Suot ang polong puti, bitbit ang sariwang bulalak
Nandito ako sa harap ng isang bahay, nag dadalawang isip kung papasok ba ako o hindi
Tanging pag kabog lang ng dibdib ang nararamdaman ko, hindi ako sigurado, hindi ko ata kaya.
'Aalis na lang ako' tumalikod na ako para umalis sa lugar ng may yumakap mula sa likod ko, natigil ako at dahang dahang humarap dito
"Napag hintay ba kita ng matagal? Sorry ha, tara na? Hinihintay kana nina mama at papa" nakangiting turan nito
Bumaba ang mga tingin ko sa kamay namin na mag kahawak, marahil nag taka sya kaya pinisil pisil nya ito
"May problema ba?" Umiling ako bilang sagot, nadoble ang kabang nararamdaman ko, ni hindi ko kilala ang dalagang nasa harapan ko, ito ang unang beses na nakita ko sya, ang alam ko lang ay buong pangalan nito, si Shaina Nervaez o mas kilala bilang Jenna
"Kung hindi kapa handa, okey lang" may lungkot sa tono ng boses nya, sa mga oras na 'to ay napag masdan ko sya
Napaka ganda nya, wala syang kahit anong ayos sa muka, ang pananamit na maayos at mga inosenteng ngiti
'Ganito ba ang kayang lokohin ni kuya?'
'Paano nya naaatim na pag laruan ang ganitong klase ng babae?'
Naaawa ako sa kanya, gusto kong umamin na hindi ako si Xian, si Xian na boyfriend ng magandang dilag na nasa harapan ko
Nawala ako sa malalim na pag iisip ng halikan nya ako sa labi, hindi ko iyon inaasahan kaya bahagya pa akong natulala
"Siguro nga sa ibang araw nalang, naiintindihan kita, mag kita na lamang tayo sa school bukas" nakangiti parin sya sa kabila ng pag kadismaya nya
Pilit akong ngumiti "Gusto kong mag pakilala sa mga magulang mo, gusto ko din sila makilala" nag liwanag ang muka nya sa aking tinuran
Isang mahigpit na yakap ang aking natanggap, walang kasiguraduhan ang naging desisyon ko, mali man ay kaylangan ko itong gawin dahil may kasunduan kami ni Kuya, ang kakambal ko
Simula bata ay mag kasundo kami, lagi syang nag paparaya para sakin, nanjan sya kapag may kaylangan ako
Ngayon naman na kaylangan nya ako ay hindi ko sya kayang tanggihan, pero hindi ko alam na ganito pala iyon kahirap, ang mag panggap bilang sya sa kanyang kasintahan
Mag tatagal ito ng ilang buwan dahil balita ko ay nag hiwalay na si Shaina at ang dating nobyo nito, ang first love ni Kuya. Mag kapangalan sila ng dilag na kaharap ko at ngayon ay nasa palawan sila, sa lugar ni Shaina Parke
Hindi ko alam kung ano ang plano nya pero isa lang ang sigurado ko, may isang masasaktan...
"Jenna.." gusto kong umamin pero parang napipipi ako sa mga ngiti nya
"Xian? Kinakabahan ka ba?" Nakangiting tanong nito, kinuha nya ang kamay ko at marahan itong pinisil
'Hindi ako si Xian' mga katagang nais lumabas sa bibig ko pero nanatili nalang sa isip ko
Alam kong mali pero mas matimbang ang relasyong meron kami ni Kuya
"Nandito lang ako, okey?" hindi ko magawang ngumiti dahil ako yung nasasaktan para sa dalaga
Tumango na lamang ako dahil kaylangan ko ng tanggapin na ito na ang simula..
Ang simula para mag panggap bilang nobyo nya
'Mahirap kaya bahala na'
VOCÊ ESTÁ LENDO
(His Dangerous Love: BOOK 2) The Unwanted Feeling
RomanceXian and Sean Mendez, the twins who fell inlove with the same girl
