The PAST MISTAKE

124K 1.6K 45
                                    

Parating dinadapuan ng last song syndrome si Francine. Kapag may isang kantang pumukaw sa kanyang atensyon, buong araw niya itong hindi makakalimutan. Tulad ngayon, bago siya umalis ng bahay ay ang kanta ni Britney Spears na Womanizer ang huli niyang narinig. Kaya mag-aalas dose na ng tanghali ay iyon at iyong kanta pa rin ang paulit-ulit na kanyang ikinakanta na parang isang plaka.

Patuloy pa rin siya sa pag-awit nang may narinig siyang galit na boses mula sa kanyang gilid.

"Nang-iinis ka ba?" bulalas ng boses ng isang lalaki sa kanya.

Inangat niya ang kanyang paningin mula sa screen ng computer at tinignan kung sino man ang nang-istorbo sa kanyang pansariling konsyerto. Tumambad sa kanya ang mukha ng demonyong boss niya na si James. "Po?" taas kilay niyang tanong.

"Ang sabi ko nang-iinis ka ba? Pati ba naman sa kanta mo pinaparinggan mo 'ko?" usal nito.

Ano raw? Siya, nagpaparinig? Wala naman siyang ibang ginagawa kundi ang kumanta ng -Ah. Iyon pala ang dahilan. Ang akala ng boss niya ay pinaparinggan niya ito ng womanizer.

"Affected ka, Sir?" mataray niyang tanong. Kahit pa boss niya ito, tinatarayan niya ito ng madalas.

Suminghal ang kanyang boss. "Ako? Affected? Hindi ko na kasalanan na habulin ako ng mga babae!"

Ang yabang! Itinuon niya muli ang atensyon sa computer screen. "Sir, may trabaho akong tinatapos dito. Sayang naman ang pinapasweldo sa akin ng kumpanyang ito kung makikipagkwentuhan lang pala ako. Kayo rin, magtrabaho na kayo."

"Anak ng-!" Hindi na naituloy ng kanyang boss ang sasabihin. Nakita niya sa dulo ng kanyang paningin na pagalit nitong isinuklay ang mga daliri sa buhok nito, na tila bang gusto nitong sabunutan ang sarili. "Kung hindi lang talaga nahihirapan ang HR na hanapan ako ng sekretarya, matagal ka nang sisante! Matagal na kitang pinalamon sa Doberman ko!"

"Wala po kayong Doberman, Sir. May inaalagaan po kayong babaeng Japanese spitz. Kalalaki niyong tao, iyon ang pet niyo?"

"How did you know?"

"Pinapunta niyo ako sa pad niyo last week para ipa-deliver ang mga papeles niyo. Kawawa nga ang aso, eh. Gutom na gutom no'ng nadatnan ko. Halatang hindi pinapakain nang maayos. Paano ba naman kasi, busy kayo at ng girlfriend-of-the-week niyong mag-exhibition sa loob ng kuwarto. Hindi na kayo nahiya sa aso? Sa sala pa lang, dinig na dinig ang mga ungol niyo."

"Why you-!"

"Pero alam ko naman na mahilig kayo sa mga babaeng aso, eh. Kitang-kita naman sa mga ebidensya."

Ipinatong ng kanyang boss ang dalawang kamay nito sa desk. "And exactly what do you mean by that?"

Inilayo niya muli ang mga mata sa computer at tinitigan ang boss niya sa mga mata. "'Di ba nga sir, mahilig kayo sa mga bitch? Mga girlfriend niyo, magaganda nga, bitch naman ang ugali." Nang makita niya ang pagkalito sa mukha ni James, idinagdag pa niya, "Ang ibig sabihin ng bitch, sir, is female dog. Kahit i-google niyo pa."

Kumunot ang noo ng kanyang boss at sumalubong ang kilay nito, taimtim pa ring nakatitig sa kanya. Nagulat na lamang si Francine nang bigla itong ngumiti nang nakakaloko.

"I think you like me. Are you in love with me Ms. Monique Montojo?"

Tumawa ng pagak si Francine. Aba naman! "Wow, sir. Hindi naman tayo masyadong assuming, noh? 'Wag po tayo maging masyadong feelingero. Masakit man ang katotohanan, hindi lahat ng babae ay in love sa inyo."

"No. I think you like me. And the reason why you act like that is because I don't give you that much attention compared to the other girls."

"Feelingero na nga, mayabang pa! Kung iyon lang po ang mga qualities niyo, magpapaligaw na lang ako sa aso. At least sila, LOYAL sa amo nila." Nilagyan niya ng emphasis ang salitang loyal, dahil alam ng lahat ang pagiging babaero ni James Madrigal.

"Careful, Ms. Montojo. They say the more you hate, the more you love." Nilapit nito ang ngayo'y seryosong mukha kay Francine, ang mga mata nito ay may pangakong kalakip. "You might be surprise one day to find you already became one of my bitches, sweetheart." Ngumiti muna ito na tila nang-aakit bago umalis at pumasok sa silid nito.

Tinapunan ni Francine ng matalim na tingin ang pinto ng opisina ni James. Hinding-hindi mangyayari iyon! Tama na ang isang beses na nahulog ako sa 'yo. Hinding-hindi na mauulit iyon. At sisiguraduhin kong babagsak ka...

***

Kung nagustuhan po ninyo ang aking akda, sana po ay masuportahan po ninyo ako by buying me a coffee at:

https://ko-fi.com/maxinelaurel.

Salamat nang marami! ♥

xoxo
MaxineLaurel ♥

The PAST MISTAKETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon