Chapter 2 : Part 1

Start from the beginning
                                    

Nang bahagyang lumapit ang mukha ni Mark ay bigla napapikit si Eselle. Ewan niya rin sa sarili at kung bakit siya napapikit. At hindi rin nakatulong ang bilis ng pintig ng puso niya na animo'y isang kabayo na nakikipagkarera para itulak ito palayo. Siguro ay dahil na rin bago ang pakiramdam niyon sa kanya na hindi naman masama kung tutuusin.

Sapagkat ganoon na lamang ang kanyang pagkadismaya nang noo lang ang naglapat sa kanila at hindi ang mga labi.

Aba't nadismaya ka pa talaga, Eselle, ha?

"Why did you closed your eyes? I'm not going to kiss you."

Ngalingngaling batukan niya ang sarili. "Ahhh... Hindi ba? Este oo naman hindi. Hindi mo talaga ako hahalikan at pektus ang aabutin mo sa 'kin. At saka bakit mo naman ako hahalikan, 'di ba? Napuwing lang ako. Pisteng hangin 'yan pinuwing ako! Ihipan mo nga mata ko, Marky, ihipan—"

"I'm not going to kiss you, Ellie, because that's what you make me promise back in this very place..." matamang pag-uulit nito. "Kasi nga 'di ba peksman walang talo-talo tayo?"

"Oo, peksman puwedeng bang bawiin—este oo naman, walang talo talo tayo," mabilis na pagbawi niya at pilit itong tinawanan. "Oo! Walang talo-talo pa rin t-tayo!"

"Yeah, right." agap na sang-ayon nito, naningkit ang mga mata.

Damn, now she was stuttering in front of her best friend which of course, the most absurd thing that needs to stop. Ano na ba itong pinaggagawa niya? Mukhang hindi lang pala siya nabighani sa kaguwapuhan nito kundi pati na rin sa thick american accent ng kaibigan.

But then how can she stop fantasizing things though? He was so damn desirable now. Gayunman sa kabila nang pagkahumaling ay may punto naman ito. Tama ang pinaalala ng kaibigan, dapat walang talo-talo pa rin silang dalawa upang mapanatili ang pagkakaibigan.

"Yeah, mabuti naalala mo." aniya sa mapaklang boses.

"How could I not?" Bahagyang kalungkutan ang tumulay sa mukha ni Mark pero kalaunan ay ngumiti na naman. "Anyways, we're late, Ellie. We need to move."

Magkahawak kamay silang pumasok ni Mark sa function hall. Lahat ng tao ay nagtinginan sa gawi ni Mark na para bang nakakita ang mga ito ng napakaguwapong artista. Namilog na para bang hindi nito kilala ang kaibigan.

She felt proud yet a little... jealous. Hindi gaya ng dati, balewala lang ito sa eskuwelahan at siya lamang ang nakakagawa nito noon. Iilan lang ang nagbibigay dito ng atensyon at kadalasan ay siya lamang. Ngunit sa anyo nito ngayon ay mukhang aani ito ng atensyon ng mas mahigit pa sa inaakala niya.

Binalewala na lamang ni Eselle ang biglang bulung-bulungan sa bulwagan. Datapwat ang tanging nakapagtuliro lamang sa kanya ay nang nagmamalaking ipinagsiklop ni Mark ang kanilang kamay dahilan rin ng pagpukaw ng kakaibang pangangailanagn ng kanyang katawan.

Naguguluhang nag-angat siya ng tingin at matamis na ngiti lamang ang itinugon ni Mark. Hindi rin lumampas ang nakakalokong mga tinginan ng kanyang mga kaibigan nang makaupo sila ni Mark sa lamesa kasama ng mga ito.

Nakangiting binungo ni Nadia ang braso niya, nakangisi. Mabilis naman na binawi niya ang kamay kay Mark at tiningnan ng masama ang mga kaibigan senyas bilang pagsita sa mga ito.

"Nadia, Olivia, Mari, please stop that look." sita niya na nagbabantang nakangiti, hindi bumubukas ang bibig. "It's not what you think it is."

"Yeah, guys. It's not what you think it is." pag-uulit ni Mark pero may diin.

Hindi niya alam kung magagalit ba siya o matutuwa sa reaksyon ng mga kaibigan nang sabay-sabay itong tumili ng pagkalakas na naging dahilan upang mapatingin ang iba sa kanilang mesa.

Napailing-iling na lamang si Eselle at napahilot sa sentido. Her friends are being insensitive out of nowhere and Mark having fun of teasing her made her face flush in auburn. Kulang na lamang ay tumiklop na siya na parang makahiya sa kinauupuan sa sobrang hiya.

Nang magpaalam ng saglit si Mark nang pinuntahan nito ang ibang kaibigan ay napatango na siya at wala ng sinabi pa.

Pinaghahampas naman siya ni Nadia na katabi nang mawala na si Mark sa upuan. "Best friend, ah? Best friend lang ba talaga?"

"Oo, naman. At saka doon na lang talaga 'yon, Nadie. Besides, tignan n'yo naman. Mark came from States. Sa guwapo na ng isang iyon, siguradong may girlfriend na 'yan na spokening dollar born with golden spoon."

"Well, uso naman ang magtanong, hindi ba?" sarkastikong mungkahi ni Olivia.

"Wala na akong karapatan para umisisa pa sa love life ni Mark. After all, mag best friends lang kami, Via."

"Best friend lang pero ang lagkit niyong tumingin sa isa't isa? Tingnan mo, kahit nasa ibang table na nga, na sa 'yo pa rin ang atensyon ni Mark," nang-aasar na puna ni Marielle, ngumuso sa isang direksyon. "'Yon, oh, tingnan mo. Ang lagkit makatingin sa 'yo!"

Napalingon siya sa hudyat ni Marielle. Para siyang natunaw na yelo sa mainit na titig na natanggap kay Mark. Isang katiting na parte ng isip niya ang sumang-ayon sa sinabi ni Marielle pero pinigilan niya pa rin ang sariling mag-akala.

Nag-iwas siya ng tingin nang mag-init at mamula ang mukha. Gulat niyang nasapo ang magkabilang pisngi nang mahismasmasan.

No! Best friend mo si Marky, Eselle. Best friend mo lang, mariing paalala niya sa sarili. At kailangang hanggang doon na lamang iyon... Kilala niya ang kaibigan, hinding-hindi iyon titingin sa kanya nang gaya ng iniisip.

"Gege. Best friend pa nga." nang-aasar na sambit ni Marielle.

Pagkatapos nang opening ceremony ay naganap naman ang lunch sa hall. Masasarap ang mga ulam nilang grilled seafoods na ambag ng Restaurateur na schoolmate nila sa ibang section. Doon na magtatapos ang opening ng reunion at tuloy na naman ang opening parade bukas ng umaga.

Nagpaalam si Marielle nang sinundo ito ng ama. Si Olivia naman ay sumunod na nagpaalam nang dumating ang asawa. Napag-iwanan na rin siya ni Nadia nang sumama ito sa tiyahan nitong kakauwi lang din sa Batangas galing sa ibang bansa.

Napaismid si Eselle nang maiwan na naman siyang mag-isa. Sanay na siyang ganoon kaya hindi na siya nag reklamo pa. Hindi gaya ng mga kaibigan, hindi siya galing sa may kayang pamilya. Sa kanilang apat ay siya itong todo kayod na magtrabaho. Kulang na lamang ay isubsob niya na ang mukha sa screen para lamang maka-ipon ng pera. Since lahat rin naman ng relatives niya sa Batangas ay lumipat na sa Maynila, wala na siyang ibang pagpipilian kundi matulog sa makaluma nilang bahay-na ngayo'y marahil na inaamag na sa kalumaan kaysa naman umupa pa siya ng pagkamahal para sa isang linggo.

At sa kadahilanang walking distance lang ang bahay ay nagsimula na siyang maglakad habang bitbit ang itim na backpack. Napako lamang siya sa kinatatayuan nang may pumaradang misteryosong Ducati sa kanyang harapan na matinding nagpakaba sa kanya.

Fudge... Am I being abducted?

Charmed (Reunion Series #1) - ON REVISIONWhere stories live. Discover now