Almost

11 1 0
                                    

"Almost"
Katangahang kwento ni Raize P.
071219

"Anong oras ba talaga ang pasok mo?" tanong ng aking ina habang ako'y naliligo.

Anong oras na nga ba? Nagtataka ako sa sarili ko kung bakit ang tamad-tamad kong pumasok sa klase. Naka ilang beses na rin akong 'di nakapasok sa Physics subject ko dahil sa katamaran na ito.

Nalilito ako at hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit ang tamad ko tapos wala naman akong mahanap na dahilan.

Nang matapos akong maligo ay nagpunas na rin ako ng aking katawan at isinuot na ang aking uniporme.

Napansin kong ubos na ang vitamins na dapat ay iinumin ko kaya sinabi ko na agad kay mama.

"Ma, ubos na vitamins ko." sabi ko pagkababa at pagkababa ko galing sa aking kwarto.

"Sa susunod na 'yan," sagot niya at tinignan ako.

"Ano ba ang totoong oras nang pagpasok mo? Lagi ka nalang yatang late ah? Sinasabi ko sayong bata ka, 'wag na 'wag mo akong lalapitan kapag na suspend ka! Ibinibigay ko naman ang lahat sa 'yo, bakit ganiyan ka? Ano pa bang kulang ha?" panimula niyang sermon.

"Ma, sorry. Masakit lang po talaga ang ulo ko at masyadong magulo ang aming schedule," pag sagot ko sa kaniyang tanong at tila 'di siya naniniwala kaya madilim niya akong tinitigan.

"Aalis na po ako," sabi ko nang maisuot ko na ang aking sapatos.

"Tita, wala akong puting medyas!" reklamo ko kaya't kinuha ko ang pink kong medyas sa aking maliit na drawer.

"Aalis na talaga ako! Ciaó!" sabi ko sabay kuha ng aking bag at ang salamin kong nakakaganda at nagpapabagay sa aking awra.

Sobrang init! Tiningnan ko ang aking relo at napansin kong mag a-ala una na kaya ako'y dali-daling naglakad papuntang sakayan pero napakatumal naman nang sakayan at ang haba ng pila papuntang Cubao.

Ang init at napaka alikabok. Buti nalang at may nakita akong jeep papuntang Cubao na agad ko namang pinara, pero sa kasamaang palad ay hindi ako nakasakay dahil hindi pala iyon nagpapasakay.

Shit! Pinaasa lang ako noon sa wala at nasayang lang ang aking effort na maglakad sa malayo para makalapit sa bwisit na jeep na iyon.

"Shit, I'm so fuckin late." Iritable kong sabi kasabay nang malakas na hangin na puno ng alikabok.

Tumama ito sa aking mata at ilang minuto pa nang paghihintay ay may jeep nang tumigil sa aking tapat hudyat na makakasakay na ako ngunit ang bakanteng pwesto na lamang ay ang upuan malapit sa driver.

Nang makaupo ako ay agad kong isinara ang pintuan at sumandal sa bintana nito kasabay no'n ang pag bayad ko sa driver.

Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng trapiko hanggang sa may nag bukas ng pintuan ng jeep at muntikan na akong mahulog.

"Ay!" sigaw ko at sabay kaming tumawa.

Medyo iritable ako dahil nakakahiyang sumandal pa ako sa iba. Fudge! Sa ganitong oras pa ba talaga umaatake ang katangahan ko?

"Sorry po, miss," malumanay niyang sabi at nag bigay ng isang nakakatunaw na ngiti.

Agad ko namang ikinuwento iyon sa aking kaibigan sa messenger.

"Gago! D'yan ka sumandal hindi kung saan saan hahaha." sabi nito sa chat.

Napakasupportive talaga nitong gago kong kaibigan. Napakalakas nang tama.

Nagulat nalang ako nang bigla kong maramdaman ang palad ng driver na sumandal sa aking hita pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin dahil baka nga malapit lang ako sa clutch ng jeep.

Patuloy lang akong nakikipag chat sa kaibigan ko at walang tigil akong nag ku-kwento kung ano ang nangyayari sa akin sa loob ng jeep.

Nagulat akong muli at medyo natataranta na dahil naulit nang naulit ang pangyayari.

Ilang beses ko nang nararamdaman ang palad ng driver sa aking hita at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon, baka nadadanggi lang naman dahil nga malapit ako sa clutch.

Bumaba na ng jeep ang katabi kong pogi. Napansin ko na medyo iritable ang driver at parang galit nang dumistansya ako sa kaniya para isara ang pintuan ng jeep.

Nagsisimula na ang pag-iisip ko nang masama at nabubuo na ang takot sa aking diwa. Nanginginig na ang aking kalamnan at nalilito na ako kung ako ang dapat kong gawin.

Halos mawalan na ako ng dugo sa aking mukha nang mapansin kong unti-unti na namang lumalapit sa akin ang matabang palad ng driver na kunwari'y naglalagay ng basahan sa aking tabi. Kaunting galaw na lang ng driver ay mararating na ulit nito ang aking hita kaya't pasalamat ako nang biglang tumigil ang jeep dahil may sasakay.

Tarantang-taranta ako habang nagsasabi sa aking kaibigan. Sobrang pag da-drama ang sinasabi ko sa kaniya at gulong-gulo ang aking isipan kung ano ang dapat kong maramdaman.

Thank, God! May kaibigan akong napapagsabihan at nagpapakalma sa akin tuwing natataranta ako.

"Hanapin mo yung plate number, huwag ka na kasing makulit at umiinit ang ulo ko!" sabi ng kaibigan ko sa chat at dahil doon ay inilibot ko ang mata ko pero wala talaga akong makita. Mukhang naka tago lahat at kahit isa ay talagang wala akong nakita.

Hintay ako ng hintay na bumilis ang oras para makababa na ako. Takot na takot na ako sa nangyayari sa loob ng jeep na ito!

Patagal nang patagal ay sobrang nakakatakot na ang tingin ng driver kaya't nang makalampas na ang jeep sa stop light ay agad akong pumara at bumaba.

Bumaba akong pawisan, tuliro, takot at wala akong ibang ginawa kun'di ang manahimik.

Walang kahit anong salita ang lumalabas sa mga bibig ko dahil tumatak talaga sa akin ang nangyari.

Hindi ko man nakuhanan ng litrato ang kaniyang mukha ngunit tandang-tanda ko ito at tila hindi ko na malilimutan. Maliit lamang siya, medyo mataba at may katandaan na dahil kitang-kita na ang kulubot nito sa mukha.

'UWN 254' ang kaniyang plate number na napansin ko pagkababa. May makulay na disenyong jeepney at hindi ko man lang nakuha ang pangalan ng driver at ibang detalye pa ng jeep na ito.

"Almost," bulong ko pagkababa ko.

Sana'y magsilbing aral ito at huwag basta-bastang tumatabi sa kung kani-kanino. Huwag tumulad sakin na hindi man lang nag ingay at hindi pinapansin ang pangyayari dahil sa takot at pagkabigla na lumamon sa aking katauhan.

Kwento ni Raize P.Where stories live. Discover now