Fifth

1 0 0
                                    

"Let's go!?"

Napatingin ako bigla kay Mark ng sinabi niya iyon. Katatapos lang ng mornig class namin at kasalukoyang nag liligpit ako ng gamit ko.

"Saan?"

"Diba sabi ko kahapon na gagala tayo after class?Wala tayong pasok mamaya diba?"

Paalala naman nya.Oo nga pala wala kaming klase mamayang hapon at inaya ko syang gumala kahapon. Pero di naman kasi siya pumayag at humindi diba?Ay ewan!Ang mas importante gagala kami ngayun.

"Sure!Tara!Saan ba tayo pupunta?"

"Diyan nalang sa mall malapit..para makanood tayo ng paglubog ng araw.."

Naglakad na kami palabas ng school at ng nasa gate na kami ay naghihintay na din ang driver ko at syempre ang nirentahang trycicle pa din ang dala-dala niya.

Naghahanap pa kasi ako ng tyempo kung kailan konsasabihin kay Mark ang totoo. Kung kailan konsasabihin ang lahat ng alam at plano ko.

Una kung nakita si Mark doon mismo sa pwesto nila sa palengke. Sumama ako noon sa maid namin mamalengke dahil sa subrang bored ko na sa bahay. Nag lilinis siya ng gulay ng mga oras na iyon. Madaming kumakausap sa kanya pero halus tango at iling lang ang sinasagut niya dito lalo na sa mga babaeng sa tingin ko ay kaedad lang namin.

Nakakailang beses na akung sumasama sa maid namin at sa mga pagsama kung iyun ay palagi ko syang nakikita. Hindi ko na namalayan na sa kahit patingintingin lang sa malayo ay nahuhulog na ako sa kanya. Noong una ay binabalewala ko lang ang nararamdaman ko dqhil sa pag iisip na malabong mahulog ako bigla sa taong nakikita ko lang sa malayo at hindi ko man lang nakausap kahit sandali.

*flashback*

"masungit po ba siya?"

Bigla kung tanog sa tinder na binibilhan ng gulay ng maid namin. Medjo malayo kami kina Mark kaya sigurado akung hindi niya kami maririnig.

"Sino?Si Mark ba tinutukoy mo?Hindi..mabait yan..hindi lang masalita..sadyang tahimik lang..kaya napagkakamalang suplado at masungit.."

Sagut ng tindera habang nagtitimbang ng gulay na pinili ng maid namin.

Mark pala name niya?Bagay naman sa kanya name niya.Gwapo siya lalo na pag seryuso ang mukha niya.Pero pano kaya pag gnumiti siya?Mas gwapo kaya siya?

"Oh kuya!ito na request mo..pinaghirapan ko yan ha?"

May isang batang babae ang lumapit kay Mark at iniabut ang isang bag na ewan kung ano ang laman.Tinanggap iyon ni Mark at tinignan. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng biglang ngumiti si Mark.Ngiting hanggang mga mata niya. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa mabilis na pag tibuk nito ng mabilis.

"shit!ang gwapo niya lalo ngumiti!!"

Sigaw ko sa aking isipan. Ngayun ko lang naramdaman ang ganito. Ang mabilis na pagtibok ng aking puso nakita lang ngumiti ang isang lalaki.

"manang ito na po yung pinapakuha ninyo.."

Nagbalik ang diwa ko ng may nagsalita mula sa likuran ko. Si Perth pala. Anak ng tinderang binibilhan namin ngayun. Binaba nito ang isang sakong bigas na pinakuha ni manang para ipadala sa pamilya niya.

"Sandali lang Perth ha?May ipapadala din akung gulay at prutas para sa kanila.."

Sagut naman ni Manang at tumango lang di Perth bilang sagut.

"Makatitig naman kay Mark parang mstutunaw na tyng tao.."

Napalingon naman ako agad kay Perth ng sabihin niya iyun.Hindi ko kasi namalayan na napatitig nanaman ako kay Mark. Nakakahiya tuloy. Pero bahala na..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

a Perfect moment w/ YouWhere stories live. Discover now