Chapter 12: Faith

Comincia dall'inizio
                                    

"Lian, kailangan mong magpagaling kasi malulungkot ang inaanak ko. First girlfriend mo ba siya?" tanong nito kay Shot

"Hindi naman Ninong may gf ako dati. Saka hindi pa ako sinasagot niyan. Ayaw nga akong sagutin." Sabay kinurot siya sa tagiliran ni Lian na parang nainis at kailangan pang ikwento ang bagay na iyon.

"Nagagalit ka eh totoo naman!" wika ni Shot na parang natatawa pa.

Nang marating nila ang opisina ni Dr. Hernaez ay magiliw itong bumati sa kanila.

"Dok, ito yung ni-refer sa akin, si Lian. Lian si Dr. Hernaez tumutulong siya sa mga kagaya nating nagkaroon ng sakit na walang kapasidad na tustusan ang gamutan."

"Kamusta Iha, nabasa ko ang medical history mo na pinadala sa akin by e-mail. So ang gagawin muna natin ay kukuha tayo ng maliit na bahagi ng tumor para i-examine siya." Kwento nito

"Ooperahan ho ba ang anak ko?" tanong ng ama ni Lian, si Aling Mercedez naman ay wala pa ring reaksyon at hilo pa sa byahe.

"Hindi naman ho talaga ooperahan, papadaanin lang ho natin sa ilong ng anak niyo para makakuha tayo ng sample; kung saka-sakali ganoon din ho ang operasyon na gagawin sa kanya." Sagot nito

"gagaling ho ba ang anak ko?" tanon ni Aling Mercedez na nagpumilit magsalita kahit hindi maganda ang pakiramdam.

"Nurse, kumuha ka nga ng strong ammonia at mukhang nahihilo si Nanay. Gawa ho iyan ng biyahe, ano? Hindi ho namin maipapangakong magagamot namin ang anak niyo. Alam niyo lahat ng tao may cancer cell sa katawan, sa kaso ni Lian, lumaki na yung cancer cell sa point na pwede na siyang ma-trace." Sagot muli nito habang inaabot sa nurse ang strong ammonia at pinaamoy kay aling mercedez.

Unti unti namang naging maayos ang pakiramdam ni aling mercedez hanggang kinuha na niya ang bulak kay Dr Hernaez at siya na mismo ang humawak.

"So Magkakaroon muna po tayo ng mga physical test at pagkatapos ho noon ay i-schedule kita for the diagnosis. Okay ba 'yon?"

Tumango naman at ngumiti si lian. Matapos iyon ay sumailalim siya sa physical test gaya ng dati niyang ginagawa. Sa kabuuan ng kanyang test ay hindi umalis si Shot, nangingiti pa ito madalas sa kanya na para bang nag-eenjoy at nagiging kaparte sa sakit ng dalaga.

*Kahit dito lang, kahit sa napakaliit na paraan na ito, makihati man lamang ako sa sakit na dinadala mo* Wika ni Shot sa sarili

...............

Inabot ng hapon bago sila nakapunta sa isang bahay na pinariham ng kaibigan ng Mama ni Shot. Wala na raw tao doon dahil lumipad na patungong ibang bansa, nakumbinsi naman ng Mama ni Shot na hayaan ng tumuloy muna doon sila Shot at ang kanyang mga magulang pansamantala. Mas mainam na daw yon at may tatao sa bahay nila at hindi mapapabayaan.

Hindi naman kalakihan ang bahay, may sala ito na nakadugtong na sa dining area. May dirty kitchen na kasunod na rin noon ang laundry area at ang bathroom. May mababang hagdan na magdadala sa iyo sa 4 na kwarto. Isang master's bedroom at 3 kwarto ng mga anak ng may-ari. Bingiyan sila ng permiso na gamitin ang buong bahay at ariin na parang kanila.

Habang inaayos nila ang gamit nila ay hindi maiwasang matuwa ni Shot. Nasa iisang bahay nga naman sila titira ni Lian, bagay na hindi niya naisip na maaring mangyari. Napansin naman ni Lian ang ngiting iyon ni Shot at tinanong niya ang binata.

"Bakit ngiting ngiti ka?" nangiti na rin si Lian at nahawa sa sayang iyon ni Shot.

"Wala! May iniisip lang ako." Sagot ni Shot

"Ano?"

"Magkasama tayo sa isang bahay. Mas makikilala kita. Yung mga kakaiba mong habits makikita ko na rin." Wika nito sa dalaga

Narinig naman iyon ni aling Mercedez at hindi naiwasang paalalahanan niya ang dalawa.

"Hoy! Kayong dalawa, hindi kami tutol sa relasyon niyong dalawa, bagkus natutuwa kami at nagkaroon ng inspirasyon si Lian at ganoon na rin ikaw. Para ka na rin naming anak, kaya h'wag mong mamasamain ang sasabihin ko. H'wag kayong gagawa ng bagay na pagsisisihan ninyo sa huli, alam niyo na yung sinasabi ko. Naiintindihan niyo ba ako?"

"Opo naman, Alam naman namin iyon, saka wala kaming relasyon ni Shot." Tumahimik na lamang si Shot sa sinabing iyon ni Lian na wala silang relasyon. Ayaw niya na rin makipagtalo pa dito at alam niyang napagod ito.

Isa-isang binuksan ni Shot ang kwarto, para bang namimili ng kanyang magiging kwarto. Hanggang sa napagdesisyunan niyang kuning ang kwarto na nasa bandang gitna. Papasok sana si Lian sa unang kwarto ngunit pinigilan siya ni Shot.

"Mas maganda yung nasa dulong kwarto yung malapit sa pasilyo." Wika ni Shot

"eh bakit hindi iyon ang pinili mo, kung mas maganda pala iyon?" tanong naman dito ni Lian na akala ay nagbibiro ang binata.

"Kasi nga para sa iyo yung magandang kwarto. Well ventilated ang kwarto hindi tulad nitong iba. Saka mas maluwang siya kumpara dito sa iba."

Sinilip ni Lian ang kwarto at nagulat siya na malaki nga ang kwartong iyon kumpara mo sa iba.

"Ma! Pa! Baka gusto niyo dito?" tanong nito sa kanyang mga magulang

Saglit na tiningnan nila Aling Mercedez at ng kanyang asawa ang kwarto ngunit nagdesisyon na hayaan na lamang si Lian sa kwartong iyon. Tama si Shot, marahil ay naisip nito ang kalagayan ni Lian tama nga naman na doon na magkwarto si Lian.

"Sige na, matulog ka na Lian at maaga tayong babalik sa doktor, ikaw din Shot at enrollment period doon sa school na papasukan mo hindi ba?' wika ng papa ni Lian. Buo ang boses nito na parang may awtoridad.

Sa kwarto ng mag-asawa ay hindi nila maiwasang pag-usapan ang mangyayari sa gamutan ng anak. Tama nga naman na sasagutin ng Foundation ang gamutan, ngunit kailangan din nila ng pera sa araw-araw na gastusin sa bahay. Swerte na nga sila na pinapatirhan sa kanila ng libre ang bahay na iyon.

"Kailangan ko ring bumalik ng probinsya at ng makabalik sa trabaho. Hindi naman pwedeng umasa na lamang tayo sa foundation. Mabuti nga at nagamit ko ang limang araw na bakasyon ko." Wika ng Ama ni Lian

"Kakayanin ko naman, nandyan naman yung Ninong ni Shot na si Mar, at mukhang hindi naman iiwan ni Shot si Lian, mukhang mahal niya talaga ang anak natin."wika ni Aling Mercedez

"Pahaba na ng pahaba ang listahan ng utang natin sa binatang yan. Baka kapag maayos na ang lahat hinging pambayad yung anak natin!" sabay natawa ito

"Oh eh, maayos na bata naman si Shot at kung nasa tamang edad na sila sa oras na dumating iyon, at dadating iyon sa tulong ng panginoon eh, hindi ako tatangi. Ikaw ba tatangi ka?" tanong nito sa asawa

"Alam mo, dati ako ang kinukuhanan ng lakas ng anak mo, pero ngayon iba na. Iba na ang nagpapalakas sa kanya, hindi ko kayang ibigay ang lakas na binibigay ni Shot sa kanya." Wika nito na para bang may kaunting tampo pero tanggap niya na may iba ng lalake sa buhay ng anak bukod sa kanya.

"Sus, ito naman! Nagdrama pa. Matulog na tayo" Hindi na matandaan ni Aling Mercedez kung kailan ba yung huling beses na nakapag-usap sila tungkol sa kinabukasan ng anak. Parang ngayon na lamang silang muli tumingin sa hinaharap at nasabik sa maaring mangyari sa buhay ng anak.

............

Kinabukasan ay maagang nagising si Shot at si Lian, habang nag-aalmusal ay inabot ni Lian ang isang necklace sa dalaga.

"Hindi yan tunay, iyan lang kasi ang kaya kong ibigay. Wala ako mamaya sa diagnosis mo kaya isama mo yang necklace na yan para maramdaman mong nandoon din ako. Kapag magaling ka na, promise ko bibilhan kita ng tunay na gold necklace." Biro niya dito.

"Salamat! Ang dami mo nang naitulong sa amin. Wala akong pambayad sa iyo ha!" sabay natawa si Lian

"Meron, kapag magaling ka na dapat sagutin mo na ako, ha?"

Tiningnan siya ng maigi ni Shot sabay kinindatan. Ang mga matang iyon at ngiti ng binata na parang inosente tulad ng isang sanggol ay nagpabilis ng tibok ng kanyang puso.

"Sige, Promise." Maikli niyang sagot, pero sapat na iyon para kiligin ang binata. Hinawakan ni Lian ng mahigpit ang kwintas na bigay ni Shot.

*Gagaling ako* wika niya sa sarili, kapag ilang beses mo raw kasi inuulit ang isang bagay ay malaki ang posibilidad na mangyari iyon.

Hope in a Bottle (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora