tayo lagi, inalala ko din sa simpling pag akbay mo saakin inalala ko lahat.

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, bumuhos ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang mga building na unting unting nanlalabo dahil sa mga luha na lumalandas sa mga mata ko.

buti na lang madilim dito sa bandang pwesto ko kaya walang masyadong makakakita saakin na gantong sitwasyon, palagay naman ako kaya hinayaan ko yung mga luha ko na bumagsak sa mga mata ko.

Hindi parin pala ako sanay nawala ka, hindi ko parin napipigilan sarili ko na hindi pumunta dito, hindi ko parin napipigilan yung sarili kong hindi umiyak at alalahanin ka, pagod na ko sa pagiging ganto, sobrang kinakaya ko na lang kahit hindi ko na kaya.

New life Without YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon