Naked Souls (41)

2.8K 103 10
                                    

Author's Note: F I C T I O N

(Continuation from the previous chapter)


Ate Nikki: "Meng and RJ, may hinanda kaming game, Q&A lang naman...are you both game?"

RJ: "Hmmm, sure!"

Maine: "Anong award pag nasagot?"

Ate Nikki: "Wala uy, para lang eja-judge namin kayo if kilala niyo ba talaga isa't isa? Kasi kung hindi pwede din naman wag na ituloy ang kasal tapos send mo na sa Switzerland ang divorce paper Meng. Hahahaha"

RJ: "HUY ATE! WAG GANON!"

Ate Nikki: "Grabe reaction ni RJ, Meng! hahahaha"

Maine: "Aw, love, don't worry di naman ako papayag noh! You're forever stuck with me, Faulkerson."

Rizza: "Ayeeeh, ano ba! Kinikilig ako!"

Coleen: "Pabebe tong payatot na to! hahaha"

Maine: "Tse!"

Ate Nikki: "Ayan na, mag-umpisa na tayo para di na kayo mag-away, mga children eyes on the board! Okay? Ito nga, wag nga kayo kabahan, Q&A lang to uy! Pampalipas oras ba."

Maine: "Game ate!"

Ate Nikki: "Game na RJ?"

RJ: "Game na ate!"

Ate Nikki: "Here we go. Q1. Kung mananalo kayo sa lotto anong bibilhin niyo para sa isa't isa?"

RJ: "I will buy her a house—a writer's haven, kasi naalala ko when we shoot IYAM, she really loved the house na pinag shootingan namin, yong house ng writer, and I can still remember, love that you said, sana one day you can own something like that para doon ka mag-sulat."

Maine: "Aw, naalala mo pa yon, love? Thank you! Yong akin naman, itatayo ko yong isa niyang dream. The RFJ foundation, gustong gusto niya yan, yan talaga yong goal, to help and inspire, and mapapadali nyan pag nanalo kami ng lotto. hahaha"

AN: "Next is—anong unang ginagawa ng bawat isa sa umaga pag gising?"

RJ: "Hinahalikan ko si Meng and tell her I love her."

Coleen: "Hahaha ang harot!"

Rizza: "Luh luh luh"

Maine: "Tse! inggit ka taba? hahaha anyway first thing na ginagawa ko, hmmm niyayakap siya at sisiksik ako sa kilikili niya."

Ate Nikki: "Iba silang dalawa, enjoy nyo lang yan, wait until may baby na kayo! hahaha next question is—if magpaplastic surgery ang isa't isa sa inyo—Meng ano kaya ipagagawa ni RJ? and RJ ano kaya ipagagawa ni Meng?

RJ: "None, No, Never"

Maine: "Grabe siya! Hahaha ako wala din. Mas gusto kong natural lang, saka gwapo ka na RJ, no need to enhance or change anything."

AN: "Okay next—sino ang unang malalasing after ng wedding ninyo?"

Maine: "Hahaha si RJ!"

RJ: "Oo na, ako na yan! haha"

AN: "Next—Kung may superpower kayo? Ano kaya yon? Meng if may superpower si RJ ano kaya? and RJ si Meng ano kaya yong sa kanya?

Maine: "Siguro kay RJ, superpower na makarating sa isang place ng parang flash! hahaha

RJ: "Kay Meng, superpower na makita niya kung gaano siya ka importante sa mga taong nagmamahal sa kanya."

Maine: "Grabe siya, alam ko naman yon."

Naked Souls (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon