May 20, 2019
"....o..."
"Ho......."
"..hoy..."
"Hoy!"
Napatigil ang tulog ko at bigla akong nagising. Narinig ko ang pagsisigaw habang nakatalikod ako.
"Umaga na, bumangong ka na nga! Che, napakatamad mo naman. Walang kuwentang ulol! Hindi ka na nga makakuha nang trabaho, nagpapatamad ka pa!" Sinabayan niya ito ng sipa sa gilid ko. Pinigilan ko nalang ang sarili kong umungal. Ang aga pa, mainit na ka agad ang ulo ni tatay.
Alam ko na papahirapan ko lang ang sarili ko kapag sumagot ako sa kanya. Konting tiis lang, kakayanin ko rin 'to. Tama, di ba?
Mali.
Biglang may sumabunot sa buhok ko. Hindi ko na napigilan ang sariling kong sumigaw habang ginadgad niya ako palabas nang kuwarto.
"Tama na po, ta--Gerald! Magmakaawa ka! Meron na akong nakitang pagpapasukan!" Sobrang sakit! Napigil siya si Gerald paglalakad at binitawan ang ulo ko.
"Sigurado na ba 'yan? Baka niloloko mo naman ako," Napakagrabe ng tingin niya sa akin. Pinilit ko nalang sumagot sa tanong niya.
"O-opo! Siguradong-sigurado na!" Sinabayan ko ito nang ngiti.
Hindi ko alam kung ano ang nasabi ko, pero lalong sumama ang tingin niya sa akin. Namumula na ang mukha niya sa galit. Patay.
"Ilang beses ka nang paulit-ulit. 'Tinanggap na ako.' 'Babayaran na ako bukas.' Hindi naman natuloy, ni isang suweldo! Ako ang nagpapakain sa'yo mula noong namatay yung letse mong nanay! Pagkatapos ito ang bayad mo sa akin? Walang hiya ka!" Binuksan niya ang pinto at tinulak ako palabas.
Nadapa ako sa matigas na bato at semento. Malamang nagasgasan naman uli ang tuhod ko. Tinamaan ako ng lamig at tumakbo ako ulit paloob ng bahay. Ang sama ng timing! Naka sando at shorts lang ako! Hindi na ako nakaabot at sinarado niya ang pinto. Sinubukan kong ikutin ang doorknob, pero ayaw gumalaw. Bwiset. Naka-lock. Binuksan niya ang bintana at tumingin sa akin.
"'Wag kang babalik dito habang wala kang pera! Patunayan mo muna sa akin na totoo ang mga sinabi mo. Kung malaki ang halaga na maibabalik mo, pag-iisipan ko kung papasukin kita ulit," sabay ngiti sa akin. Sinara niya ang bintana.
Wala akong nagawa at umupo na lang ako sa gilid ng pintuan. Napatingin ako sa tuhod ko. Mabuti naman at hindi malaki ang galos. Konting kamot lang--mabilis lang 'to gumaling. Napangiwi ako sa lamig. Ang malas nang araw ko ngayon. Niyakap ko nalang ang sarili ko habang nakaupo. Ang tindi ng lamig sa umaga. Hindi pa ako nakapilgo, ni kumain.
Ah! Muntik ko nalang nakalimutan!
Ako nga pala si Joey Sanchez, 18 anyos, taga-Quezon. 'Yung nakita niyong sumabunot sa akin? Siya si Gerald Sanchez, tatay ko. Nakakagulat, 'diba? Hindi naman siya ganyan noon. Sobrang masayahin siya dati. Palaging nakangiti, matulungin, at sobrang bait. Pero mula noong namatay si nanay Imelda, nag-iba ang ugali niya. Kahit pagtawag ko sa kanya nang 'tatay', pinagbabawalan niya.
Napatawa ako. Ang laki na siguro nang saltik ko sa ulo. Walang normal na tao ang kumakausap sa sarili nila. Sa bagay, may pinagmanahan naman ako sa pagkasira-ulo. Wala na akong magagawa. Pinalabas na ako sa bahay. Alam ko si tatay. Basta may napag-disisyonan, palaging tumutupad sa pangako.
Nakita ko ang mga kapitbahay namin na tumitingin mula sa mga bahay nila. Lahat nakatingin na parang naaawa sa akin. Che. Mga plastik silang lahat. Naaawa daw, wala namang ginagawa. Mapalakad na nga. Kailangan ko nang umalis. Kailangan ko nang magtrabaho. Pera ang kapangyarihan dito.
YOU ARE READING
Re:Start
Science FictionPaano kung ang buhay mo ay biglang umulit? Paano kung ang lahat ay bumalik sa dati pero ikaw lang ang nakakaalam ng susunod na pangyayari? Hahayaan mo bang umulit ang lahat kung may kapangyarihan kang ibago ang iyong kapalaran? Pumapatak na ang oras...
