Chapter 3: First Day High Part 3

Start from the beginning
                                    

Nakakainis naman itong katabi kong si Lexi! Ang daldal daldal!!!

"Alden, magkwento ka naman about your life." sabi niya

Close tayo teh???

"Alden, maganda ba sa States?sabi niya ulit

Tinatanong pa ba iyan?? syempre maganda dun..

"Alden, what do you think of Westridge High???" tanong na naman niya

Uhmmm. Ang daldal mo! pwede ba hayaan mo muna akong mag-settle down????

Sunod-sunod ang tanong niyang yun... 

"Uhmm... pwede ba Lexi, hayaan mo muna ako? Nakakarindi na kasi na sunod-sunod ang tanong mo eh..." Sabi ko..

Nag make-face lang siya sa akin...

"Kung ayaw mo sa akin, edi wag!" sagot niya

:)) Nakakatawa lang siyang tingnan pag naaasar. Hello!!! Halata naman na di kita type.

Tumingin ka lang sa paligid mukha namang madami ang magkakatype sa yo..

Pumunta si Lexi sa kaibigan niyang si Yassi at nag-usap sila ng malakas. Wala talaga silang pakialam sa mga tao sa paligid nila.

"Nakakaasar talaga ang katabi ko! Ayaw akong kausapin" sabi ni Lexi..

"Eh, kamusta mo naman daw yung akin.. Nerd na nga, eewee pa..." sagot ni Yassi sabay turo kay Ken... 

"Sabagay at least di ako napunta sa nerd...." sagot ni Lexi..

"Kaya be thankful na pogi pa ang katabi mo.. di bale nang hindi madaldal, hindi maharot basta pogi okay na yun!!!" sabi ni Yassi sa kanya

Halata naman na naririnig ng lahat ng tao, especially si Ken.. Nakakaawa nga siya eh... NAmumula na siya sa hiya,,, kung di lang siguro sa nerdy glasses niya hindi mo siya pagkakamalang nerd..

Biglang lumabas si Ken sa room... Tapos ilang sandali pa.. hinabol sila ni Joyce, Louise, Jhake, at Barbie...

"SO ngayon napatunayan kung sino ang tunay na bading :P" si Derrick yan. ang bully kong pinsan... naiinis na nga ako sa ginagawa niyang pambubully eh... 

I am so sick of it... Nagsuot ako ng earphone tsaka lumabas ng maingay na room... Naglakad-lakad ako sa corridor ng biglang....

End of POV

=========================================================

Joyce POV

Katabi ko nga pala si Kris.. Nakayuko lang ako pero parang tinititigan niya ako... Ang lagkit niya tumitig! Grabe Siya!!! Bakit ganto ang tibok ng puso ko?? bakit ang bilis...nagsimula akong tumitig sa kanya at parang kaming dalawa lang ang tao dito sa mundo... 

pero.... biglang.... 

Naputol ang koneksyon namin ni Kris.. narinig ko kasi ang pag-uusap nina Yassi at Lexi... 

"Nakakaasar talaga ang katabi ko! Ayaw akong kausapin" sabi ni Lexi..

"Eh, kamusta mo naman daw yung akin.. Nerd na nga, eewee pa..." sagot ni Yassi sabay turo kay Ken... 

"Sabagay at least di ako napunta sa nerd...." sagot ni Lexi..

"Kaya be thankful na pogi pa ang katabi mo.. di bale nang hindi madaldal, hindi maharot basta pogi okay na yun!!!" sabi ni Yassi sa kanya

tiningnan ko lang si Ken.. naawa ako sa kanya. Bakit pa kasi kinailangan na maging nerds kami... kung hindi sana kami naging nerd edi sana eh  hindi siya pinagsasalitaan ng ganon...

Bigla siyang lumabas...

Sinubukan ko siyang habulin pero hinawakan agad ni Kris ang kamay ko,...

"Saan ka pupunta? Susundan mo siya??" sabi ni Kris sa akin..

"Oo bakit? Sino ka ba para pigilan ako??" sagot ko sa kanya..

Siguro narealize niya din yon... SLowly binitawan niya ang kamay ko... 

At umalis ako ng room... SAkto naman na sumabay na rin sina Louise, Barbie at Jhake para puntahan si Ken..

Habang naglalakad kami naitanong ko sa kanila kung binubully ba sila ng mga katabi nila..

"As expected sa katabi ko... :( Si Derrick lang naman... syempre sinubukan niya akong bullyhin, pero di niya lang alam na hindi ako madaling ma-bully..." sabi ni Louise

"Si Josh, mukha naman siyang mabait... PEro di siya nagsasalita..." sabi ni Barbie...

"Si Bea, ayos siyang kausap! Hindi siya bully at nalaman ko rin na marami kaming pagkakapare-pareho.." Jhake

"Eh si Kris, Joyce kamusta naman siya?" si Louise

"Uhmmm..." sasabihin ko sana na nagiging weird si Kris pag katabi ako pero napigil ko nang makita namin si Ken na nakaupo sa may corner sa may fire exit...

"Ken!" Sigaw namin...

lumingon siya.. Bakas sa kanya na malungkot siya... pero wala syang luha... naka ganto lang siya 

:((

kinausap namin sya to cheer him up pero di pa rin sya ngumiti... kawawa naman ang bestfriend ko....

"Nakakainis isipin na yung mismong crush mo ang magsasalita ng ganon. tungkol sa 'yo..." sabi ni Ken.

"Crush??? sino ang crush mo sa kanilang dalawa.." sabi ni Barbie...

"Si Yassi..." sabi ko sa kanya... 

"Ayos lang yan Ken.. marami pa namang ibang tao dyan eh..." sabi ni Louise..

"Tama si Louise pare! Hindi karapat dapat ang babaeng yon sa yo..." Sabi ni Jhake..

"Alam ko... Hindi ako karapat dapat sa kanya... that's why... " sagot ni Ken

"That's why ano???" tanong ko.

"I decided to change my image..." sagot ni Ken

O_O kaming lahat...

"Narealize ko na dapat kong baguhin ang sarili ko nang sa ganon ay mapatunayan ko na hindi ako dapat bully-hin... lalo na ng grupo nina Derrick..." Ken

"Sabagay may point ka..." Jhake..

"Wag kang mag-alala Ken. tutulungan kitang baguhin ang image mo..." Louise

"Sali ako!!!" Sabi ni Barbie

"Ako rin!" Ako..

"Basta, bukas, makikita ng lahat ng tao na iba na kayo..." Pinangako sa amin ni louise

End of POV

===========================================================================

At dun nagtatapos ang First day namin... abangan ang transformation nina Joyce, Ken, Barbie, at Jhake at ang scandal na kasasangkutan ni Lexi, Derrick, at Yassi :))

School Rumble (Tweens FanFic)Where stories live. Discover now