Limang buwan na ang nakalilipas simula noong nag-umpisang magtrabaho si Francine sa isang maliit na resort dito sa Pagadian City, at limang buwan na rin ang nakalilipas simula noong nagpakalayo-layo siya upang pagtaguan ang lalaking ginawan niya ng *atraso... at ang lalaking hindi niya aasahin na gusto pala niya. Ngunit wala ng saysay pa ang bigyang pansin ang nararamdaman niyang iyon. Kahit pa sa loob ng maikling panahon na muling nahulog ang puso ni Francine para kay James, alam naman niyang poot at galit ang tanging maigaganti ng lalaki sa kanya.
Bago umalis si Francine five months ago, nakadalo pa siya sa kasal ng kaibigang si Abigail. Alam niyang namukhaan na siya ni James, ngunit para sa kaibigan ay dumalo pa rin siya sa kasal. Alam naman niyang hindi mag-eeskandalo si James sa selebrasyon na iyon, at hindi pa naman umugong ang balita ng tunay na paghihiwalay ni James at ng kanyang fiancée noong panahong iyon kaya naman ay wala pang ideya ang mga bisita sa totoong nangyari sa pagitan nina James at Margaret.
Hindi nga nagkamali si Francine sa hinala niya. Nakilala na nga siya ni James, patunay roon ang pagsunod nito sa kanya nang pumunta siya sa ladies' room. Nang naabutan ni James si Francine, hinila siya nito sa may braso at dinala sa isang sulok na may kadiliman.
"What the hell are you doing here!" singhal nito sa kanya.
"Wala ka na roon!" ganti niya at pilit binabawi ang braso niyang mahigpit na hinahawakan ni James.
Nakita niyang nagdilim ang mukha ni James, at natakot pa nga siya no'ng inilapit nang husto ng binata ang mukha nito sa kanya at mariing sinabing, "You just ruined my life, bitch. I'm going to ruin yours."
Dahil sa tindi ng takot na nadarama niya, malakas niyang binawi ang braso niya at tumakbo papalayo. Nag-text na lamang siya kay Abigail na kailangan na niyang umalis sa party.
Makalipas lamang ng isang linggo ay napadpad siya rito sa Pagadian City. Napagpasyahan ni Francine na magpakalayo-layo at dito na lamang sa Mindanao maghanap ng trabaho. At dahil sa tulong naman ni Cassandra, inirekomenda siya ng kaibigan sa isang malayong kamag-anak nito na nagmamay-ari ng resort na pinapasukan niya ngayon. Hindi pa gaanong sikat ang resort dahil bago pa lamang ito itinayo. Pero maigi na sa kanya iyon-ayaw niyang matagpuan siya ni James. Kung hinahanap siya nito...
Dahil sa kaibigan niyang si Abigail, nabalitaan ni Francine ang mga nangyari kay James. Nagtagumpay nga siya sa mga nagawa-hindi natuloy ang pagpapakasal ni James at ng fiancée nitong si Margaret. Napagaalaman din niyang galit na galit ang ama ni James sa anak nito, at halos itakwil na ang anak sa mga kalokohang pinaggagawa nito. Dahil daw kay James, ayon sa ama nito, nakasisira raw si James sa imahe nilang pamilya, at sa imahe ng kanilang prestihiyosong hotel.
"May alam ba siya kung nasaan ako?" naitanong niya kay Abigail noong isang araw. Matapos ng araw na iyon noong nahuli sila ni Margaret sa penthouse, sa kaibigan niyang si Cassandra agad pumunta si Francine, at ilang minuto lang ay dumating din si Abigail upang damayan ang kaibigan. Hindi na niya naitago ang pinakalilihim niya at ang mga kasalanang nagawa niya para kay James.
"Nasa maayos na siya nitong mga nakaraan," sagot ni Abigail. "Ang balita ko pa nga ay lagi itong abala sa trabaho, pero mukhang good mood daw lagi. Ang bali-balita pa nga ay kaya raw hindi natuloy ang engagement nila ni Margaret dahil may ibang babae raw talagang gusto itong si James, at ipapakilala raw nito ang babae sa ama balang araw. Mukhang lumalambot naman si tito kay James dahil according sa kanya mukhang nagbabagong buhay na raw ang anak niya. Pero ewan ko ba bes-feeling ko nga, gumagawa lang ng kuwento si James para bumalik ang tiwala ng ama nito sa kanya."
Hindi na nagulat pa si Francine na nagawa na palang mag-move on ng binata. At may bago na pala itong fiancée! Agad-agad? Samantalang siya, tulad na naman ng dati at nahihirapang makalimot.
Nangako naman ang kanyang mga kaibigan na ililihim nila ang lokasyon ni Francine. Sa dalawa niyang kaibigan, si Abigail ang nahihirapan nang husto dahil pinsang buo ni James ang asawa nito, at hindi kaya ni Abigail na magsinungaling sa asawa. Mabuti na lamang daw at hindi nakikialam si Lawrence sa buhay ni James.
"Ma'am, may maliit po tayong problema."
Marahas na napailing si Francine at isinantabi ang mga alaalang may ugnayan kay James. Napalingon si Francine sa isa sa chambermaids ng resort. "Bakit? Ano'ng nangyari?"
"Eh, kasi po 'yung bisita... 'yung sinasabi nilang VIP sa cottage five... nagrereklamo po na hindi raw po maganda ang serbisyo ng resort. Eh, ma'am naayos ko naman po nang mabuti ang higaan niya."
Minasahe na lamang ni Francine ang kanyang sentido. Dalawang araw nang tumutuloy ang bisita nila sa cottage number five, at wala siyang narinig sa mga tauhan niya kundi ang mga reklamo ng bisita nilang iyon. Nang pupuntahan na sana niya ito kahapon upang alamin kung bakit hindi ito nasisiyahan sa serbisyong ibinibigay ng resort, sinabihan naman siya ng isang taga housekeeping na lumabas ng cottage na ayaw raw ni Mr. De Leon ang makipag-usap kahit kanino.
"Ma'am," narinig niyang tawag naman sa kanya ng isang crew sa kitchen. "Ibinalik po ni Mr. De Leon ang in-order niyang pagkain. Wala daw pong lasa ang pagkain. Tapos po, naghahanap na siya ng manager."
"Finally!" Pilit na kinalma ni Francine ang sarili. "Kahapon ko pa siya gustong kausapin, siya naman itong ayaw. Sige, pupuntahan ko na siya ngayon."
Minsan, naiisip ni Francine na baka nga tama ang kaibigan niyang si Cassandra. Bakit pa ba niya pinasukan ang isang hospitality business kung ganitong madali siyang nabubwisit sa mga irrate at demanding customers? Pero wala siyang magawa dahil kailangan niya ng trabaho, Huminga muna siya nang malalim bago tinungo ang cottage.
Maliit ngunit maganda ang resort na pinagtatrabahuhan niya. Presko ang hangin at malinaw ang tubig dagat. Ang buhangin naman sa may dalampasigan ay napakapino. Tanaw rin mula sa malayo ang mga kalapit na bundok na mas lalo pang nagpapaganda sa tanawin.
Agad na tinungo ni Farncine ang cottage number five. Binaybay muna niya ang swimming pool area, lumiko sa may maliit na walkway at dumiretso hanggang sa narating niya ang dulo kung nasaan ang cottage. Ang cottage na ito ang pinakamaganda sa lahat ng mga cottages. Alam ni Francine na malawak ang silid nito at ang veranda pa ay overlooking sa asul na karagatan.
Nasa tapat na siya ng pintuan at kakatok na sana nang tumunog naman ang kanyang telepono. Nakita niyang ang ina pala niya ang tumatawag sa kanya. Agad naman niyang sinagot ito. "Hello, Ma? Bakit po?"
"Naku, anak! Maraming salamat sa tulong mo! Natanggap na namin ang pera pang physiotherapy ng kapatid mo. Sa katunayan ang boss mo pa nga ang naghatid ng tulong no'ng isang araw. Pasensya na at ngayon lang ako nakatawag-"
"Ma, sandali lang po. Ano po ba ang pinagsasabi n'yo at hindi ko kayo maintindihan?"
"'Yung utang natin sa ospital, bayad na lahat. Binayaran ng boss mo. Ang sabi niya iyon daw kasi ang pang-unang bayad niya sa trabaho mo. Hindi ko na rin masyadong naintindihan dahil sa sobrang tuwa ko. Anak, hindi mo naman sinasabi sa akin ang guwapo pala ng boss mo-"
Hindi na niya nagawang pakinggan pa ang ibang mga sinasabi sa kanya ng kanyang ina dahil biglang bumukas ang pinto ng cottage at tumambad sa kanyang harapan ang lalaking limang buwang na niyang pinagtataguan.
Umangat ang isang dulo ng labi ni James Madrigal. "Why, hello there my sweetheart bitch. Miss me? Nandito ako para maningil ng pagkakautang mo."
***
#ThePastMistake
BINABASA MO ANG
The PAST MISTAKE
RomanceSa unang gabi ng pagkikita nila ni James Madrigal ay agad nahulog ang puso ni Francine Montojo para sa binata. Ngunit isang pangyayari ang nag-udyok kay Francine upang kamuhian ang lalaking dati niyang minahal. At sa pangalawang pagkakataon ay mulin...