Nagulat ako dahil biglang nagvibrate ang phone ko. Hindi ko iyon sinagot at muling sumilay kay Pia. Napabahing pa akop. Napansin kong nakadikit sa tainga niya ang phone niya. Agad kong nilabas ang phone ko. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan niya sa screen ko.

Piapi calling.

Napalunok ako. Sasagutin ko ba?

"Mcbeth, anong ginagawa mo diyan?" Nakita ko si Rico. Binigay ko ang phone ko sa kanya.

"Pre, sagutin mo sabihin mo busy ako, sabihin mo nasa meeting ako."


"Ha?"

"H'wag ka nang maraming tanong!" Sabi ko pa. Sinagot naman niya agad.


"Hello." Nilagay ko siya sa speaker phone. "Ano... Mc... beth?" Parang humihikbi siya. Parang nalulukot naman ang puso ko. "Mc... beth... Nasaan ka?"

"Uhm... Hello?" Sabi ni Rico. I nudged him. "Wala si Mcbeth dito. Busy siya sa meeting. Oo. May meeting siya." Ang sumunod ay katahimikan, tinapos niya ang tawag. "Sino iyon?" Tanong ni Rico. "Ano iyon nabuntis mo saka ayaw mong panagutan?"

"Hindi ah. Amina nga iyan." Sabi ko na lang. Tumalikod ako pero bago iyon, sinilip ko si Pia. Pahid siya nang pahid ng mga luha niya. Gustong – gusto ko siyang kausapin pero hindi pwede. Hindi pa. Masasaktan lalo siya.

Maghapon ay hindi ako nagtigil sa pagbahing hanggang sa maramdaman ko ang pagsama ng pakiramdam ko. Mukhang nakita ni Mama Ver na ganoon nga kaya pinauwi niya ako nang napakaaga nang hapong iyon. Kaagad kong tinext si Yves na magkita kami sa lobby ng Manor Hotel. Padating ko roon ay nakaupo sila ni Lauren sa settee sa lobby.

"Uy, haba ng buhok mo na Lauren ha." Bati ko sa kanya.

"Ayaw niya magpagupit ako." Lauren kissed my cheeks. "Ay, hala, B1, ang init ni Mcbeth. Nilalagnat siya."

"Ahh kaya pala sabi mo alagaan kita ha." Tumayo na rin ang kapatid ko. "Ano bang ginagawa mo dito? Bumalik ka na sa office, lahat ng trabaho mo sa akin bumabagsak eh." Nag-uusap kami habang papasok sa elevator.

"Nandito si Pia."

"Putang ina naman, Mcbeth!" Sigaw ni Yves. "Gusto mo bang palayasin ka ni Popo sa bahay?!"

"Hindi ko naman nilalapitan!' Sabi ko pa. "Basta nakikita ko siya."

"Sus. Ikaw kasi, babaero ka." Wika ni Lauren sa akin. "B1, ikaw ha, h'wag kang mabababae ha, kundi break na tayo!"


"Wala naman akong babae."

Napatingin ako kay Yves.


"Sinungaling!" Sabi ni Lauren. "Hello, may ka-text ka kaya!"


"Heto na naman, noon naman iyon! Ka-text lang iyon!"

"Pero..." Sabi ko. "Kahit text iyan, nakakasakit." Biglang napatingin iyong dalawa sa akin. Naalala ko iyong unang beses akong nahuli ni Pia, iyong iyak niya. The truth is, I wasn't feeling guilty when I was doing that but right after she knew, doon ako nagsimulang ma-guilty. Doon ko naisip na hindi ko ginawa dapat.

"See?" Sabi ni Lauren. Huminga nang malalim si Yves.

"Hindi nga B1. Wala akong babae, wala rin akong ka-text."

Mukhang naayos sila nang ganoon lang. Yumakap pa si May Laurence kay Yves tapos naglalambingan sila.

Sana pwede kaming maayos ni Pia sa ganoon ulit. Miss na miss ko na siya. Parang nanandya pa itong dalawa, halik nang halik si Yves sa sentido ni Lauren. Si Lauren naman ay hinahalikan sa labi ang kapatid ko.

If you come backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon