Prologue

17 0 0
                                    

Maingay, magulo, naghahabulan at kung ano ano pang ginagawa ng mga estodyante sumasalubong sa akin. Nasa kalagitnaan na ng 2nd quarter ng maisipan kung lumipat ng eskwelahan.

Wala lang. Gusto ko lang lumipat sa isang dahilan na hindi ko muna sasabihin. Matinding pilitan at pakiusapan ito sa aking mga magulang na tutol na tutol sa gusto kung ito. Pero dahil mahal nila ako. Pinagbigyan nila ako.

Hindi naman ako spoiled tulad ng iniisip nyo. Sa 17 years ng buhay ko ay ito lang ang pinakamalaking hiningi o pinakiusap ko sa kanila. Kaya din seguro pinagbigyan nila ako.

"Magsipasok na kayo sa class rooms ninyo! Oras na ng klase! "

Singhal ng gurong kasabay ko. Sya ata ang magiging adviser ko sa taong ito. Siya kasi ang sumundo sa akin sa principals office. Kinausap muna kasi ako nito bago pinasama kay Ms. Torres. Maamo ang mukha nya at mukhang mabait pero parang kabaliktaran pag binubuka na nya ang bunganga nya.

"Masasanay ka din pag tumagal ka sa skwelahang ito. Lahat ng uri ng estudyante andito na. Mga matitigas ang ulo, lokoloko, maldita, mababait, feelingera.. Name it. Makikita mo dito.. "

Lintanya ni Ms. Torres habang papaakyat na kami sa 3rd floor. Hanggang 4th floor ang building na ito. Walang elevator kaya hagdan talaga ang gagamitin mo pag akyat. Masasanay din ako dito balang araw.

"Ayus lang ma'am, mukha ngang masaya ang paligid eh.. "

"Nasasabi mo lang yan dahil unang araw mo lang dito.. Let's see pag dating ng mga ilang araw.. "

Ngiting pilit na sagut ni Ms. Torres at pinahinto muna ako sa labas ng magiging classroom ko at sya ang nauna.

Hundi naman kasi ako takot sa magyayari sa akin sa mga darating na araw sa skwelahang ito eh. Alam kung maeenjoy ko ang pag lipat ko sa skwelahan na ito. Magkakaroon ako ng mga kaibigan at magagawa ko ang gusto ko. Positive lang dapat para walang problema.

"Magsibalik na kayo sa mga upoan nyo. At bago tayo mag simula may ipapakilala ako sa inyung bago nyong kaklase.. "

Rinig kung anunsyo ni Ms. Torres sa magiging mga kaklase ko bago sila mag sigawan. Pinukpok ni Ms. Torres ang mesa at nag sitahimik naman sila. Tinawag na ako ni Ms. Torres at agad naman akung pumasok ng naka ngiti.

"Magpakilala ka sa mga bago mong mga kaklse.. "

Tumango ako kay ma'am at humarap sa mga kaklase ko, ngumiti at nag salita.

"Hello, my name is Jewel Grace Tuazon.17 years old. I hope we can all be friends. "

Maikling pakilala ko habang na pukol ang tingin sa nag iisang lalaking nakakuha ng atensyon ko.

At dito mag sisimula ang aming kwento.

a Perfect moment w/ YouWhere stories live. Discover now