Bulong ni Klasmeyt

25 3 0
                                    

"Bulong ni Klasmeyt"
Kalokohang kuwento ni Raize P.
071119

Nagulat ako nang biglang hilain ni Knife ang aking braso at sinabing, "Halika dito! Dali, may ibubulong ako sa'yo." Pinagtaasan ko siya ng kilay saka niya ako tinitigan.

Hindi na rin naman ako nagpakipot pa kaya lumapit na rin ako sa kaniya. Bahagyang tumaas ang mga balahibo ko nang inilapit niya ang kaniyang mukha sa tenga ko. Lumayo ako ng kaunti pero itong si Knife, hinila ulit ako papalapit sa kaniya.

"Gago, dali na!" sigaw niya na naging dahil nang pagka nainis ko.

Napansin agad iyon ni Knife kaya tinignan niya ko ng masama at hinila ako kaya wala na akong nagawa kun'di hayaan siya sa gagawin niya sa akin. Wala naman akong pakielam kung ano'ng ibubulong niya ang mahalaga ay matapos na agad dahil naiirita talaga ako sa mukha niya.

"May pag-asa ba ako sa'yo o wala?" bulong niya.

Bahagyang nanlaki ang mata ko pero 'di rin nagtagal ay nakabawi rin kaya ipinukol ko sa kaniya ang aking masamang titig sabay ang pagtaas ng aking kilay.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi naman first time itong may nagtapat sa akin ng ganito pero kay Knife? Sobrang gulat at may halong kaba talaga ang nararamdaman ko.

Nalilito ako! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at the same time kinikilig talaga ako. Hindi ako makapag isip nang tama!

"Ano nga?" Halata na sa boses niya ang pagiging iritable at umastang aalis na kaya hindi ko na napigilang sumagot.

"O," hindi ko alam ang sasabihin ko kaya iyon lang tanging naisagot ko sakaniya. Tumango-tango siya na ikinagulat ko naman.

"Bakit gano'n?" tanong ko sa aking isip.

Tila iba ang aking nararamdaman.
Napakagwapo niyang tingnan sa aking mga mata.

Ang magandang hubog ng kaniyang mukha at ang mapang husgang mga mata niya ay muling tumitig saakin.

"Ano, oo?" tanong niya at ngumisi nq parang aso.

Bigla akong nanlamig.. Panginoon ko siya na nga ba? Magkaka-boyfriend na ba ako?

May itsura siya at kita sa kaniyang pagmumukha ang pagiging maangas. Pero alam kong hindi iyon sapat para mahulog ako sa mga patibong niya! Dahil alam kong hindi lang ako ang babaeng nakakaramdam ng ganito sa tuwing lalapit siya at masisilayan ang minsang pag ngiti niya.

Kilalang suplado si Knife, medyo badboy look pero matalino siya at talagang maipagmamalaki.

Halos lahat ng mga kakakilala kong babae ay nahuhulog sa kaniya pero alam kong mali kapag naging isa pa ako sa kanila.

"Baliw, o as in or!" sabi ko at tinalikuran siya.

Hindi naman ako marupok gaya ng iba para pagtuunan siya nang pansin. Ayaw kong masaktan dahil gusto ko pag nagkagusto ako sa isang tao, akin lang at walang kaagaw para hindi siya mag loko.

Aaminin ko na talagang nakaka-attract talaga si Knife. Masyadong nakakatunaw ng puso ang kaniyang boses at ang kaniyang magandang ngiti na nagiging dahilan din kung bakit napakaraming babae ang nahuhumaling sa kaniya.

Tumatak ang bulong na iyon sa aking tenga. Dahil sa bulong na iyon, hindi na ako nakakapag-isip ng maayos.

"May pag-asa ba talaga sa'yo iyong si Knife?" tanong ni Clark na kaibigan ni Knife. Puro iling at pag tawa lang ang isinagot ko kaya't nahatak nito ang atensyon ng aking napakaingay na kaibigan.

Patay! Umpisa na naman ang kaingayan. Buti nalang at hindi kami napapansin ng aming guro kaya kami ay patuloy pa rin na kakapag ingay.

"Ayieeut!" pang-aasar ng mga ito at kinurot ang aking tagiliran.

"Aray!" reklamo ko pero wala parin siyang tigil sa pangungutya sa akin na medyo ikina-kainis ko.

"Eh ako, may pag-asa ba ako sa'yo?" sigaw ni Teddy na kalbong kaibigan ni Knife kaya't natawa ang aking mga kaibigan.

Ang lakas talaga nang tama ng mga kaibigan kong 'to. Imbis na tulungan ako at ipagtanggol sa mga bully na kaibigan ni Knife, aba at nakikisali pa.

"Nakakatakot ka kaya!" sabi ni Geia at tumawa namg malakas saka hinampas nang bahagya si Teddy.

"Mga baliw talaga kayo!" sabi ko na animo'y nagtatampo. Ipinahalata ko na sa boses ko na medyo naiinis na ako at nagtatampo para tumigil na sila sa pang-aasar sa akin.

Hindi mo talaga maipagkakaila kung gaano kasaya ang aking mga kaibigan lalo na at asaran ang napapag-usapan.

Itong bulong na ito ay magsisilbing blangko sa aking isipan at tila hindi na ito maaalis sa akin dahil patuloy ko pa rin itong naririnig hanggang ngayon.

"May pag-asa ba ako sa'yo o wala?"

Napatanong din ako sa aking sarili.

"May pag-asa nga ba o wala?"

Kwento ni Raize P.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon