I fall inlove with my Bestfriend (ONE SHOT)

870 26 8
                                    

Hi Po! New story ko po! :)) Sana magustuhan niyo!

Feel free to . .

Vote

And

Comment :))

--------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang Sarap main-love, lalo na kung yung taong nagustuhan mo eh yung taong kilalang kilala mo na talaga

. . Na talagang kabisado mo na yung ugali niya, at nirerespeto ka.

. . Na kahit na anong mangyari eh nandyan siya sa tabi mo,

Handang dumamay sa iyo, masaya ka man, malungkot, nasasaktan o nahihirapan.

. . Gagawin niya lahat lahat wag ka niya lang makikitang lumuluha at nasasaktan

Pero mas masakit, yung kung kelan narealize mo yung feeling na mahal mo pala siya, tsaka may biglang nagmamay-ari na pala sa kanya

Kung kelan may lakas ka na ng loob na sabihin sa kanya na gusto mo siya, eh tsaka pa may nauna na sayong sabihin yun sa kanya

At yung last na talagang nagpaluha sa iyo, eh yung makikita mo silang dalawa na magkayakap at masayang masaya sa bago nilang relationship, yung nakatayo ka lang, matatag ka lang sa labas at pinapakita mo sa kanya na kaya mo, pero sa loob, halos pinagsama sama mo na lahat lahat ng problema mo at yung sakit na nararamdaman mo sa puso mo, pinagmamasdan mo kung gaano kasaya yung . . . Bestfriend mo sa iba . . .

* * *

3 weeks later . . .

3 weeks na 'kong nagmumuk-mok sa loob ng kwarto ko, 3 weeks na 'kong di pumapasok sa school, at 3 weeks na ang lumipas, di pa rin ako makamove-on sa nangyari.

Di pa rin tumitigil sa pagdaloy ng luha ko sa mata ko, iniisip ko, na sana panaginip na lang yung nangyayari . . Pero, kahit ilang beses kong iuntog ang ulo ko sa pader, mararamdama't mararamdaman ko pa rin ng paulit - ulit, yung sakit na . . Sasabihin ko na sana sa kanyang mahal ko siya ng may ngiti sa mukha ko, pero ng makita ko siyang may iba na, para bang gumuho yung mundo ko sa nangyari at nabahid ng lungkot at luha yung mukha ko.

Nagaalala ba siya sa akin? Iniisip kaya niya ako sa oras na 'to?

Impossible siguro yun, umaasa lang akong mahalin niya ako, kahit na malabo ng mangyari yun, kilala ko si Bestfriend, hinding hindi niya iiwan at sasaktan yung girl na pinangarap niya

Tsk. Nagpapakagago lang ako dito eh! Hindi naman kasi masusulusyunan ng luha yung Love life ko eh, Kung magmumukmok lang ba 'ko dito, magiging kami ba? Kung iiyak na lang ba 'ko dito, eh kinabukasan sasabihin niya sa akin na Mahal niya 'ko? Ang sagot lang naman sa mga tanong na yun HINDI, IMPOSSIBLE, MALABONG MANGYARI at DI NA MANGYAYARI.

I'm so Hopeless, hindi ko alam kung bakit ba ako umaasa sa kanya, kahit na wala ng pag-asa na maging kami, and i'm being so emotional inside my room. Weeks? Months? Years? Kelan ko ba matatanggap na wala na siya? Kelan ko ba matatanggap na wala na?

Siya lang kasi yung nagparamdam sa akin na mahalaga yung buhay ko sa mundo, noong nagbreak kami ng dati kong Bf, parang gusto ko ng mamatay noong oras na yun, pero tumawag si Bestfriend sa akin, kung ano ano yung pinagsasabi sa akin, pinatatawa niya ako, pinangingiti niya ako, at pinipilit niya 'kong kalimutan siya, na di na siya yung buhay 'ko, na di na siya yung taong makakasama ko habang buhay at hindi na siya yung taong dahilan ng pagngiti ko.

Nung oras na yun, di ko na tinuloy yung binabalak kong masama sa sarili ko, mas tumibay yung loob ko na mabuhay dito sa mundo, na di na 'ko iiyak kasi nandyan si Bestfriend para damayan ako sa problem ko sa buhay, na di na 'ko malulungkot kapag kasama ko siya.

I fall inlove with my Bestfriend (ONE SHOT)Where stories live. Discover now