Insecurities

5 0 0
                                    

"Insecurities"
Kagagahang kwento ni Raize P.
111819

Today I haven't get enough sleep, hindi ako nakatulog nang maayos!

Napadpad ako sa mga myday ng mga friends ko sa facebook and yet I saw my classmates in one picture. Lol, syempre mag totropa sila.

Last year hindi naman sa outcast ang mga tropa ko pero kami 'yong pinakasolid sa section na 'yon dahil walang sapawan, tamang hilahan lang pataas at walang naiiwan sa baba kasi lahat kami pantay-pantay dapat.

Marami rin akong mga kaklase na nag birthday pero 'yong kanila? Sobrang grande at napaka elegante ng celebration nila.

May mga oras na naiinggit ako, s'yempre sino ba naman ang ayaw ng ganoong klase ng celebration 'di ba?

Tipong may napakaraming bisita, at literal na marami ring handa. Hindi na kasi ako nakaranas ulit ng ganoong celebration simula nang umalis ang tatay ko kaya sa labas na lang kami kumakain sa tuwing may nag bi-birthday sa pamilya namin.

Inimbitahan nila ako pero hindi ako dumalo since hindi ko naman sila ganoong ka-close at sila 'yong tipo ng kaibigan na lalapit lang sa'yo kapag may kailangan. Ayaw kong may naisusumbat sa akin at the same time 'yong pinaplastik ako.

I'm not a typical student na kahit nag-aaral sa isang pribado at kilalang school sa Pilipinas ay masasabi mo'ng mayaman.

I'm not rich like them at hindi ko kailangang makipagsabayan sa kung ano mang lebel ang meron sila.

I am Azallea, isang typical na estudyante na nag hahangad nang magandang buhay at nangangarap nang mataas sa buhay, para maka-ahon sa hirap at masuklian ang mga paghihirap ng aking mga magulang.

"Az! Baby namin!" sigaw ni Gia ang pinakamaingay kong kaibigan.

Niyakap niya ko nang mahigpit kaya't hindi ko na napigilan ang pag buhos ng luhang kanina pa nagbabadyang lumabas.

"Pabilis na ng pabilis ang araw ngayon, Gia. Malapit na naman ang birthday ko and I don't wanted it to be worst again tulad noong last 16th birthday ko. You know how worst it goes," madrama kong pahayag sa kaniya at hindi pa rin bumibitiw sa pagkakayakap sa kaniya.

"Its alright, bessy. Hindi ka nga pumunta sa 18th birthday ko eh, bwisit ka!" sabi nito sabay harap sakin na animo'y nag tatampo talaga.

"Gia, sorry na. Gabi na kasi 'yon saka biglaan at hindi akma sa date!" pag rereklamo ko.

Lumipas ang mga araw ay hindi pa rin mawala sa isipan ko at imagination ko kung pa'no ako mag birthday next year.

I hope it will be the best birthday ever, since it's my 18th birthday!

'Yong excitement ko at malaking expectation ko ay hindi pa rin mawala.

I know na lahat ng imagination ay may limit o dapat nililimitahan lang and I don't care since this shit imagination makes me happy for a mean time.

Until the time na pumasok na ako sa loob ng bahay...I'm in deep sorrow.

My parents don't even bother to talk about my birthday kasi naman next year pa at wala naman silang pakielam.

I'm just expecting that my father will only give me a money for some shits but money can't buy my happiness.

"Daddy, sa birthday ko I'll buy a new phone na may malaking memory space. Pag iipunan ko rin naman po 'yon, padagdagan nalang po," I said politely pero sumingit si mother.

"Bibili ka ng new phone even though you still have your cellphone?" sabat nito at nagtaas ng kilay sa akin.

Ugh! My mother always contradict my decision, e hindi naman siya ang gagastos pero kung umasta akala mo naman siya ang bibili talaga ng phone.

Pinag hihirapan ko naman lahat ng nakukuha kong pera. Akala kasi nila palagi, easy money lang ako pero I will never do that thing.

Kaya ko mag effort sa lahat ng bagay! I can do everything so that I could survive my pity life.

"Hayaan mo na ang mama mo," mahinang tugon ni daddy kaya hindi na ko nagsalita pang muli.

Hindi nila ako mapipigilan since mahalaga rin sa akin ang cellphone at 'yon ang gusto kong bilhin gamit ang pera na pinaghirapan kong ipunin.

Yes! Lahat ng pera na meron ako ay pinaghihirapan ko at para na akong isang kahig, isang tuka dahil gusto ko na maging maayos ang buhay ko. Na sa simpleng paghihirap ko ay nakakapag ipon ako, pero may times pa rin talaga na masasaktan ka sa mga salitang naririnig mo sa iba.

At lalong sa kapamilya mo pa.

Lagi nilang sinasabi sa akin na, "Si Az, laging may pera yan kasi laging binibigyan!" at ang masaklap sa mismong bibig ng kapatid ko pa na naging dahilan kung bakit mainit ang ulo ko.

"Akala mo kasi easy money ako, why don't you try to make a move and do some effort for you to earn money? Hindi kasi ako tulad mo na laging nagpapabili ng mamahaling libro, dahil alam ko na walang pera si daddy pero ikaw ano ang ginagawa mo? Hindi pa pinipilit mo pa rin tapos magagalit at magtatampo kasi hindi ka na bilihan? Kung makapag salita ka, akala mo naman talagang may naitutulong kang pabida ka!"
buwelta ko. I really don't know what came into my mind at kung bakit ko na sabi ang lahat ng 'yon with tears flowing through my face.

She remain silent at binaling nalang ang sarili niya sa pag babasa ng librong binili niya.

It wasn't a wattpad book pero subject book siya na kahit hindi naman talaga kailangan bilihin ay pinagpipilitan niya pa rin.

Basic calculus book nga na talagang kailangan ko, hindi ko na  binili kasi useless since isang semester lang naman ang paggagamitan.

Ayaw na ayaw ko sa lahat ay may nasasayang sa gamit ko because i'm not that typical student na kailangan ng libro or effort to study.

I don't even study hard kasi failure can lead you to success at hindi dapat puro achieve lang ng achieve, dapat may goal ka pa rin sa buhay mo at iyon dapat ang biggest achievement na makukuha mo.

"Az, you almost failed."

Kwento ni Raize P.Where stories live. Discover now